Novaliches Bishop To Consecrate Diocese To BVM On May 13

76751370_2645753615538558_6910709538698035200_o
An image of Our Lady of Fatima taken during the Novaliches Diocese Catechetical Foundation (NDCF) Advent Recollection for Public School Principals and Teachers held at St. Peter Parish Shrine of Leaders last November 23, 2019. (Photo credit: Aimee Mendoza)

On the 103rd apparition of Our Lady of Fatima, the Most Rev. Roberto Gaa, D.D. will be consecrating the Diocese of Novaliches to the Blessed Virgin Mary on May 13, 2020 at the Cathedral Shrine and Parish of the Good Shepherd, Fairview, Q.C.

This will be done in communion with the “National Simultaneous Consecration To The Immaculate Heart of Mary” that will be lead by all local ordinaries on the said day in line with the COVID19 pandemic the Country is beset with, said Novaliches Catechetical Ministry Director Rev. Fr. Aristeo De Leon.

“The Consecration involves a very short prayer that will be lead by the Bishop,” explained Fr. De Leon who is organizing the celebration for the Feast of Our Lady of Fatima in the Diocese.

He narrated that the Consecration comes after the recitation of the Holy Rosary, which will be longer than usual since it comes with a reflection.

Fr. De Leon, who is also Parish Priest of the sole Parish dedicated to Our Lady of Fatima in the Diocese of Novaliches, added that the last part of the day’s Celebration is a Holy Mass to be lead also by the Bishop.

“Instead of a circular, the Bishop will be coming out with a catechetical video to prepare everyone on the celebration and to invite Parish Priests to consecrate their Parishes on the same day during their regular daily Mass schedule,” he ended.

The entire May 13 celebration will be livestreamed in the Diocesan Facebook Page, where the catechetical video will also be posted ahead of date.

The Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) announced last April 28, 2020 that a National Simultaneous Consecration To The Immaculate Heart of Mary will be held alongside the Feast of Our Lady of Fatima on May 13, 2020.

In line with this, CBCP released Liturgical Guides for the Memorial of Mary and for the Consecration Rites in English, Filipino, and Bisaya so that everybody can participate in this event online. (~Minnie Agdeppa)

May13Consecration_Poster-small
(Graphics credit: Carlo Cudal)

CBCP Liturgical Guides:

A. English

B. Filipino

C. Bisaya

Bishop’s Homily – 4th Sunday of Easter 2020

BishopRobbie_4thSundayEaster2020
Screen grab from Dio Nova FB Live May 3, 2020

Transcript of the Homily of the Most Rev. Roberto Gaa, D.D.
4th Sunday of Easter
Radio Veritas Tower, West Ave., Q.C.
May 3, 2020 | 7AM

Magandang umaga po sa inyong lahat! Kung mapapansin niyo po medyo kakaiba po ang lugar kung saan ako nagmi-Misa. Hindi po sa Tahanang Pari. Tayo po ay nasa Radio Veritas po. May xdeal po kami. Nagmisa po ako dito kaninang alasais at ako po’y pinagMisa nila–pumayag naman po sila na magMisa dito para sa Diocese of Novaliches Facebook.

Kaya maraming salamat po sa pamunuan po ng Radio Veritas. Maraming salamat po sa pagpagamit ng pasilidad. May music pa po tayo–may live music! Sayang nga lang po hindi pa po yung kumanta ng ating Salmo. May nangako po pero iba po yung kumanta.

Napakaganda po ng ating pagdiriwang ngayon kasi sinasabi po dito na si Kristo ang Mabuting Pastol. Pero bago siya naging Mabuting Pastol, Siya ay naging Mabuting Tupa–inihain lalo’t noong Panahon ng Pasyon.

Kaya makikita natin na, proseso siya! Proseso para kay Hesus yung pagdaan mula sa pagiging Mabuting Tupa patungo sa Mabuting Pastol. Na kahit si Kristo mismo ay pinagdaanan. Ganun siya kahalaga!

Kasi pwede naman talaga maging Mabuting Pastol na lang Siya. Pero siya ay naging mabuting tupa muna. Na kung saan ipinakita Niya, pinamalas Niya sa atin paano ba magtiwala.

Kahit dadaan sa maraming pagsubok, kahit daraan sa madaming hirap, kahit ialay ang Kanyang sariling buhay. Siya muna ay nagpakatupa bago siya nagpakapastol.

Kaya makikita natin, oo nga ano ganun din pala yung sa atin!

At ngayon, tingin ko, tayo ay tinuturuan na magpakatupa din. Yan din kasi ang tinuturo din sa mula sa Aklat Ng Mga Gawa Ng Apostol, magpakatupa ka, magtiwala ka sa Diyos.

Parang ang daling sabihin po yun kung maganda yung sinasapit natin sa buhay. Pero sa panahon ngayon, parang ang hirap magpakatupa. Parang hindi mo alam–walang kasiguraduhan. Hindi mo alam kung anong mangyayari. Siguro lalo sa akin bilang Obispo, kung anong mangyayari sa Simbahan, sa Diocese ng Novaliches.

Kasi ang huling balita ngayon ay bawal kahit sa General Community Quarantine, ay bawal pa rin magkaroon ng pampublikong Misa.

Sabi ko paano nang mangyayari?! Paano nang mangyayari sa atin?! Paano yung mga utang na babayaran? Paano yung mga sweldo–yung mga taong papaswelduhan? Paano yung mga taong nagtratrabaho?

Paano yung mga utang? Wala munang bayaran? Mangupa.

Siguro, para sa Diocese, paano yung mga taong nagugutom? Yung walang makain.

Yung unang linggo pa lang ng quarantine ay tinatanong ko, kinakamusta ko yung mga Vicar Forane. Sabi nila, “Nagkakagulo na po, Bishop! Merong mga grupong nanggugulo! Yung mga hindi kasama ng partido, ng ganitong pulitiko, ng ganitong baranggay kaptain ay nanggugulo na po at dinadamay po ang Simbahan.”

Kaya sabi ko, “Naku, Lord! Ano na ang mangyayari?”

Kaya simula ng unang linggo hanggang siguro mga maka-ikatlong linggo ng quarantine, parang balisang-balisa ako. Sabi ko kabago-bagong kong obispo, wala pa akong isang taon na obispo, eto pa yung sasapitin ko.

Sabi ko, nung ako’y tinanggap ko maging obispo, ang sabi ko sa sarili ko ay, “Lord, titiisin ko ito–ang lahat ng hirap para sa Iyo.”

Pero itong nangyayari ngayon, parang nangyayari ang lahat magtitiis, ang lahat dadaan sa hirap. Parang sa akin, parang ang hirap tanggapin yun kasi ako lang ang umoo. Hindi naman umoo ang lahat ng tao.

Kaya ang hirap, yung hirap na pagdadaanan! Na ako lang sana yung umoo, pero ngayon lahat damay!

Para akong magulang na, “Sige Lord, titiisin ko lahat!”

Pero kapag nakikita mo ang mga anak mo nanghihirap, ang hirap! Parang gusto mo sabihin, “Sige na ako na lang, Lord, ang bigyan mo ng sakit ng katawan! Ako na lang pahirapan mo huwag na yung mga anak ko!”

Pero hindi eh. Hindi pwedeng mangyari. Parang hinayaan ng Diyos.
Kaya nga ba sa atin, ang paanyaya sa atin ng Diyos–oo, totoo, naging Pastol ako ng Diocese of Novaliches noong August 24. Pero ngayon, ako ay inaanyayahan ng Diyos na maging tupa–magtiwala ng masmalalim sa Kanya.

Oo, totoo, nandyan pa rin yung mga utang, nandyan yung pasweldo na–uhmm! Nandyan yung mga napakaraming mga kailangang gampanan.

At tinatanong ng Diyos, sa gitna ng pagkabalisa, “Nagtitiwala ka ba talaga sa Akin? Kaya mo bang isantabi lahat iyan? Hindi sa wala kang pakialam, pero may tiwala ka ba sa Akin?”

Ang dami ko pang lumabas na iba pang mga angal bago ko sabihing pikit-mata, “Opo, Panginoon!”

Parang sinasabi ng Diyos, “Magpakatupa ka muna sa iyong mga tupa. Kasi kapag ika’y naging tupa, pwede ka ring maging pastol. Kasi yung pinagdadaanan mo ngayon bilang tupa, ay pinagdadaanan ng mga tupa mo. Kaya ang iyong pagmamahal, iyong malasakit, iyong pagaalala, alam mo ang sinasabi mo. Alam mo ang pinagdadaanan mo kasi alam mo rin ang pinagdadaanan nila.”

At yung paanyayang iyan ay hindi lamang sa akin bilang Pastol ng Diocese. Pero ang bawat isa ay pastol. Pastol siya ng kapatid niya, pastol siya ng mga anak niya, pastol siya ng mga katrabaho niya. Pastol tayong lahat.

Pero bago tayong maging pastol, tayo’y maging tupa! Marunong maramdaman ang pinagdadaanan ng kapwa. At kung yun ay nagagawa natin, pwede tayong maging pastol kasi alam natin ang pangangailangan ng ating kapwa. Kaya alam natin yung pangangailangan ng ating tupa.

Si Kristo nagtiwala sa kanyang Ama. Buong-buo ang tiwala sa Kanyang Ama. Ganun din sana sa atin. Maipasa sana sa atin ni Kristo yung pagtitiwala niya sa Ama.

Kaya yung ating pagpapastol, hindi lamang dahil sa ating lakas, sa ating talino, sa ating galing, sa ating resources. Pero yung pagpapastol natin ay galing sa Diyos, ang Tunay Na Pastol. Tayo ay nakikipastol-pastol lang. Nakikiramdam-ramdam lang. Pero ang tunay na pastol ay ang Diyos.

Kaya sana sa atin, magtiwala tayo sa Kanya na hindi Niya tayo pababayaan–hindi niya tayo ililigaw, hindi Niya tayo ipapahamak! Totoo dadaan tayo sa pagsubok! Pero yun ay para tayo lumakas, hindi para malupig, pero para lumakas!

Kaya mga kapatid magtiwala tayo sa Diyos bilang Mabuting Pastol. Magtiwala tayo sa Diyos tayong mga tupa niya. Pero magtiwala din tayo sa Diyos bilang pastol din sa ating kapwa–nangangalaga, nagmamahal, at naglilingkod.

Bishop’s Homily – 3rd Sunday of Easter 2020

Screengrab from FB Live April 26, 2020

Transcript of Homily of Most Rev. Roberto Gaa, D.D.
3rd Sunday of Easter
Tahanang Pari Priests’ Lounge
April 26, 2020 | 7AM

Magandang umaga po sa inyong lahat!

Talagang lahat gagawin natin para magkaroon ng magandang pagdiriwang, pati pagsuot ng microphone! Mamaya magtitinda na ako sa SM.

Napakaganda po ng ating Pagbasa kasi sinasabi dito yung mga apostoles, habang sila ay nasa daan, balisang-balisa sila. Tumabi na sa kanila si Hesus na nakasama nila ng tatlong taon pero hindi nila nakilala. Para bagang may talukap, may tabing ang mga mata ng mga apostoles. Katabi na nila, naririnig na nila, nararamdaman ang Presensya, pero hindi pa rin nakilala si Hesus.

At ilang beses nang nagparamdam si Hesus na Siya ay buhay nang muli. Yung isa yung wala nang laman ang libingan na kung saan ibang-iba kaysa dun sa muling pagkabuhay ni Lazaro dahil maayos ang lahat ng kayong ipinangbinalot sa Kanya. Para bang nalusaw ang katawan ni Hesus sa loob ng kayong na iyon.

Yan din ang kwento ni Maria Magdalena na nakita niya ang dalawang mapuputing anghel na kung saan sinasabi sa kanya, ‘Magpunta kayo sa Galileya at tatagpuin kayo ni Hesus.’

Dalawang tanda na tapos ito pang sa Emmaus. Siguro nga kakaibang-kakaibang ang anyo ni Hesus. Siguro nga parang masyadong madiin ang tatak sa puso’t sa isip ng mga apostoles sa kakapangyari lang na paglalait, pagpapahirap, pagpapasakit ni Hesus–Kanyang pagkapako sa krus at Kanyang pagkamatay.

Malalim na malalim at malinaw na malinaw ang tatak sa puso ng mga apostoles na hindi sila makalampas na nabuhay nga talaga si Hesus. Isang malagim na kamatayan.

Pero yun nga eh, tumawid na si Hesus! Tinawid Niya ang kamatayan at Siya’y muling nabuhay. Pero ang mga apostoles ay naiwan pa din dun sa imahin ng kanyang pagkamatay. Bagong Hesus, hindi natin mamukhaan. Pero tayo’y naiiwan pa rin dun sa lumang buhay.

Pwede nating sabihin yan yung pinagdadaanan natin ngayon na kung saan tayo’y boryong na boryong na sa bahay! Na nasiyasat na natin ang bawat sulok, bawat kanto ng ating bahay at para bagang wala tayong magawa.

Hindi natin mapuntahan yung gusto nating mapuntahan. Pero ano nga ba ang paanyaya ng bagong buhay ni Hesus. Yung bagong buhay ni Hesus ay baka parang sinasabi Niya, ‘Napakaraming pwedeng gawin!’

Nagbubulag-bulagan lang tayo sa dami ng gagawin. Pwede tayong maglaba, pwede tayong maglinis, pwede tayo maglampaso, pwede tayong magayos-ayos ng tulo ng bahay. Napakaraming pwedeng gawin! Maraming pwedeng buting-tingin.

Yung pagkaboryong natin sa bahay, pwede nating sabihin na ito yung panahon natin na makasama natin ang buong pamilya! Maiparamdam natin ang ating pagmamahal sa kanila. Maturuan ng tamang asal ang ating mga anak. Maramdaman nila yung masiglang pananampalataya natin.

Siguro yung isa pa diyan, ano ba yung bagong buhay? Na tayo ay mabuhay ng payak, na wala na tayong kung anu-ano pa hinahanap kasi alam natin andyan na rin ang lahat.

Pwede din nating sabihin, itong panahong ito, yung balisang-balisa tayo kasi walang tayong trabaho. At dahil wala tayong trabaho, wala tayong makain.

Sa balita ko, maraming nagproprotesta. Pero para bagang wala pang namamatay sa gutom. Meron pang nakakapagrebond ng buhok, nagiinuman, nagsusugal, so nakakarating yung tulong! Kahit medyo mabagal lang ng konti, pero nakakarating! Andyan yung tulong din na dumaan din sa simbahan.

Nandyan yung nagtitinda ng gulay, yung isda, manok. Kaya merong tulong. Kahit wala tayong trabaho. Kahit wala tayong para bagang nabibili bunga ng ating pagpapawis at trabaho, may tumutulong. May tumutulong!

Kaya yung pagkabalisa natin dun sana wag din yung–wag din yun yung maging dahilan para tayo’y panay labas ng labas ng bahay.

Siguro isa pang dahilan yung, ‘Eh ang liliit naman ng bahay namin!’ Siguro hindi tulad ng mga bahay sa mga malalaking village.

‘Yung maliit lang ang bahay namin. Yung aming kumidor, yan na ang kusina, yan na ang aming tulugan, yan na ang lahat! Napakahirap manatili diyan! Magpapalitan na kami ng mga mukha diyan!’

Pero siguro ang tanong dun eh, yan ba ang gusto nating gawin o mas gugustuhin natin na tayo ay makulong sa isang kahon na may lalim na six feet sa ilalim ng lupa? Pero biro lang po iyon!

Pero yun nga eh. Magandang tignan natin na kung hindi lang tayo magkukulong sa loob ng bahay, baka tayo yung sanhi ng pagkapasa ng sakit o baka tayo din yung magkasakit.

Siguro ang sinasabi dito, ang bagong buhay ay hindi mawawala ang pagtitiis. Kaya tiis lang ng konti pa. Kung minsan dinadaan na lang natin sa tawa.

Madilim man ang tatak ng COVID sa buhay ko. Malagim man ang kaganapan sa kasaysayan ng tao. Ang paanyaya sa atin ng Diyos ay manatiling bukas ang mata mulat ang presensya sa ating Panginoon, sa kabutihan Niya, lalo’t higit sa mga taong tumutulong sa atin.

Ito man ay mga negosyanteng nagbibigay ng gift check. Ito man yung gobyerno o pamahalaan, LGU na nagbibigay ng tulong sa atin. Tignan din nating yung kabutihan ng ating sarili na natutupsan ngayon. Yung pasensya, yung pagtawa sa tiisin, yung pagunawa sa ating kapwa–yan ang presensya ng Diyos sa buhay natin!

Magpasalamat tayo sa Panginoon dahil ang Diyos ay tunay na matapat sa atin. Pero paanyaya ng Diyos, manitili sa presensya ng Diyos.
Tulad ng ilang linggo ko nang sinasabi, itong COVID19, itong pandemic na ito, parang atat na atat na tayong lumabas at gumala. Pero marami nang naituro sa atin ito.

Huwag sanang parang bula mawawala na lamang ito kasi tapos na ang pandemic. Huwag din sanang mawala ang ating pagsasaliksik, paghahanap ng presensya ng Diyos sa ating buhay.

Manatili sana tayo sa Diyos. Kahit wala nang pandemic, kahit wala na yung virus, itong mga natuklasan nating bagong buhay ay sanang hindi mawala. Ito sana ang dahilan kung bakit natin pinagpapasalamat itong pandemic na ito.

Para bang ang pangangaral sa atin ng Diyos itong panahon na ito ay tunay na lumalim at magkaroon ng buhay.

Bishop’s Homily – 2nd Sunday of Easter 2020

Transcript of Homily of the Most Rev. Roberto Gaa, D.D.
2nd Sunday of Easter
Tahanang Pari Conference Hall

April 19, 2020 | 7AM

Magandang umaga po sa inyong lahat!

Tayo po ay nasa ika–maglilimang linggo na–at nararamdaman na talaga natin yung hirap. Siguro ang hirap nito’y dala ng kawalan ng kasiguruhan. Hindi natin alam kung ano na nga bang mangyayari pagdating ng April 30.

Ipagpapatuloy ba ang quarantine? Kasi hindi pa rin bumababa yung kurbada, parang pataas pa rin. Parang nawawalan ng kasiguraduhan ang mangyayari sa atin.

Ang sabi ng ekonomiya, dapat magumpisa na, kasi kung hindi babagsak ang ekonomiya. Pero ang sabi ng mga manggagamot, kung sila ay magbabalikan sa kanilang mga trabaho, manunumbalik at lalo pang tatarik ang pag-akyat ng mga may sakit.

Kaya talagang hating-hati ang kalooban–siguro lalo na ni Presidente. Babalik na basa sa normal pero isa-saalangalang mo ang kalusugan ng nakararami? O mananatili ang quarantine pero paano naman ang industriya at kabuhayan ng mga tao?

Buti sana kung may deadline na ito. Buti sana kung sasabihin, ang sakit ay may expiration date. Walang expiration date. Kaya lalong nakakatakot, lalong nangangamba ang mga tao. Ano nga ba ang sasapitin natin?

Kaya para sa akin–at siguro para sa nakakarami–sa panahong ito, para bagang nagkukubli ang Diyos.

Tulad ni Tomas, hindi niya makita ang Panginoon–kahit ipinaliwanag na sa kanya ng mga apostoles, ‘Nakita namin ang Panginoon!’

‘Hangga’t hindi ko nahawakan ang Panginoon, hindi ako maniniwala!’

Nagpakita na kay Maria Magdalena, hindi pa rin naniniwala. Walang laman ang libingan ni Hesus, ayaw pa rin maniwala.

May tatlo nang pangyayaring nauna, pero hindi pa rin maniwala si Tomas.

Parang ganoon sa napakaraming tao. Hindi mapakaniwala na, nasan na ang Panginoon? Nagkukubli ang Panginoon. Nasaan ang kadakilaan ng Muling Pagkabuhay?

Pero tulad ng sinabi kay Tomas, ang sinabi, ‘Maniwala ka at makikita mo ang kadakilaan ng Diyos!’

Maniwala ka at makikita mo. Kaya nga ba ang paanyaya sa atin, magtiwala sa Panginoon. Kung tayo ay maniniwala sa Panginoon, may kapanatagan ang loob. Hindi tayo natataranta, hindi nababalisa.

Kahit hindi natin kontrol ang buhay, pero alam natin kontrolado ng Diyos ang nangyayari sa atin, may kapanatagan ng loob. Hindi tayo matataranta dahil meron tayong maasahan sa Diyos.

Hindi lang naayon sa plano natin! Pero itong lahat ng ito ay naayon sa plano ng Diyos. Huwag natin ipilit kung ano yung hatak nga katawan natin, yung isipan. Magtiwala sa Panginoon.

Kapag ganun ang mangyayari, makikita natin na hindi tayo balisa, panatag ang ating loob, hindi tayo natataranta lalo’t higit para sa sarili nating pangangailangan.

Kaya nga ba tingin ko, kaya ganun na lang ang ginawa ng mga apostoles sa Unang Pagbasa. Nagtitiwala sila sa Panginoon kaya hindi nila inuuna yung sarili nilang pangangailangan. Inaalala nila ang pangangailangan ng mga tao sa kanila, sa kanilang samahan, sa kanilang pagkakapatiran kung sino ang nangangailangan. Yun ang kanilang inuuna.

Kaya makikita natin na–oo nga ano!–yun ang bunga ng kapanatagan sa Diyos: ang unahin ang pangangailangan ng iba. Alam ng Diyos ang pangangailangan natin.

At kung tayo ay nagtitiwala sa Diyos, hindi Niya tayo pababayaan, lalo’t higit sa panahon na ito. Totoo, pwede tayong magutom ng konti, pwedeng tayong mawalan yung ating mga nakagawian.

Pero kung anong mahalaga, hindi magkakait ang Diyos. God will continue to sustain us. And if God will be this faithful to us, we have nothing to worry about. Wala tayong takot at pangamba at handang-handa tayo magsilbi lalo na sa mga nangangailangan.

The Bishop’s Homily – Easter Sunday 2020

Transcript of the Homily of the Most Rev. Roberto Gaa, D.D.
Easter Sunday
Catherdal Shrine and Parish of the Good Shepherd
April 12, 2020 | 9AM

Magandang umaga po sa inyong lahat!

Hello?! Parang naghahanap pa ano? Alam namang walang tao. Baka lang naman may sumagot.

Napakaganda po ng ating mga pagbasa, simula dun sa Gawa Ng Mga Apostoles. Dahil sinasabi doon na, kakaiba talaga si Hesus sa lahat ng mga dumating sa bayan nila. Kakaibang-kaiba dahil hindi naman Niya binago ang batas, pero pinailalaim Niya ang pagkaunawa dito.

Lumalim yung pagkaunawa nila sa batas, hindi lamang yung panlabas na pag-unawa, pero yung pagunawa na hinahalukay yung kaloob-looban.

Kakaiba din yung, pwede nating sabihin, sino nga ba–o yung kasarinlan ni Hesus. Sinasabi kasi, lahat naman ng propeta alam nila kung saan nanggaling.

Akala nila alam nila ang pinanggalingan ni Hesus. Pero iba din ang pinanggalingan ni Hesus. Siya’y pinadala ng Ama, siya’y t sinabayan ng Espiritu Santo, at dahil dito kakaiba yung Kanyang pananalita, kakaiba ang Kanyang mga gawa.

Dun pa sa huli, sinabi din nung nabuhay muli, si Kristo pa ay kumain na kasama sila, nagpakita, at pinahayo sila sa iba’t ibang lugar. Hindi nanatili kay Kristo ang misyon. Kaya masasabi natin kakaiba talaga si Hesus.

Kaya ba ang nangyari, kung titignan natin yung ating Ebanghelyo, kung si Lazaro ay binuhay muli ni Hesus–nakakulong na sa libingan si Lazaro ng apat na araw.

Kahit si Martha sinabihin si Hesus, ‘Huwag niyo na po anuhin, tanggap na po namin na patay siya’.

Pero sa kabila nun sinabi Niya, ‘Buksan niyo.’

At lumabas si Lazaro nakabalot pa sa kanya yung kayong lino, kahit yung kamay niya ay nakatali din. Pero yung muling pagkabuhay ni Hesus ay iba.

Kasi nakikita natin, nakaayos pa ang lahat, nakalatag kung saan Siya nakalibing. Para bagang nalusaw ang kanyang katawan, pumasok sa kayong lino, at kahit ang Kanyang anyo ay nagbago.

Ano nga bang sinasabi dito sa atin? Siguro sinasabi sa atin, huwag mong hanapin–o huwag kang manatili doon sa dati! Huwag kang manatili sa kadiliman ng Biyernes Santo kundi hanapin mo si Kristo na may bagong buhay, si Kristo na muling nabuhay.

Huwag niyong hanapin yung sugatan na Kristo: lapnos-lapnos ang balat, bugbog ang katawan. Asahan niyo ang bagong Kristo, ang muling nabuhay na Kristo.

Hindi natin iniiwan yung dating imahe ni Kristo pero dilat ang ating mata na Siya ay nagbago. Ganun din siguro ang hinihingi sa atin ngayon.

Para bagang nagbagong anyo ang simbahan. Walang tao, iilan lamang po ang tao sa loob ng simbahan, nagbagong-anyo. At karamihan ng taong nasa sa loob ng kanilang mga bahay. Yan, pwede nating maituring dating simbahan pero yun yung bagong simbahan para sa atin ngayon.

Hanapin natin si Kristo sa ating bagong simbahan, sa ating bagong tahanan. Ang bagong Kristo sa bagong simbahan. Ang simbahan na patuloy na nagbibigay ng presensya para sa atin para tayo magkaroon ng lakas ng loob magpatuloy, hindi mawalan ng pagasa.

Pwede nating sabihin, kung titignan natin, yan yung ating Ikalawang Pagbasa, na kung saan binibigyan ng kakaunting yung yeast–ano bang yeast sa Tagalog? Pare-pareho tayong–ano yung yeast sa Tagalog? Naku walang may alam! Libadura! Yung libadura!

Kaunting libadura lang ang kailangan para umalsa ang tinapay. Yun ang sinasabi sa ating Ikalawang Pabasa. Kaunting libadura lamang. Maliit na simbahan lamang ang kailangan para magkaroon ng pagbabago.

Unang-una sa sarili nating puso. At kung ang bawat tahanan, ang bawat bahay ay magiging maliit na libadura, ang hinahanap-hanap natin na simbahan ay hindi din talaga nawala, nagbago lang ng anyo.

At para sa akin, yan yung paanyaya sa atin ng Diyos. Tignan ang simbahan natin ngayon, pero tignan din natin ang simbahan na masigla at buhay ngayon. Ang libadura na kung saan ang kasiglahan ng simbahan ay matatagpuan sa puso ng bawat isang nanampalataya.

At ang pari, kahit ako po, ay patuloy na maglilingkod para maging buhay ang simbahan niyo sa tahanan. Ang simbahan ay patuloy na magmi-Misa para ang simbahan ninyo ay nami-Misahan, patuloy na napapakain, patuloy na napapalakas, patuloy na nagkakaroon ng sigla.

Pero ang sigla ng simbahan ay hindi nagtatapos sa inyo. Kailangan ninyong ipasa ang pag-asang iyan. Kailangan ninyong ipasa ang kagandahang loob na iyan sa inyong kapitbahay, sa inyong mga kamag-anak, sa inyong barangay, sa inyong kawan.

Hindi pwedeng tumigil ito kasi yung ating pagkalibadura nawawalan ng saysay kapag pipigilan natin ito.

Huwag po natin hanapin si Hesus. Sa panahong ito, huwag natin Siya hanapin sa luma. Hanapin natin Siya sa bago. Salubungin natin siya sa bago.

Bagong puso, bagong paguugali, bagong pananaw, bagong kasiglahan. Para yung ating pagtatagpo, yung ating salubong sa Kanya ay magkaroon ng saysay hindi lamang sa pamilya–sa maliit na libadura–kundi sa lahat ng ating makakasalamuha.

The Bishop’s Homily – Easter Vigil 2020

Transcript of the Homily of the Most Rev. Roberto Gaa, D.D.
Easter Vigil
Cathedral Shrine and Parish of the Good Shepherd

April 11, 2020 | 730PM

Happy Easter po sa inyong lahat!

Napakaganda po ng ating Liturhiya! Nandun po yung drama ng dilim at liwanag! Nandun po yung drama ng kasalatan pero yung presensya ng Diyos naroroon!

Para bagang alam ng Diyos ang pinagdadaanan natin. Hindi lamang dahil dito sa COVID19. Pero ito’y talagang natural nating pinagdadaanan.

Na tayo’y may pagdaraanang hirap, lalo’t higit kung ito’y tatanggapin natin. Tanggap natin sa ating puso itong hirap na ito, alam din natin na kasabay natin ang Diyos.

Mabibigyan tayo ng lakas ng loob, mabibigyan tayo ng sigla, mabibigyan tayo ng pagasa. At sa huli, mapaglalampasan natin ito.

At makikita natin dun, na dun sa ating paglampas, tayo ay naging masmabuting tao. At sa aking palagay, yan naman talaga ang nais ng Diyos. Inihahanda tayo lagi ng Diyos para sa patuloy na pagbabago na nangyayari sa atin.

Kahit itong COVID19 ay isang paghahanda ng Diyos ng ating kaloob-looban.

Sino bang makakapagisip na–kadalasan po kasi ang retreat o recollection para sa Lent ay iisang araw o dalawang oras lamang–pero simula po March 15, simula po ng quarantine, ay nagreretreat na po tayo sa ating bahay.

At doon pinapagnilay sa atin ng Diyos, ano nga ba ang ugnayan natin sa Kanya? Sino nga ba ang Diyos sa atin?

Kaya nga ba, itong maganda, itong mga pagbasa. Ito yung tanda ng pakikilahok ng Diyos sa ating buhay.

Simula sa paglikha ng sansinukob, sa pagsubok ni Abraham, hanggang sa pagtawid ni Moises sa dagat, nakikilahok ang Diyos. Kaya kahit sa akin, pwede nating tignan, kahit yung pagkalibing ni Kristo ay pakikilahok ng Diyos sa mga nangamatay.

Yan yung sinabi ni isang Theologian si Hans Ursbon Baltazar, ang Black Saturday ay ang pakikilahok ng Diyos at pakikiisa ng Diyos sa mga nangamatay.

Kaya sinasabi natin dito, ang presensya ng Diyos ay nakakaabot hanggang sa nangamatay at presensya pa ni Kristo yun.

Kaya makikita ng Diyos–makikita natin ang Kanyang pakikilahok ay sa mga nabubuhay at sa mga namatay. Kaya nga ba pagdating sa Kanyang muling pagkabuhay, lalo’t higit dun sa Ebanghelyo, pagkatapos ng isang malagim at malupit na kamatayan, parang hirap na hirap bukasan ng tao ang kanyang mga mata.

Parang nasanay sa dilim ang tao, nasanay sa siya’y nakapit, siyang walang nakikita, sanay na madapa sa dilim. Kaya nga ba nung nagliwanag si Kristo, nasilaw ang lahat. Para bagang nabulag ng muli, pero hindi sa kadilim–nabulag sa matinding ilaw.

At para sa akin, yan ang dala-dala ni Kristo para sa atin. Ang patuloy na pagbabago ay nagmumula sa pagkamatay, pagkalibing, at muling pagkabuhay. Ang tawag po sa Ingles diyan ay yun yung Paschal Mystery. The Paschal Mystery that we all go through daily in our life.

Binigyan lang ng pangalan ng Diyos, binigyan ng pagasa ng Diyos, binigyan ng liwanag ng Diyos.

Simula sa umpisa ng ating buhay meron nang Paschal Mystery. Yung nanay natin naghirap sa kanyang pagbubuntis. Kahit tayo, sa ating sinapupunan–sa sinapupunan ng nanay natin, sa ating paglabas, pare-pareho tayong nahirap ang ating ina sa pagluwal.

Pero makikita natin dun, dun sa pagluwal, may bagong buhay. Kaya makikita natin na yan yung Paschal Mystery na pinagdadaanan natin lagi-lagi sa buhay natin.

Hindi tayo laging nasa gloria. Pero tayo ay dadaan sa madilim na kuweba, mamalagi ng ilang sandali sa kadiliman ng kuwebang ito, sa kadiliman na ito. Pero tayo’y hindi nananatili sa madilim. Tayo ay inaalalayan ng Diyos sa paglabas sa dilim dahil si Kristo mismo ang ating Liwanag.

Kaya nga angkop na angkop yung ating Ikalawang Pagbasa, yung mula sa Sulat Sa Mga Taga-Roma. Sinasabi doon na ang pagbibinyag–diba kapag nagbibinyag, lalo’t higit nung unang panahon, inilulubog sa tubig ang bibinyagan.

At kapag ika’y hindi pinaahon, patay ka, lunod ka! Pero hindi natatapos ang binyag dun sa paglubog ng tubig. Ikaw ay iaahon sa tubig. Parang sinasabi dun, sa iyong pag-ahon, yun ay pag-ahon mo sa bagong buhay.

Ikaw namatay sa kasalanan, namatay sa kahinaan, namatay sa inggit, pero ikaw ay muling mabubuhay. Ikaw ay namatay sa galit, ikaw ay namatay sa inggit, sa takot, pero ikaw mabubuhay sa pagasa.

Kaya makikita natin, itinatawid tayo mula sa pagkamatay hanggang sa muling pagkabuhay sa Sakramento ng Binyag. At yan ay linggo-linggo nating ipinagdiriwang.

Malalim po ang hamon nitong pandemic na ito. Kung titignan natin yung graph po ng confirmed cases ay tumataas pa rin po. Kahit po yung mga nangangamatay ay tumataas pa rin po. Merong kawalan ng kasiguraduhan. Hanggang kailan ba ito? Anong mangyayari sa atin?

Kahit yung ekonomiya natin, ano na ang sasapitin ng ating ekonomiya? Ng ating Simbahan–ganito na lang nga ba tayo?

Pero sa kadiliman na ating dinaranas ngayon, ang Diyos pa rin ang nagbibigay sa atin ng pag-asa. Pag-asa na hindi dahil sinabi lang Niya, pero pinatunayan Niya ito sa kasaysayan natin. Pinatunayan Niya ito sa Kanyang sariling Anak, na kahit ang kasalanan–lalo’t higit ang kamatayan–ay kanyang sinakop na.

Magtiwala tayo sa Diyos, manalig tayo sa Diyos. Siya ang ating bagong buhay. Siya ang ating pag-asa. At ito’y napatunayan na Niya at patuloy pa niyang pinapatunayan magpahanggang ngayon. Kapit lang tayo sa Diyos at makakatawid din tayo sa Kanyang liwanag.

The Bishop’s Homily – Good Friday 2020

Transcript of the Homily of the Most Rev. Roberto Gaa, D.D.
Good Friday
Cathedral Shrine and Parish of the Good Shepherd
April 10, 2020 | 3PM

Magandang hapon po sa inyong lahat.

Habang pinakikinggan natin ang Unang Pagbasa mula sa Aklat Ni Propeta Isias–tandaan po natin na ito ay sinulat mga 600 o 650 years bago dumating si Hesus, pero habang pinakikinggan natin ang ating Unang Pagbasa, para bagang alam ni–ng Propeta kung ano ang mangyayari kay Hesus–ang bawat pahirap, bawat pasakit–malinaw na malinaw na isinulat ni Propeta Isaias.

Kaya nga ba pwede natin itanong, ‘Yan ba nga talaga ang kagustuhan ng Diyos? Ikinatuwa ba ng Ama na maghirap ang Kanyang Anak?’

Natatandaan ko po, siguro mga 15 years ago o 15-16 years ago, yung pelikula na ‘Passion Of The Christ’, habang si Kristo po ay nakabayubay sa Krus, may isang patak ng tubig na pumapatak papuntang lupa. At ito ay pumatak malapit sa paanan ng krus ni Hesus. Walang paliwanang. Walang sinabi tungkol doon.

Pagkatapos po noon, ang sabi sa komentaryo, yung patak na tubig na iyon ay ang luha ng Ama dahil sa hirap na pinagdaanan ng Kanyang Anak.

Kaya pwede nating sabihin hindi ginusto ng Ama na mahirapan ang Kanyang Anak. Bakit nga ba kailangang ganun ang dapat pagdaanan ng kanyang Anak?

Ang sabi sa paliwanag kahapon, bilang paghahanda ng mga taong aalis–yung Passover–kailangang bumili sila ng isang tupa, yung walang bahid-dungis, yung walang pinsala, at yung dugo nito ang ipapahid sa poste ng bahay o poste ng pinto, sa hamba.

Para bagang sinasabi na si Kristo na walang kasalanan, walang bahid-dungis, Siya lamang ang makapagdudulot ng kaligtasan para sa ating lahat.

At ito ay mangyayari, kapag inako Niya, kinuha Niya sa Kanyang sariling katawan ang kasalanan nating lahat. At ganun nga ang nangyari, inako ni Hesus ang pinakamasama sa kasalanan, yung umiigting yung kasalanan at ito ang pagkapako Niya sa Krus.

Yung kalupitan ng kasalanan, inako Niya lahat iyon! Tanda na wala Siyang pinalampas na kasalanan! Ang lahat ng kasalanan ay inako Niya sa Kanyang Katawan!

Kahit wala Siyang kasalanang sarili Niya, inako Niya iyon alang-alang sa atin–alang-alang sa ating buhay na walang hanggang.

Kaya makikita natin na ganun katindi ang pagmamahal ni Kristo at ng Diyos Ama sa atin. Kaya nga ba makikita natin na sa Kanilang pagmamahal para sa atin, ninais ng Diyo na isakripisyo ang Kanyang Anak. Si Kristo naman, sinunod Niya ang kagustuhan ng Kanyang Ama.

Pero kakaiba sa Ebanghelyo, madadama natin na ginawa ni Kristo ang pagpunta sa Krus ng may pagmamahal. Hindi Niya ito ginawa na may tampo, hindi Niya ginawa ito na may dabog, buong pagmamahal Niyang niyapos ang krus.

Meron pong pagninilay na ginagawa po sa 30-Day Retreat. At ito po yung pagpasok ni Kristo sa halamanan na kung saan Siya ay nagpawis ng dugo. Kasi doon Niya talaga naramdaman yung hirap na Kanyang pagdaraanan, yung sakit ng katawan at kalooban.

Pero pagkatapos Niyang pagdaanan iyon at tinanggap Niya ang kagustuhan ng Ama para sa Kanya, paglabas ni Kristo sa halamanan, wala nang takot, wala panganganib, Siya ay puno na ng pagmamahal.

Hindi dahil kaya Niyang tiisin ang krus. Kundi alam Niya ang Kanyang gagawin ay pagmamahal ng Diyos para sa ating lahat. Kaya sinalubong Niya ang Krus ng buong pagmamahal, walang pangangamba, walang takot, walang pangingimi, buong pagmamahal.

Ano ang hinihingi sa atin ngayon ng Diyos? Kasi pwedeng maganap ang lahat ng iyan ng hindi tayo nakikiisa kay Kristo o sa Diyos.

Sa ating pagsunod kay Kristo o sa ating pagsubaybay sa Kanya, inaanyayahan tayo ng Diyos na lumapit sa Kanya. Mahirap yung pinagdadaanan Niya–ang mga apostoles ay nagtakbuhan, nagtago!

Pero tayo, ngayon, inaanyayahan ng Diyos na lumapit sa Kanya–bawat hagupit ng mga sundalo, bawat insulto na Kanyang tinatanggap–dun tayo sa tabi Niya. Hindi dahil pwede nating kunin kay Kristo ang Kanyang pagdurusa. Ito ay kailangan Niyang gampanan ng Siya lamang. Ang pwede lang natin gawin ay samahan Siya sa Kanyang paghihirap. Maramdaman natin hindi lang yung hagupit, yung sakit! Maradaman sana na natin yung igting ng Kanyang pagmamahal.

Lumalim yung ating pagunawa ng pagmamahal ng Diyos para sa atin. Bahagi sa atin ay mamamatay din kapag ginawa talaga natin iyon. Ang bahagi sa atin na mamamatay ay yung kasalanan.

Kaya nga ba kung si Kristo ay namatay para sa atin, sa ating kaligtasan at inako Niya ang kaparusahan ng kasalanan, tayo din inaanyayahan ng Diyos na magbagong-buhay.

Ginawa ng Diyos ang lahat ng ito hindi lamang para bigyan ng daan ang ating kaligtasan, pero tayo din bigyan ng daan ang ating pagbabago.

Kaya nga ba pwede nating sabihin, ang ating pagsunod kay Kristo sa Kanyang pagpapakasakit ay ang ating kamatayan sa kasalanan–it is death to sin for us!

Dahil alam din natin hindi natapos sa kamatayan ang buhay ni Kristo. So there is also life. We rise to life again with Christ, tayo binibigyan ng Diyos ng bagong buhay. Tuwing meron tayong iniiwanan na kasalanan, binibigyan tayo ng Diyos ng pagkakataon isabuhay itong bagong buhay.

Marami pong nagpaparamdam sa Social Media, sinasabi, kelan ba matatapos itong pandemic na ito–hindi na kami makaantay bumalik sa dati naming buhay.

Pero baka nga ang paanyaya ng pandemic na ito at itong mahabang ‘Lenten Retreat’ ay yung pag-iwan sa buhay na naglalayo sa atin sa Diyos, naglalayo sa atin sa kabutihan tungo sa ating kapwa, naglalayo sa atin sa buhay ispiritwal natin na naguugnay sa atin sa Diyos. Bagong buhay!

Siyempre po, wala pong taong gustong mamatay, parang ineenjoy pa natin yung ating mga kasalanan. Hintayin na lang natin kapag tayo ay malapit na mamatay, dun na lang tayo magbagong buhay.

Pero dahil po dito sa pandemic na ito, parang pinaramdam na sa atin ng Diyos kung paano ba nga bang malibing–malibing at makulong sa sariling bahay. Paano nga bang alisin ang mga, sabihin na nating, mga non-essentials. Paano nga bang pinapagkilatis–pinapakilatis sa atin kung ano nga bang mahalaga sa buhay natin.

Yung ating pamilya, yung ating pagsama-samahan, hindi lamang itong buhay dito sa lupa, hindi lang yung ating trabaho, hindi lang yung laman ng ating pera sa bangko.

Ano nga bang mahalaga? Parang itong pagkakataong ito ay pagsasansan ng Diyos sa ating buhay. Ibinabalik ng Diyos sa ayos ang ating buhay. Sana nga ay huwag tayong manlaban. Huwag natin ito tignan na masamang panaginip lamang na gigising tayo balang araw. Tignan din natin sana ito na may tinuturo sa atin ang Diyos ngayon man, hindi yung tapos na.

Pero ngayon pa man pinaglilinaw na ng Diyos ang ating isip, ang ating puso para malaman kung ano ba talaga ang importante sa buhay na ito–itong buhay nga lang ba na ito o ang buhay na walang hanggan.

At pagkatapos nun, may pagputol, may kamatayan, may pagyapos sa krus, para meron ding pagyapos sa buhay na walang hanggan. Mahirap po iyon pero si Kristo po ay nagsilbing halimbawa na.

Si Kristo po ay nagsilbing daan, ginawa Niya po ito. Nawa ‘wag sana tayo matakot yapusin ang krus, para sa ating pagyapos sa krus ay pagyapos din natin sa buhay na walang hanggan.

Bishop’s Decree on COVID19

Below please find the Most Rev. Roberto Gaa, D.D.’s Decree granting the members of the Clergy particularly Parish Priests and Parish Administrators permission to give the general absolution to our parishioners in this time of COVID-19.

The concerned priests should study this Decree carefully as the General Absolution is premised on certain conditions which must be properly understood and accepted by its prospective recipients.

BishopsDecree_COVID19

Click here for the Penitential Rites for the Granting of General Absolution and the Guide Questions for the Examination of Conscience.

The Bishops Homily – 4th Sunday of Lent 2020

BishopRobbieGaa-HolyMass032220-2
Screen grab from Dio Nova FB

Transcript of the Homily of the Most Rev. Roberto Gaa, D.D.
4th Sunday of Lent
Tahanang Pari Chapel
March 22, 2020 | 7AM

Magandang umaga po sa inyong lahat!

Napakaganda ng ating pagbasa, lalo’t higit sa mga regular na nagsisimba–yung mga taong Simbahan.

Sa panahon po ngayon, sa ating pakikipagusap sa dalawang LGUs sa Caloocan at Quezon City, pareho kaming sinabihan na, “Bishop, huwag muna kayong makikialam. Hayaan niyo muna kami ang gumawa. Kami ang magpakain, kami magaayos. Sundin niyo na lang po ang alituntunin ng ating enhanced community quarantine.”

At nung sinabi yun, para bang itiniklop nila yung gawain ng Simbahan–yung pwedeng tumulong.

Kaya nga yung mga pari, mga taong Simbahan ay nananatili lamang sa bahay na nagaantabay kung ano yung susunod na mangyayari.

Ang sa akin, naramdaman ko, para bagang tayo’y biglang naging bulag. Parang wala kang magawa kahit likas sa atin ang tumulong. Napahirap kasi yun ang likas sa atin. At ngayon parang wala na yung likas sa atin.

Baka may ibang sinasabi sa atin ang Diyos. Sinasabi sa atin ng Diyos na tayo ay tumingin sa ating sarili muna.

Siguro tulad ng ating Unang Pagbasa sa Unang Aklat Ni Samuel, ang sinabi dun ng Diyos ay, “Hindi panlabas na itsura ang iyong tignan.”

Kasi si David siya yung pinakabunso, pinakabata. Hindi siya tulad ni Eliab–matipuno, matikas ang katawan, mataas. Pero si David ay bunsong anak at siya’y nangangalaga sa mga tupa, pero siya ang pinili at hinirang ng Diyos.

At yun tingin ko ang paanyaya sa atin. Baka merong hinahanap sa atin ang Diyos. Tayo’y inihahanda ng Diyos sa isa pang mas kakaiba pang misyon.

Kaya huwag tayo mabahala, huwag tayo mabalisa dahil wala pa tayong ginagawa ngayon–tayo ay nagdarasal lamang. Pero hindi natin alam ang kapangyarihan ng panalangin.

Kasi makikita natin sa ating Ebanghelyo yung bulag pa ang nakakita sa Pangingoon, ang bulag pa ang nakakilala sa Panginoon. Yung mga aral, yung mga bihasa sa mga pagbasa hindi nila nakita–ayaw nilang makita ang Panginoon. Yung bulag pa ang nakakita sa Panginoon.

Pero ang nakakatawa dun ay putik ang pinahid sa mata ng bulag–dura at lupa. Sa atin, allergic na tayo sa dura kaya nga lahat tayo naka face mask. Kaya tayo hindi pinalalabas kasi ayaw natin matalsikan ng dura.

Pero yung dura pa nga ang ginamit ni Hesus sa napakaraming kasangkapan. Pero ginamit ng Diyos iyon para itaas ang tao, para pagalingin ang tao, para bigyan siya ng misyon. At siya ay pinaghilamos sa dinepositong tubig ng Siloe.

At makikita natin dun talagang yung kadakilaan ng Diyos ay nakikita sa mga simpleng bagay.

Kaya nga dito nga po, dahil kami po ay nakakulong–o ako ay nakakulong dito sa Tahanang Pari.

Ngayon po na ngayon ay tinigil, titignan mo yung paligid mo, ngayon nga lang ako nakaakyat sa roofdeck at nakita ko yung kalikasan–napakaganda!

Yung mga bagay na hindi mo napapansin dati, bumagal kasi ang buhay. Pero sa isang banda, kahit saang pagbagal ay makikita mo ang kadakilaan ng Diyos, sa Kanyang paglikha. Ang kadakilaan ng Diyos, sa pakikiisa ng Diyos sa tao sa pagbigay ng kung ano ang kailangan niya.

Nagtatalo ang Pariseo, yung mga ibang nakasaksi, ‘Siya nga ba ay galing sa Diyos, yung kapangyarihan niya na magpagaling?’

At dito sinasabi, ‘Dahil gumawa siya sa Araw ng Pamamahinga, makasalanan yan!’

Para bagang yung batas ay talagan dapat umiral para Siya ay dakilaan, para sabihin Siya ay hindi makasalanan.

Pero sa isang banda, sinasabi dahil sa kababalaghang ginawa Niya, siya ay galing sa Diyos.

Nandoon tayo sa dilema na iyon. Tayo ba ay gagawa sa panahong hindi dapat munanat tayo ay maghihintay lamang? O tayo ba ay mananatili dito at hihintay natin ang kababalaghan na magmumula sa Diyos?

Pero siguro bilang pagbuod ng lahat ng ito, balik tayo sa Ikalawang Pagbasa dahil doon sinasabi ‘tayo ay hinirang ng Diyos mula sa kadiliman, patungo sa kaluwalhatian. Tayo ay magkaroon ng buhay na mabuti, matuwid, at totoo.’

At yun lamang ay makakamit kung patuloy nating hahanapin ang Diyos sa panahong ito. Pagaralan ang kalugod-lugod sa Panginoon.

Ang daming lumalabas na balita…ang gamot nagkakaubusan sa botika, ang lahat ng tao kahit hindi naman sila iinom ay nagiipon na sila ng gamot, bunga ng pagkataranta, bunga ng walang kapanatagan.

Pero sinasabi ng Diyos, ‘Maging panatag kayo sa Akin. Huwag kayong mataranta, lalo na itong sa panahon ng kadiliman. Manalig kayo sa Akin.’

Ang nangyayari sa atin ay hindi yung kagustuhan natin. Pero ito’y pinayagan ng Diyos. At dahil ito’y pinayagan ng Diyos, alam ng Diyos ang lahat ng nangyayari sa atin. At ang hinihingi Niya sa atin ay magtiwala sa Kanya.

Sa tamang panahon tayo ay gagalaw. Sa tamang panahon lalabas sa atin, gagawin natin kung anong likas sa atin. Sa tamang panahon ang Diyos ang magpapagalaw sa atin.

Pero sa panahong ito ngayon, tayo ay manalangin, hanapin natin ang Diyos. Hanapin natin kung ano ang kalugod-lugod sa Kaniya.

Sikapin maging panatag ang loob sa Kanya.

Totoo malungkot. Kasi kahit ang mga pamilya’y nagkakahiwalay-hiwalay. Ang mga nagtratrabaho ay minsan ay pinipili nilang dun na sa trabaho matulog, dun na lahat, at yun ay naglilikha ng pagkakahiwa-hiwalay.

Pero sinasasabi ng Diyos na hanapin mo ang kapanatagan–hindi sa mga bagay na nangyayari, sa itsura nangyayari sa atin ngayon. Pero hanapin mo ang kapanatagan mo sa Diyos.

Sa aking personal–siyempre inaantabayanan ko ang nangyayari sa labas–at kahit bumibigat yung loob ko sa habang tinitignan ko ang lahat ng yan at napapansin ko sa aking sarili tuwing ako ay nagdarasal at ninanamnam ang Kanyang kasulatan, ang Banal na Kasulatan, nararamdaman ko ang kapanatagan sa Diyos.

Paanyaya ng ating Pamahalaan ang manatili sa mga bahay. Hayaan natin ang mga frontliners na humarap sa krisis ngayon. Hayaan natin ang mga frontliners na sumupil sa ganitong sitwasyon.

Patuloy natin silang ipagdasal. Patuloy natin silang suportahan. Sila man ay kilala natin o hindi, sila ang magtatawid din sa atin dito sa krisis na ito. Tuloy ang panalangin natin at tulungan rin ng ating Panginoon.

Maging panatag ang loob sa Kanya. Huwag mataranta, huwag mabalisa, para ang ating paggalaw ay maging kalugod-lugod sa Kanya.