Categories
News

Priest To BEC Nova: ‘Achieve transformative leadership’

44296797_1952741568173103_914936417547714560_n
Msgr. Manuel G. Gabriel, Executive Secretary of CBCP BEC, during BEC Nova’s Renewed Servant Leadership Forum Series 10 held at the St. Peter Parish Shrine of Leaders, Q.C.
(Photo credit: Minnie Agdeppa)

During the 10th Renewed Servant Leadership Forum Series of the Diocese of Novaliches Basic Ecclesial Communities (BEC Nova) held at St. Peter Parish Shrine of Leaders last October 18, 2018, a priest called on community leaders to focus on their roles in parish transformation as servant leaders and disciples.

“Ano ang larawan ng isang namumuno, naglilingkod, nanunungkulan bilang BEC?” raised CBCP BEC Executive Secretary Msgr. Manuel G. Gabriel to the BEC members gathered in Room C of the venue before he discussed the challenges today in achieving transformative leadership.

The author of many books on BECs then delved on cultural and biblical servanthood and cited several models of the Church that define some roles BEC plays in the community. Importantly, he put emphasis on two models that veritably define the breadth and depth of a BEC member.

The Church as Servant, he said, translates to “a redeemed people who have the mandate to establish in this world Christ’s kingship of peace, justice, love and reconciliation.”

He added that the Church as a School of Discipleship, on the other hand, means “the process of learning (disciple means learner), the ‘job description’ of the Church.”

At one point, he urged his audience to read with him an excerpt of Pope Francis’ Angelus Address in February last year that accentuated the roles of servant and disciple according to Jesus himself, as “salt of the earth,” and “light of the world.”

“If I then, your Lord and Teacher, have washed your feet, you also ought to wash one another’s feet,” he quoted and added that the servant is not greater than his master and vice versa as he highlighted Bible passages on the Washing Of The Feet Of The Apostles and the Good Samaritan, among many others.

The parable of the Good Samaritan, he continued, shows us “the Church’s accompaniment of the wounded and lost.”

“It is accompanying people, just like the Good Samaritan,” he said then reiterating that BEC is, “not an activity but accompaniment, helping people start on their own.”

“Ang sagot sa mga napapalayo sa atin ay ang BEC,” he said. “BEC makes the Church present to those hurting; it is the answer among the excluded and makes the Church present to those who are hurting.”

“The BEC is involved in ecological preservation. It heeds the cry of Mother Earth and the poor,” he said.

The BEC Nova Renewed Servant Leadership Forum was launched this January in line with the theme of the Yearof the Clergy and Consecrated Life. At the end of every forum, participants are requested to assess the talk they just heard and its effect or relevance to them as BEC members. (~Lulu Reclusado-Nario)

Categories
News

Obispo Tinuligsa Ang Kaisipang Klerikalismo

LaityWeek2018_BishopTobias2
Ang mahal na Obispo, Pinaka Reb. Antonio R. Tobias, D.D., sa nakaraang Diocesan Closing Ceremonies for the National Laity Week 2018 na ginanap sa gym ng Bestlink Colleges, Millionaires’ Village, San Agustin, Q.C. noong Oktubre 6, 2018. (Larawan ni Daniel Abiad)

 

Tinulgsa ng Pinaka Reb. Antonio R. Tobias, D.D., Obispo ng Novaliches, ang kaisipang klerikalismo sa naganap na Diocesan Closing Ceremonies for the National Laity Week sa Bestlink Colleges, San Agustin, Q.C. noong Oktubre 6, 2018.

Alinsunod sa tema ng National Laity Week 2018 na “The Laity In Solidarity With The Clergy And Consecrated Persons Towards Social Transformation”, ipinaliwanag ng Obispo kung ano ang “solidarity” at kung paano ito makakamit sa pamamagitan ng pagtanggal ng klerikalismo.

“Mga minamahal kong kapatid, tayong lahat ay itinilaga sa Panginoon…pagkabinyag,” paumpisa ng Obispo sa kaniyang homiliya sa pangwakas ng Misa para sa Ceremonies, “Kaya magkakasama at pantay-pantay tayo.”

“Parang mahirap paniwalaan na pantay ang layko sa pari. Pantay ang layko at pari sa mga relihiyoso. Yun ang tinatawag na sama-sama tayo. Yun ang tinatawag nating solidarity: magkakasama tayo,” sabi niya sa may higit-kumulang na isang libong kataong mula sa mga 71 parokya ng Diyosesis na nagtipon sa gym ng nasabing lugar.

Dagdag pa niya, “Kung magkakasama at magkakapantay-pantay ang ating solidarity, meron kailangan social transformation sa ating mga pagiisip din at sa ating mga attitude at gawa.”

“Pero sa panahon ng napakalakas ng tinatawag na klerikalismo ay napakahirap isabuhay ang pagkapantay-pantay,” ani niya, “Hindi lang ang mga pari at obispo ang may attitude na clericalism. Hindi lang yung mentalidad na ‘pari ako, hari!’ Yung bang klerikalismo.”

“Pero sinasabi ko sa inyo hindi lang mga pari at obispo ang may sakit nito, pati ang mga layko. Bigyan mo ng kapangyarihan at hindi malaon meron na din silang klerikalismo,” wika niya.

Hinango ni Obispo Tobias mula sa Ebanghelyo sa araw na iyon (Lk 10:17-24), sa sarili niyang mga, karanasan, at ang mga nangyayari sa lipunan ang iba’t-ibang halimbawa ng klerikalismo para masmaunawaan ng mga nagtitipon.

“Kaya mga kapatid huwag tayo pakasiguro na wala tayo niyan,” babala niya, “Kung hindi ka marunong magdala ng kapangyarihan, mag-ingat ka sapagkat baka ka mahulog sa abuso ng iyong kapangyarihan.”

Pinaalalahanan niya ang lahat na ang kapangyarihang ibinigay ng Hesu Kristo sa mga apostoles, gaya ng kapangyarihan na bigay sa mga pari, relihiyoso, at mga laykong may katungkulan sa Simbahan, ay kapangyarihang pahiram lamang ng Panginoon.

“Respeto, yes! Obedience, yes! Pero hindi ibigsabihin, kahit anong sabihin, ‘oo’ na agad! Subserviency yun. Pwede naman nating pagusapan yun,” nilinaw niya.

Ayon sa Obispo Tobias, ang klerikalismo ay hadlang para mapagusapan ang mga problemang nakikita ng mga Mananampalataya sa Simbahang Katolika. Imbis na pinaguuspan, ang nangyayari ay pinagtsitsismisan.

Kung kaya’t hinimok niya ang mga layko na maging matapang na magsalita kung may nakikitang kakulangan o kahinaan sa mga pari at relihiyoso para ito ay mapagusapan at matugunan. Samantala, pinagsabihan naman niya ang kaparian at kamadrehan na maging bukas sa pagtanggap sa mga layko na pagusapan ang kung ano mang kailangang baguhin sa Simbahan.

“Kailangang magiba ng mentalidad. Walang exemption. Sa obispo man, sa Santo Papa man, kailangan yan iwaksi. Kailangan maging maganda ang pagdala natin ng ating kapangyarihan…dalhin natin yan ng maayos at may paguusap,” pagbuod niya.

Nagsimula ang Diocesan Closing Ceremonies for the National Laity Week 2018 sa pamamagitan ng isang maikling prosesyon na kinatampukan ng mga Vicariate Coordinators na kumakatawan sa Council of the Laity of Novaliches (CLaN) bago nagkaroon ng isang pagtatanghal na sayaw mula sa Immaculate Conception Parish kasama ng kura nitong si Reb. Pad. Joel Saballa. Nagbigay din ng malalim na pagbabahagi si Reb. Pad. Leoncito A. Falcasantos, Jr. ukol sa tema ng pagtitipon.

Sa taong ito, ang Bikaryato ng Our Lady of Mercy sa pamumuno ng Vicar Forane nito na si Pad. Saballa ang naatasang magasikaso para sa Ceremonies. Ginawaran ng mga parangal ang mga miyembro ng CLaN, mga kaparian, at mga relihiyoso bilang pagkilala sa tagal ng kanilang paglilingkod sa Diyosesis bago matapos ang Misa. (~Minnie Agdeppa)

Categories
News

Salita Ng Diyos Tumatawag Sa Kabataan Maglingkod

TinawagMaglingkod
Ang grupo ng Kabataan na nagtanghal ng nilalaman ng Bibliya noong Oktubre 6, 2018 sa 7th Biblical Apostolate Assembly ng National Capital Region na ginanap sa St. Peter Parish Shrine of Leaders (Larawan ni Daniel Abiad)

Sa nakaraang 7th Biblical Apostolate Assembly ng National Capital Region na ginanap sa St. Peter Parish Shrine of Leaders noong Oktubre 6, 2018, pinagdiinan na tanging ang Salita Ng Diyos ang makakatugon sa pagiging makasarili ng mga Kabataan na siyang hadlang sa kanilang interes sa Diyos at sa paglilingkod sa Simbahan.

Ani ni Msgr. Jesus Romula Ranada, Direktor ng Commission on Faith In Formation ng Diyosesis ng Novaliches, hati ngayon ang kalooban ng Kabataan sa pagiging makasarili at maka-Diyos bagaman nakikita ang kanilang interes sa Bibliya.

“Ang mga Kabataan ngayon ay nahahati between yung kanilang personal na interes–yung interes na kung minsan masasabi natin ganun din tayo, may pagkaself-centered, may pagkaselfish ang interes–at yung interes na binubuhay sa atin ng Biblical Apostolate: at yan ang interes sa Panginoong Diyos,” ani niya sa kaniyang Homiliya sa Misa na nagtapos sa nasabing pagtitipon.

“Ang Salita ng Diyos ang makakapanghikayat sa atin na lumabas sa ating mga sarili, ipukaw ang ating atensyon labas sa ating sarili, at dalhin tayong lahat sa Kanya,” pagbibigay niya ng diin sa Ingles, “Ang Salita ng Diyos ang tumatawag sa inyo para maglingkod.”

Pinaalalahanan niya ang mga dumalo sa pagtitipon na sila rin ay tinawag maglingkod sa paggamit ng Salita ng Diyos “sa mga Kabataan na nais” nila “abutin at nais” na “mapaglingkuran sa pamamagitan ng Salita ng Diyos na” ito din ang “ihain sa kanila”.

Hango mula sa Tema ng pagtitipon, ayon kay Msgr. Ranada ang hamon na maglingkod ay dapat laging pahalagahan at tugunan ng may katapatan kahit pa sa mga panahon ng hindi pagkakaunawaan at pagkakasundo sa mga ugnayan sa Simbahan, komunidad, at tahanan dahil ang Kalooban ng Diyos ay pagkakaisa.

“Ang kalooban ng Diyos, ang Kanyang original will: unity–pagkakaisa, pagtutulungan, pagdadamayan. Ito ang kalooban din ng Diyos para sa atin–whether you are married or not, whether you are priest or lay,” pagsiwalat niya.

Nilinaw niya na, “Pag tayo ay nagiisip humiwalay, ‘pag tayo ay nagiisip na hiwalayan ang sino mang dapat nating kasama, katulong, kadamay, hindi yon nanggagaling sa Diyos. Ang nais ng Diyos ay magkaisa, na tayo ay magkasama, nagtutulungan.”

“Siyempre minsan ang damdamin natin kapag hindi tayo natutuwa, gusto na nating umalis, kumalas, humiwalay! Tulad ng damdamin ng isang asawang naaapi!” Dagdag niya, “Huwag naman! Huwag naman. Magandang tayo ay magdasal. At nawa’y maging mapagnilay tayo sa ating mga sarili.”

Payo niya na magnilay sa mga sandaling ganito ang nararanasan–ang magnilay kung sa sarili nagmula ang hindi pagkakaunawaan o hindi pagkakasunduan at magnilay kung ang kalooban nga ba ng Diyos ang ating nais na itugon sa mga sandaling iyon.

“Nawa tayo ay magsilbing halimbawa ng Kalooban ng Diyos na nagkakaisa at laging tapat,” pagwawakas niya.

May halos 400 kataong kasapi ng Biblical Apostolate Ministry ang dumalo sa nasabing pagtitipon mula sa Diyosesis ng Cubao, Kalookan, Manila, Paranaque, Pasig, at Novaliches. “Kabataang Tinawag ng Word of God Tungo Sa Paglilingkod” ang tema ng 7th Biblical Apostolate Assembly ng National Capital Region na taunang pagtitipon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Biblical Apostolate (CBCP ECBA). (~Minnie Agdeppa)

Categories
The Good News

Gospel Reflection: 30th Sunday OT- B – Oct. 28, 2018

This Sunday’s Audio Reflection. To play/ download click (or copy & paste link into url window); player will appear. To download, right click play/pause button and choose “save audio as”.  Link: https://audioboom.com/posts/7059108-30th-sunday-ot-b-october-28-2018.mp3

Categories
The Good News

Gospel Reflection: 29th Sunday in OT- B, October 21, 2018

This Sunday’s Audio Reflection: To play/ download click (or copy & paste link into url window); player will appear. To download, right click play/pause button and choose “save audio as”.
Link: https://audioboom.com/posts/7047256-29th-sunday-ot-october-21-2018.mp3

Categories
The Good News

Gospel Reflection: 28th Sunday OT-B- October 14, 2018

This Sunday’s Audio Reflection: To play/ download click (or copy & paste link into url window); player will appear. To download, right click play/pause button and choose “save audio as”.
Link:https://audioboom.com/posts/7038254-28th-sunday-ot-b-october-14-2018.mp3

Categories
The Good News

Gospel Reflection: 27th Sunday in OT – B October 7, 2018

This Sunday’s Audio Reflection: To play/ download click (or copy & paste link into url window); player will appear. To download, right click play/pause button and choose “save audio as”.
Link: https://audioboom.com/posts/7027646-27th-sunday-ot-b-october-7-2018.mp3

Categories
The Good News

Gospel Reflection: 26th Sunday in OT-B- September 30, 2018

This Sunday’s Audio Reflections. To play/ download click (or copy & paste link into url window); player will appear. To download, right click play/pause button and choose “save audio as”.
Link: https://audioboom.com/posts/7018237-26th-sunday-ot-b-september-30-2018.mp3

Categories
News

Buhay Na BEC Nagsusulong Ng Bokasyon

BECNagsusulongNgBokasyon
Eksena ng prusisyon na naganap sa Holy Spirit Vicariate BEC Big Day 2nd Anniversary noong Setyembre 8, 2018. (Larawan ni: Minnie Agdeppa)

Ang buhay na Basic Ecclesial Community (BEC) ay nagsusulong diumano ng bokasyon ayon kay St. Vincent School of Theology (SVST) Rector Reb. Pad. Danilo Pilario, CM sa naganap na 2nd Anniversary ng Holy Spirit Vicariate BEC Big Day sa Barangay Holy Spirit Club House ng Q.C. noong Setyembre 8, 2018.

“Kung gusto niyong dumami at buhay ang bokasyon, pagpapari at pagmamadre–isali na din ang pagaasawa kasi bokasyon din naman iyon pero hindi na natin paramihin ang mga nagaasawa kasi marami na ang nagaasawa eh–paramihin at buhayin ninyo ang inyong mga BEC, bukluran, at tahanan,” ani ni Pad. Pilario.

Bilang Punong Tagapagsalita sa nasabing pagtitipon, tinalakay niya ang kahalagahang na isabuhay ng bawat isa ang pagiging miyembro ng BEC simula sa kanilang mga pamilya. Hinimay niya ang kanyang paksang pinamagatang, “BEC: Buong Simbahan, Bahagi Sa Pagpapaunlad Ng Bokasyon”, hango sa kanyang buhay at sa mga katuruan ng Simbahan lalo na mula sa Vatican II Council gaya ng “Lumen Gentium”.

“Bakit ko sinasabi yan? Ako mismo! Ako mismo ay bunga ng BEC,” pagpapatotoo niya. “Ang aking nanay ay leader ng BEC sa aming bario. Kaya maliit pa akong bata sumasama na ako sa kanya…dahil pagkatapos ng dasal, may kainan. Kaya sumasama ako sa mama ko.”

Binigyan din niya ng pahalaga ang pagdala ng kanyang magulang kada lingo sa kanya at kanyang mga kapatid sa simbahan at ang kanyang naging pagkagiliw sa kanilang kura paroko na mahilig mamigay ng kendi sa mga bata pagkatapos ng homiliya.

“Tuwing lingo, sinasama din ako ng nanay ko at tatay ko sa simbahan. Kahit malayo ang aming bahay–5 kilometro ang aming baryo papunta sa bayan. Nilalakad namin iyon para makapagsimba lang ng alas otso. Alas sais pa lang nasa daan na kami,” pagbalik-tanaw niya.

“Pero eto lang ang masasabi ko sa inyo, kung hindi ako sinasama ng nanay ko at tatay ko tuwing lingo, hindi niyo ako makikita ngayon,” ani niya ng may pagdiin.

Dagdag pa ni Pad. Pilario, “Ang bokasyon nanggagaling sa isang buhay na pananampalataya ng BEC at Simbahan, ng pamilya at tahanan…kung ano ang klase ng BEC, yan din ang klase ng pari at madre kinabukasan.”

Dinaluhan ng may dalawang daang katao ang Holy Spirit Vicariate BEC Big Day 2nd Anniversary mula sa mga Parokya ng Hearts of Jesus and Mary; Holy Spirit; Jesus of Nazareth; Jesus, Lord of Divine Mercy; San Jose, Ang Tagapagtanggol; at St. Benedict.

Sinumulan ang kaganapan ng isang Misa na pinamunuan ni Vicar Forane Reb. Pad. Ferdinand Dulong at mga pari ng Bikaryato sa Holy Spirit Parish na sinundan naman ng isang parada papunta sa Clubhouse bago nagsimula ang pagtatalakay ni Pad. Pilario. (~Minnie Agdeppa)

Categories
The Good News

Gospel Reflection: 25th Sunday-OT-B- September 23, 2018

This Sunday’s Audio Reflections. To play click (or copy & paste link into url window); player will appear. To download, right click play/pause button and choose “save audio as”
https://audioboom.com/posts/7009772-25th-sunday-ot-b-september-23-2018.mp3