Categories
News

Ipadama Ang Pag-ibig Sa Paglilingkod: Paalala Ng Obispo Sa Mga Bagong Diyakono

53100433_2151700018277256_973694258806521856_n
Eksena noong “Kiss Of Peace” sa naganap na Ordinasyon sa Pagka-Diyakono ni Sem. John Harvey Bagos at Sem. Lusil Pardilla noong Pebrero 25, 2019 sa St. Peter Parish Shrine of Leaders. (Larawan ni: Annaliza Bruce)

Nakatuon sa pag-ibig at paglilingkod ang Homiliya ng Lubhang Kaggalanggalang na Antonio R. Tobias D.D. sa Misa ng Ordinasyon sa Pagka-diyakono nina Reb. John Harvey Bagos at Reb. Lusil Pardilla na ginawa sa St. Peter Parish Shrine of Leaders noong ika-25 ng Pebrero 2019.

Sinimulan ni Obispo Tobias ang kaniyang Homiliya sa pamamagitan ng pagbanggit ng kataga mula sa sulat ni Juan kung saan sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad: “Kung paanong iniibig ako ng Ama, iniibig ko kayo.”

Dahil ang salitang Diyakono ay nangangahulugang “service” o paglilingkod, inihambing ng mahal na obispo ang mga 12 Alagad ni Hesus at mga Diyakono at sinabing sila, maging ang mga kaparian at mga obispo ay parang isang “Social Ministry” na magbibigay ng “Basic Fundamental Service” kung saan sila ay naatasan na ipahayag at ipadama ang pagmamahal na nagmumula kay Kristo sa pamamagitan ng pag-aaruga lalo na sa mga taong tila malayo sa Simbahan.

Ngunit hindi lamang para kina Reb. Bagos at Reb. Pardilla ang kanyang homiliya. Nagbilin din ang mahal na Obispo sa mga kaparian na naroroon na sila ngayon ay parang mga nakatatandang kapatid sa mga bagong Diyakono at naatasang magmamahal, magpapaalala at magtuturo sa kanila. Nagpasalamat naman siya suporta ng mga pamilya at kaanak ng mga Diyakono ngunit pinaalalahanan niya ang mga ito na mula sa araw na iyon ay iba na ang magiging prayoridad ng dalawa, bagamat hindi naman sila mawawalay sa kanila.

At para sa kanilang bagong buhay bilang mga diyakono, ibinunyag ni Obispo Tobias sa dalawa na marami ang magbibigay at magabahagi sa kanila ng kanilang mga pangangailangan, ngunit bilin niya na “huwag ninyong kainin lahat ng ibibigay nila.” Binigyang-diin niya na tanggapin ang nararapat lamang sa kanilang pangangailangan at ito’y ipamahagi naman sa iba.

Sa loob ng anim na buwan at sa ilalim ng direksyon ng Obispo at ng mga kaparian, inaasahan na sina Reb. Bagos at Reb. Pardilla ay magiging abala sa kanilang mga gawaing ministeryal habang pinag-uusapan at inaasikaso ang kanilang ordinasyon bilang mga pari. (~Shirly Benedictos)

Categories
News

Hiling Ng Obispo: Ipanalangin Niyo Kami

49202832_2071779019602690_5410084318078828544_n

Panalangin ang hiniling ng Mahal na Obispo Antonio R. Tobias, D.D. sa mga dumalo ng Misa para sa pagalis ng mga deligato ng Diyosesis ng Novaliches sa Pandaigdigang Araw ng Mga Kabataan na gaganapin sa Panama nitong Enero 23-28, 2019.

“Ipanalangin niyo kami,” ani niya sa Ingles sa nasabing Misa na ginanap sa Cathedral Shrine and Parish of the Good Shepherd sa Regalado Avenue, Fairview, Q.C. nitong ika-6 ng Enero.

Kasama ang Obispo sa nasabang delegasyon na aalis patungong Panama sa Lunes, Enero 12. Nakagawian na ng Obispo na samahan ang delegasyon ng Novaliches sa kada Pandaigdigang Araw ng Mga Kabataan o World Youth Day.

Bukod sa Obispo, kasama sa nasabing delegasyon na binubuo ng may 29 na kabataan mula sa iba’t-ibang parokya ng Diyosesis ang Kura Paroko ng Immaculate Conception Parish ng San Agustin, Q.C. na si Reb. Pad. Joel Saballa, CFIC at ang Direktor ng Commission on Youth ng Diyosesis ng Novaliches (COY Nova) na si Reb. Pad. Alvin Balean.

Sa nasabing Misa na kasabay ng Kapistahan ng Pagpapakita Ng Panginoong Hesus o Epiphany, pinagdiinan ng Obispo sa kanyang homiliya ang kahalagahan ng paghahanap kay Kristo katulad ng mga Mago na naghanap sa Mesias nang makita nila ang palatandaan sa langit: ang tala. Aniya sa kanilang paghahanap ay nagpakita nga sa kanila ang Panginoon bilang isang musmos sa sabsaban.

“May dalawang klase ng mga naghahanap sa Panginoon,” pagbunyag niya, “Ang isa ay ang alam na alam ang lahat ngunit walang ginawa…sa kanilang kaalaman sa Panginoon.”

Dagdag niya, “Ang pangalawa ay ang mga Pantas, na nangangatawan sa mga Gentil–kayo yun!…ang karamihan ng mga taong naghaharap sa Panginoon para meron silang gawin–sila ay may balak gawin sa kanilang hinahanap.”

“Kami ay tutungo sa World Youth Day para hanapin si Kristo. Dun makikita namin ang iba’t-ibang delegato mula sa iba’t-ibang diyosesis sa mundo. Makikita namin ang iba’t-ibang tao na may iba’t-ibang kasaysayan,” pahayag niya. “Kay gandang makita na ang mga Kabataan doon ay magbabahagingan sa isa’t-isa–mga kapwa naghahanap at makakakita kay Kristo.”

“Kayo na naghahanap kay Kristo tulad ng mga Pantas, nawa ay mahanap niyo rin Siya,” pagtatapos niya.

Bago natapos ang nasabing Misa, binasbasan ng Obispo ang mga delegato ng Diyosesis na sinamahan ng kani-kaniyang pamilya para magsimba at ipagdiwang ang pagkakasama ng mga ito sa delegasyon. Umabot sa may Php150,000 ang kinailangang likuming pondo ng bawat delegato para makasama sa WYD 2019 matapos sila mapili ng COY Nova mula sa mga miyembro nito batay sa kanilang pakikilahok sa nasabing Komisyon. (~Minnie Agdeppa)

Categories
News

‘Continue Introducing Jesus’, Bishop Urged

47572661_2026091724171420_6772390159880028160_n
Novaliches Bishop, The Most Rev. Antonio R. Tobias, D.D., urges Clergy and Religious to perservere in introducing Jesus and parents to postpone judgement of the Youth during the 4-in-1 Celebration held in Mary The Queen Parish, Teresa Heights, QC last December 6, 2018
(Photo credit: Minnie Agdeppa)

The Most Rev. Antonio R. Tobias, DD urged priests and religious to persevere in proclaiming the Good News to people during the Holy Mass of the Diocesan 4-in-1 Celebration held in Mary The Queen Parish, Q.C. last December 6, 2018.

“We are celebrating here as a Church, as a People of God,” Bishop Tobias said in his homily. “We focus on a tradition in this Country of missionaries, priests and the religious coming to our shores for us to be taught the gift of Faith.”

Acknowledging the priests and the consecrated people, he urged them to continue this tradition of introducing and letting everyone know Jesus.

“That is our task today, including the lay people who are helping us, and I thank you for all the support,” he added.

Dubbed “4-in-1 Celebration”, the event marked four milestones in the Diocese of Novaliches: the 16th Anniversary of the Diocese on December 7; the Bishop’s 53rd Sacerdotal Anniversary on December 21; the end of the Year of the Clergy and the Consecrated and start of the Year of the Youth on December 6; and the Annual Diocesan Christmas Party also on December 6.

Diocesan Chancellor Rev. Fr. Reynaldo Percival Flores read the Decree Ending the Year of the Clergy and Consecrated Life and Opening The Year of the Youth in the Diocese.

In line with this, the Bishop highlighted in his homily the need for parents to “see, act, judge” in communicating with their children.

“Suspend judgment,” he emphasized, explaining that parents should listen to their children first, take time to see a situation, reflect or deliberate on it before jumping into conclusions.

The Diocesan Christmas Party proceeded immediately after the Mass at the nearby Teresa Heights Volleyball Court. During which, performances from the Guest Priests, Religious, and Youth took place along with notable numbers from the Clergy such as the Priests Supply, compesed of Rev. Fr. James Nitollama, Rev. Fr. Leo Laguilles, and Rev. Fr. Falky Falcasantos; Rev. Fr. Yohanes Kopong Tuan; and Rev. Fr. Bobot Clemen. The Raffle was interspersed between performances.

Wrapping up the enjoyable night was Bishop Tobias whose Christmas message centered on the trends that he initiated in the Diocese and sharing an advice he got from the late Jaime Cardinal Sin and which he has kept all his life.

“Tony love your priests, they are your first concern,” he narrated, “at natandaan ko po ‘yun bilang Obispo.” (~Lulu Reclusado-Nario)

Categories
News

‘Everyone Is Called To Holiness’, Public School Teachers Told

46762609_2007418602705399_2351881021357555712_n
Oeconomus Rev. Fr. Marlou Lemaire during the Diocese of Novaliches Catechetical Foundation’s Advent Recollection for Public School Teachers and Principals held at St. Peter Parish Shrine of Leaders last November 24, 2018  (Photo credit: Minnie Agdeppa)

Public school teachers and principals were reminded during the annual Advent Recollection hosted by the Diocese of Novaliches Catechetical Foundation last November 24, 2018 at the St. Peter Parish Shrine of Leaders that regardless of profession, everyone’s vocation is towards holiness.

“Your vocation is to be holy, All of us are called to holiness, ” said Diocesan Oeconomus Rev. Fr. Marlou Lemaire in Filipino.

Lifting from Pope Francis’ third apostolic exhortation entitled Gaudete Et Exsultate (Rejoice and Be Glad), he focused on the fact that all can become holy in today’s world, including and most especially teachers and principals.

“Do good, avoid evil. It is the good things that we are doing that will bring us to heaven,” he added. “God is more interested in what you did for your neighbor in need.”

Complimenting them for their noble profession and informing them with pride that he too was a product of public schools, he encouraged them to go beyond teaching the academics to their students.

“The problem with our Country is not poverty but stupidness. It is not (the lack of) money but that of values, virtues, character, attitude,” he emphasized matter-of-factly.

“Inculcate in your students good values,” he continued, “Show them you are industrious, punctual, and understanding”

He added that this can be done through the fruit of the Holy Spirit and went on to enumerate what virtues make up this fruit, namely “love, joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness and self-control.”

The Advent recollection ended with a Eucharistic celebration presided by Diocesan Catechetical Ministry Director Rev. Fr. Aristeo De Leon. Implemented in partnership with the Department of Education, around 600 participants coming from 40 Public schools located in the Diocese of Novaliches attended the event. (~Lulu Reclusado-Nario)

Categories
News

Banal Na Misa: Isang Dakilang Alay Ng Pasasalamat Sa Diyos

 

IMG_8587
Si Msgr. Jesus Romulo Ranada, Kura Paroko ng Mary The Queen Parish habang umiikot sa pagbigay ng kanyang homiliya para sa ika-anim na Misa De Gallo noong Disyembre 21, 2018. (Larawan ni: Minnie Agdeppa)

Pagpapasalamat ang dapat na pangunahing dahilan ng pagsisimba ayon sa Kura Paroko ng Mary The Queen Parish ng Teresa Heights, QC sa kanyang homiliya para sa ginanap na ika-anim na araw ng Misa De Gallo nitong Disyembre 21, 2018.

“Magandang pakiramdam sa atin na naririto at naririto pa rin at tayo ay nagaalay ng dakilang pasasalamat sa Diyos,” ani ni Msgr. Jesus Romulo Ranada sa kanyang pagbati sa mga umabot sa ika-anim na araw ng Nobenaryo para sa Pasko sa madaling araw.

Ayon sa kanya, ang pagsisimba ay paraan ng pasasalamat sa ating mga Kristiyano at ito din dapat ang pangunahing dahilan sa pagsi-Simbang Gabi.

“At tayo namang Kristiyano, tayo namang Katoliko, ang way natin ng pasasalamat ay sa pagdiriwang ng Banal na Misa. Ang Misa ay pasasalamat natin sa Diyos. Ito na ang pinakadakila nating paraan ng pagsamba na may pasasalamat sa Diyos,” ani niya.

Tinalakay niya na, “Ito na yung the greatest way of our thanking God. Sapagkat sa Misa…pinasasalamatan natin ang Diyos sa Kanyang kagandahang-loob sa atin.”

“Maganda ang loob ng Diyos sa atin, maganda ang gusto Niya para sa atin,” dagdag pa niya. “Gusto ng Diyos na ikaw ay mabuhay, kaya nga nandito ka. Why are we here if not for God?…Minsan hindi natin naiisip iyon.”

Bilang paghahanda sa Pasko, ang bawat araw ng Nobenaryo ay nagkaroon ng pagninilay sa bawat letra ng “Christmas”: “C” na nangangatawan sa “Charity” o “pagbabahagi”, ang “H” para sa “Hope” o “pag-asa”, “R” para sa “Respect” o “paggalang”, “I” para sa “Integrity” o “karangalan”, at “S” para sa “Sanctity” o “kabanalan” kung kaya sa pang-anim na araw , ang letrang “T” ang pagninilayan at ay ipinukaw sa salitang “Thankfulness”.

Thankfulness. (Ang) ‘full’ (ibigsabihin) punong-puno ka ng pasasalamat…Everyday dapat may pasasalamat,” paliwanag ni Msgr. Ranada. “Nagisisimba tayo hindi dahil sa meron tayong hinihingi lamang.”

“Sabi nga ni Elizabeth sa Ebanghelyo ngayon nang siya ay dalawin ng kanyang pinsan, ‘Sino ako para dalawin ng Ina ng aking Panginoon?’ Magandang masabi din yan natin, ‘Sino ako para ang Diyos ay magmagandang-loob sa akin? Ano bang nagawa ko?'” Winika niya.

Inilahad ng pari na dahil ang “Diyos ay nagmagandang-loob” sa bawat tao sa pamamagitan ng pagbigay “Niya ng buhay at sinusustain ng Diyos ang buhay na bigay Niya” sa bawat tao sa “pamamagitan ni Hesus” ay nararapat lamang magpasalamat sa Diyos.

“Ang pinakadakilang dahilan kung bakit tayo nagpapasalamat sa Diyos ay walang iba kundi kay Hesus, sa Kanyang Anak! Kaya nga tayo may Pasko, may Christmas sapagkat sa Christmas inaalala natin yung nagmagandang-loob ang Diyos sa atin, binigyan Niya tayo ng gift para tuloy-tuloy tayong mabuhay,” pagpapalawig niya.

“Kahit na tayo ay nagkasala, binibigyan Niya tayo ng tulong para patuloy tayong mabuhay. At…ang lahat ng mga hamon sa buhay na ito…tinutulungan Niya tayo!” Patuloy niya.

Bukod dito, binanggit din ni Msgr. Ranada na nararapat ding pasalamatan ang mga taong naging mabuti o nakatulong sa isang tao na siya rin namang biyaya sa Diyos at dapat ipagpasalamat.

“Pag ikaw ay mabuting tao marunong kang tumanaw ng utang na loob at ikaw ay nagpapasalamat,” pagpukaw niya, “Ang ganda ng buhay kapag tayo ay marunong magpasalamat.”

“Magpasalamat ka sa Diyos at sasaya ang buhay mo,” pagtatapos niya.

Ang Mary The Queen Parish ay isa sa mga parokyang tampok para sa Simbang Gabi Sa Nova 2018 Coverage ng Social Communications and Media Ministry ng Diyosesis ng Novaliches. Naunang tinampok ang Ascension of Our Lord para sa unang araw ng Misa De Gallo at St. Francis Xavier Parish sa ika-limang araw. (~Minnie Agdeppa)

Categories
Bishops Homily

The Bishops Homily – 1st Sunday of Advent 2018

CENTRAL THEME: Advent is a time of waiting, of allowing Christ to be reborn in our lives, of purifying our hearts by repentance and of renewed experience of several comings of Christ in our lives through the sacraments, through the worshipping community, at the moment of our death and finally at his second coming.

STARTING ANECDOTE: The night between 14 – 15 April 1920, Titanic, the world’s largest ship weighing 46,328 Tons and considered unsinkable, struck an iceberg and sank in two and a half (21/2) hours killing 1,513 people. Hours before it sank, warning after warning had been sent to the crew that they were speeding into an ice field but the messages were ignored.

MESSAGES FROM GOD’S WORD:

1st Reading (Jer. 33: 14-16): The Prophet Jeremiah waited in hope for an ideal descendant of King David who will bring security, peace, and justice to God’s People.

Christians believe that Jeremiah’s hope was fulfilled in Jesus. Jeremiah thus assures us the Lord of Justice will fulfill his promises and hence we need not be afraid in spite of frightening events and moral degradation all around.

2nd Reading (I Thes. 3: 12 – 4:2): Paul gives instructions how Christians should conduct themselves as they wait for “the coming of the Lord.” We are advised “to strengthen our hearts in holiness” (3:13) and “abound in love for one another.” (3:12)

3rd Gospel (Luke 21: 25-28; 34-36): Writing his Gospel around 80 AD after the Fall of Jerusalem and the Destruction of the Temple in the year 70 AD but the world did not end anyway contrary to Mark’s assertion in his Gospel written around 69 AD, Luke advised his readers how they were to wait and prepare for Christ’s Second Coming. They had to shift their attention from future fulfillment to present service and commitment by watchfulness and prayerfulness.

That is why after reminding his community about the signs which would precede Jesus’ Second Coming, Luke gives them Jesus warning: “Be on guard lest your spirits become bloated with indulgence and drunkenness and worldly cares. Pray constantly for the strength to escape whatever is in prospect to stand secure before the Son of Man.” (36)

While Advent is set to commemorate Jesus’ coming in the flesh as well as his final coming in glory, it is also a time to open ourselves to the Lord’s coming into our lives and our world today. In order to do this, we must read the signs of the times and adjust our lives accordingly.

LIFE’S MESSAGE: We need to prepare ourselves for Christ’s Second Coming by allowing him to be reborn daily in our lives.

Adapted from a Homily of Fr. Anthony Kadavil
By Most Rev. Antonio R. Tobias, DD, JCL
Bishop of Novaliches

Categories
The Good News

Gospel Reflection: 1st Sunday-Advent-C-December 2, 2018

This Sunday’s Audio Reflection. To play click (or copy & paste link into url window); player will appear. To download, right click play/pause button and choose “save audio as”. Link: https://audioboom.com/posts/7099403-1st-sunday-advent-c-december-2-2018.mp3

Categories
The Good News

Gospel Reflection: 32nd Sunday in OT-B, Nov 11, 2018

This Sunday’s Audio Reflection. To play/ download click (or copy & paste link into url window); player will appear. To download, right click play/pause button and choose “save audio as”. Link: https://audioboom.com/posts/7074590-32nd-sunday-ot-b-november-11-2018.mp3

Categories
The Good News

Gospel Reflection: 31st Sunday-OT-B November 4, 2018

This Sunday’s Audio Reflections. To play click (or copy & paste link into url window); player will appear. To download, right click play/pause button and choose “save audio as”
https://audioboom.com/posts/7068759-31st-sunday-ot-b-november-4-2018.mp3

Categories
News

‘God is Glorious’ Concert Celebrates Priestly’ Vocation & Talents, Raises Funds

45335651_1979105058870087_5334450051370450944_n
A scene during the closing number of the “Clergy and Religious: ‘God Is Glorious'” Concert with the Priests Supply: Rev. Fr. Leoncito Falcasantos, Rev. Fr. James Nitollama, Rev. Fr. Leonides Laguilles; and Rev. Fr. Yohannes Kopong Tuan, MSF held in the Caloocan City Sports Complex last November 3, 2018. (Photo credit: Roderick Santos)

Seven priests of the Diocese of Novaliches performed in a concert held at the Caloocan City Sports Complex last November 3, 2018 to fittingly end the celebration of the Year of the Clergy and Consecrated Persons and, in the process, raise funds for Tahanang Pari, a retirement and renewal center in Lagro, Quezon City.

Entitled “Clergy and Religious: ‘God is Glorious,’” the concert was interspersed with personal family narratives shared by the priests themselves that definitely touched the audience’s hearts.

Masakit to go from my home na hindi pinahintulutan but I had to go and I went,” testified Tres Padres‘ Rev. Fr. Luciano Felloni on his experience when he decided to enter priesthood against the will of his mother.

He was tasked to deliver the Word of God during the mini recollection segment of the programme, admitting that he really doesn’t have any talent in singing and dancing, unlike his colleagues who rendered popular love songs. He shared with aplomb his personal journey towards priesthood and how one word from the message of Jesus to the apostles has positively pushed him to follow his calling.

“Go into the whole world and proclaim the good news to all creation,” he quoted. “Go–humayo–a very special word for us, ang puso ng mensahe ni Hesus.”

Ang aking talento ay hindi pagkanta, ang aking talent ay siguro ang pagbahagi ng Salita ng Diyos at napakahalaga nito na pundasyon ng buhay pananampalataya ng tunay na Katoliko,” he added.

Aside from Tres Padres, composed of Frs. Allan Samonte, Luciano Felloni and Jansen Ronquillo, parish priests of Our Lady of Fatima, Our Lady of Lourdes, and Sto. Nino de Congreso, respectively; the concert’s topbillers included the Priests Supply, namely Frs. James Nitollama, Leoncito Falcasantos and Leonides Laguilles, parish priests of Epiphany of the Lord, Mary Mother of the Church, and Jesus Lord of the Divine Mercy, respectively; and Fr. Yohannes Kopong Tuan, MSF of Christ The King Parish in BF Homes, C.C.

The Priests Supply’s segment, led by Fr. Nitollama, who was surprised with special greetings from family and friends on the occasion of his birthday the following day, regaled the audience with their own personal experiences, punctuated by songs that portrayed the ups and downs, the funny and the sad, as experienced by a family, including those of priests.

Before that, he thanked God for the gift of life, then added, “Salamat po sa biyaya ng talento para ipabahagi sa mga tao.” He hoped that the concert will be able to raise a significant amount to fund the completion of Tahanang Pari.

Also lending their talents in the concert the Our Lady of Fatima University Chorale; select sisters from the Association of Consecrated Life in Novaliches Diocese (ACLIND); Fr. Allan Samonte’s brother, Alfred Samonte, of the Philippine Madrigal Singers; and the Youth members of the Charismatic Ministry who presented dance numbers in a prelude to next year’s celebration of the Year of the Youth.

No less than Novaliches Bishop Antonio Tobias graced the event organized by the Charismatic Renewal Ministry through the initiative of Fr. Nitollama, its Director. Mayor Oscar Malapitan also dropped by in lieu of the venue’s sponsorship. The concert wrapped up with the priests singing tunes that got the audience on their feet and dancing to the beat. (~Lulu Reclusado-Nario)