Categories
News

Paramihin At Huwag Hatiin Ang Pagibig, Pagbahagi Ng Obispo

84815697_2803778659736052_8784232607459049472_o
Ang Lubos na Kagalang-galang Jose Colin Bagaforo, D.D. noong Alay Kapwa Launching 2020 sa Luzon na ginanap sa Cathedal Shrine and Parish of The Good Shepherd. (Larawan ni Minnie Agdeppa)

Isang makabagong pananaw sa pagmamahal ang binahagi ng Lubos na Kagalang-galang Jose Colin Bagaforo, D.D. sa kanyang pambungad na pagbati sa ikalawang araw ng Alay-Kapwa 2020 Launching para sa Luzon noong Pebrero 4, 2020.

Hindi ko hinahati ang pagi-ibig, bagkos pinaparami ko ito,” kwento ng Obispo sa nasabing pagpupulong na sinambit ng isang magulang.

Ang nasabing kwento ay tungkol sa isang kahera na nagtanong sa kanilang guwardiya kung ilan ang anak nito. Sumagot ang gwardiya ng lima na ikinagulat nito kung kaya’t naitanong kung paanong pinaghahati-hati ang pagmamahal nito sa kanyang mga anak.

Inihalintulad ng Obispo ang kwentong ito sa kadahilanan ng pag-aalay kapwa. Ika niya, kung maraming tao ang matutulungan, marami ding mababahaginan ng pagmamahal at tunay na makakapagbahagi sa lahat ng talento, ng sarili, ng pagmamahal.

Napamahagi ang Katawan at Dugo ni Kristo sa atin,” pangwakas ni Obispo Bagaforo.

Nauna niyang kinuwento sa mga delegato ng Alay Kapwa Launching 2020 mula sa iba’t ibang diyosesis at arkidiyoses ng Luzon kung paanong nangibabaw ang pagtutulungan sa kanilang lugar sa Kidapawan, Cotabato nang sila ay tinamaan ng sunod-sunod na paglindol.

Binahagi niya rin ang kanyang mga natutunan mula sa nasabing karanasan. Maraming tulong ang dumating sa kanilang lugar lalo na mula sa mga Parokya sa Metro Manila. Dito ay naramdaman nila ang pagtutulungan at pagbabahaginan ng kanilang kapwa.

Ang Alay Kapwa Launching 2020 para sa Luzon ay taunang ginaganap bilang paghahanda sa nalalapit na Kwaresma na magsisimula sa Araw ng Mga Abo na kung saan nakagawian nang magpangalap ng mga envelope para lagyan ng donasyon para sa mga programa ng Simbahan para sa mahihirap. Sa unang pagkakataon ito ay hinost ng Novaliches para sa Luzon. (~Jhen Samson)

By soccommnova

The Diocese of Novaliches Social Communications and Media Ministry (SocComm Nova)