Categories
News

Obispo Hinamon Ang Mananampalataya: Mag-Alay Kapwa Sa Labas Ng Tahanan

83679303_2806284586152126_8644735101931880448_o
Ang Lubos na Kagalang-galang Roberto Gaa, D.D., Obispo ng Novaliches, noong ikalawang araw ng Alay Kapwa Launching 2020 ng Luzon na ginanap sa Cathedral Shrine and Parish of the Good Shepherd. (Larawan ni Naeza Flores)

Sa kanyang Inspirational Message sa ikalawang araw ng Alay Kapwa Launching 2020 para sa Luzon noong Pebrero 4, 2020, binunyag ni Novaliches Bishop Roberto Gaa, D.D. ang pangangailangan ng mga Pilipino na lumabas sa kanilang mga pamilya’t komunidad sa pag-Alay Kapwa.

“Ang pag-aalay kapwa ay nagsisimula sa ating mga tahanan,” wika niya sa Ingles, “Ang pag-aalay kapwa ay dapat lumabas ng inyong mga tahanan—pagbibigay tulong sa masmalaking pamilya ng Simbahan.”

“Paano tayo magiging mapagbigay at mapagmahal sa labas ng labas ng simbahan?” Tanong niya sa may higit isang libong taong nagpuno ng Cathedral Shrine and Parish of the Good Shepherd sa unang araw ng nasabing kaganapan.

Pinaliwanag ng Obispo kung paanong ang pagbibigayan ay nagsisimula sa isang pamilya at kaanong pinalalago ng magulang sa kanilang mga anak ang tunay na kahulugan ng pagbibigyan. Ito ay dadalhin ng mga bata, ani niya, hindi lamang sa loob ng kanilang tahanan kundi maging sa iba na tinuturing natin na kapwa: kapitbahay at kaparokya. Ngunit, binigyan diin niya na hindi natatapos sa sariling pamilya ang pagbibigayan.

Ayon kay Obispo Gaa, walang taong napakahirap na hindi kayang magbigay. Ang pagbibigayan ay hindi lamang sa pagtulong sa kapwa relihiyon kundi sumasakop ito ay sa lahat kahit hindi Katoliko o Kristiyano. Ani niya, ito ay pagtulong na lagpas-lagpas pa sa nakagawian ng bawat isa.

Bago magwakas, pinaalala ng Obispo sa lahat na huwag matatakot sa mga panahong walang-wala nang pera sapagkat ang biyaya ng Diyos ay nag-uumapaw. Sabi niya, doon pumapasok ang biyaya ng Diyos sa mga oras na iyon. Hindi pababayaan ng Diyos ang taong masayang nagbibigay sa kapwa. (~Jhen Samson)

By soccommnova

The Diocese of Novaliches Social Communications and Media Ministry (SocComm Nova)