Categories
News

‘Magkaiba-Magkaisa’ Nabuo Ng PCNE7

84454283_2793544157426169_1076605867106762752_o
Si Alvin Barcelona at ang iba pang tumulong para mabuo ang kantang “Magkaiba-Magkaisa” noong huling araw ng PCNE 7, Enero 29, 2020, sa Smart Araneta Coliseum. (Larawan ni Minnie Agdeppa)

Isang awit na pumupukaw sa tema ng “Year of Ecumenism, Inter-Religious Dialogue, and Indigenous Peoples” ang nabuo sa naganap na 7th Philippine Conference On New Evangelization (PCNE7) sa huling araw nito noong Enero 29, 2020.

Sa bahagi nito ng PCNE7 na pinamagatang, “Pananagutan”, pinangunahan ni G. Alvin Barcelona ng Light of Jesus Community ang pagbuo ng nasabing awitin sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pagkalap ng mga ideya mula sa mga dumalo sa PCNE7.

Sa tulong ng mga Kabataan, seminarista, madre, kaparian, PWDs, katutubo, at ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Luis Antonio Tagle ay unti-unting nakapagbuo ng musika habang ginaganap ang Conference at ito ay pinamagatang “Magkaiba-Magkaisa”.

Hinugot ni G. Barcelona ang mga ideya mula sa katagang tumutukoy at naaayon sa Temang ng PCNE 7 na “At Sino ang Aking Kapwa?” na nakaugat naman sa tema ng “Year of Ecumenism, Inter-Religious Dialogue, and Indigenous Peoples”.

Namumukod tangi at makahulugan ang mga naiambag nina Cardinal Tagle at ng mga kinatawan ng PWD’s, Diyosesis ng San Pablo, at ng Congregation of St Benedictine Sisters of the Eucharistic King. Ito ay ang mga katagang “pangamba at pagasa, luha at saya”, “tinig”, “ikaw, ako, tayo, sila”, “magkaiba”, na sumasalarawan at naaayon sa mga suliranin na kaylangang mapagkasunduan at pag-usapan sa mga darating na diyalogo ngayon Taon ng Ekumenismo.

Ang mga salita ay nilapatan agad ng musika at isinayaw ng mga ng lahat habang ginuguhit ang isang Caricature ng Cardinal sa entablado. Inaasahang ito ay maging palagiang awit ng bawat isa para iuwi ng mga delegato sa kani-kaniyang mga Diyosesis.

Ang 7th Philippine Conference on New Evangelization ay taunang ginaganap bilang paghahanda sa ika-500 Anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas sa 2021. Ang naging Conference sa taong kasalukuyan ay ang naging pagbalik-tanaw din sa PCNE na ginanap nang dumating ang Kanyang Kabanalan Papa Francisco sa Pilipinas noong Enero 2015. (~Sonia Raymundo)

—————-

MAGKAIBA-MAGKAISA
(Awiting Nabuo Noong PCNE7)

Intro: (2X)
Woo ohh whoo hoo… woo ohh whoo hoo
Woo ohh whoo hoo … woo ohh whoo hoo

1st Stanza:
Iba iba ating daan, iba’t ibang karanasan
Magkalihis ating landas, puno ng takot at dahas

Bridge:
Pangamba’t pag-asa, luha’t saya
Pangarap mo pangarap ko”y isa

Chorus:
Sa mundong magkaiba, nais nating magkaisa
Ikaw, ako, tayo sila sama-sama

Magkalayo may, magkaugnay iisa ang paglalakbay
Kapwa ko abot kamay, sama sama aawait ng
Hallelujah … hallelujah, … hallelujah … hallelujah (2x)

Repeat Intro

2nd Stanza
Anu man ang ating lahi, sa diyos tayo’y natatangi
Maubos man ating tinig, ang diyos nating nakikinig

Repeat Bridge
Repeat Chorus
Repeat Intro

By soccommnova

The Diocese of Novaliches Social Communications and Media Ministry (SocComm Nova)