Categories
News

Concert for Peace Naging Patok Sa Mga Kabataan

84179943_2792804857500099_8397358836951810048_o
Ang Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagla habang umaawit ng “Imagine” noong Enero 28, 2020 sa Concert For Peace sa naganap na 7th Philippine Conference on New Evangelization sa Smart Araneta Coliseum. (Larawan ni Minnie Agdeppa)

Dumagungdong ang Smart Araneta Coliseum sa pagtatapos ng unang araw ng 7th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) noong Enero 28, 2020 dahil sa Concert for Peace na siyang huling bahagi nito.

“Mahal ka namin, Cardinal!” ang maririnig na hiyaw mula sa ng mga nanood ng nasabing Concert na kung saan nangingibabaw ang tinig ng mga Kabataan habang ang Kanyang Kabunian Luis Antonio Cardinal Tagle ay umaawit.

Inawit ng Cardinal ang “Imagine” ni John Lennon na nagkapagbigay ng kakaibang aliw at sigla sa mga manonood.

Kasama ng Cardinal na nagtanghal ang iba’t ibang mang-aawit at mananayaw na sina Miss Ramonne, Toto Sorioso, Davey Langit, Vanya Castor, Lara Maigue, Pael Gutierrez, ang Bayang Barios WTS, RFC, at ang LA Manila Dance Ambassadors.

Panalo din sa mga Kabataang nanood ang mga awitin ng Bayang Barios at ang Kaleidoscope ni Francis Magalona na binigyan buhay ng grupong RFC. Kapansin-pansin pa rin ang giliw ng karamihan sa mga musika na pinasikat ni Michael Jackson gaya ng “Black Or White”, “Heal the World” at “We are the World”. Ang etnikong sayaw naman na inihandog ng La Manila Dance Ambasador ay nagbigay ng panandaliang lubay sa mga manonood.

Ang nasabing Concert for Peace ay nakaugat pa rin ng selebrasyon para sa “Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue, and Indigenous Peoples”. Ang tema ng mga musikang inihandog sa nasabing Concert ay nagpapatungkol sa pakikipag-ugnayan at pagmamahal sa iba’t ibang etniko, kultura, katauhan at pananampalataya ng ibat ibang mamamayan.

Ito rin ay nagsilbing despedida ni Cardina Tagle para sa kanyang bagong katungkulan sa Roma bilang “Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples”. (~Sonia Raymundo)

By soccommnova

The Diocese of Novaliches Social Communications and Media Ministry (SocComm Nova)