CBCK Nagbabala Ukol Sa Kulto

Naglabas ng isang babala ang Catholic Bishops Conference of Korea (CBCK) ukol sa isang kulto na mula Korea na meron nang sangay dito sa Pilipinas.

Tinatawag na “Shincheonji, Church of Jesus, The Temple of the Tabernacle of the Testimony”, ang nasabing kulto ay nagpapanggap bilang iba’t-ibang organisasyon gaya ng “Heavenly Culture World Peace Restoration of Light” (HWPL), “International Women’s Peace Group” (IWPG), “World Alliance of Religious Peace” (WARP) na siyang nagaaya sa iba’t-ibang obispo na makisalo sa kanilang mga aktibidad at siya ring nagpapalaganap ng mga maling katuruan ukol sa Bibliya.

Ang nasabing babala ay ipinadaan ng CBCK sa isang sulat na pinadala sa Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na si Lubos Kagalang-galang Romulo Valles.

Pinaalalahanan ni Lubos Kagalang-galang Hyginus Kim Hee-joong, Pangulo ng CBCK, ang CBCP ang ukol sa mga tiwaling gawain ng nasabing kulto at ang iwasan ang makisalamuha sa kanila. (~Minnie Agdeppa)

Para sa kabuang nilalaman ng nasabing sulat, CBCK_WarningOnCult.

Posted In

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s