Panalangin Sa Paghilom, ATBP Dadasalin Na Sa Misa Bilang Suporta Kay Bp. Bacani

BishopTed_SoniaRaymundo.JPG
Ang Lubos Na Kagalang-galang Teodoro Bacani, Jr, D.D., Bishop-Emerito at kauna-unahang Obispo ng Novaliches; noong Setyembre 24, 2019 sa Solemn Installation ng Lubos Na Kagalang-galang Roberto Gaa, D.D. sa Cathedral Shrine and Parish of the Good Shepherd. (Larawan ni Sonia Raymundo)

Kasama sa paglabas ng Diyosesis ng Novaliches ng Pagpapamalas ng Suporta at Pagpapahayag ng Tiwala’t Paniniwala para sa Obispo-Emerito ng Novaliches na si Lubos Na Kagalang-galang na Teodoro Bacani, Jr., Arsobispo ng Lingayen-Dagupan na si Lubos na Kagalang-galang Socrates Villegas, Obispo ng Cubao na si Lubos na Kagalang-galang Honesto Ongtioco, at Obispo ng Kalookan na si Lubos Kagalang-galang Pablo Virgilio David ay ang mga panalanging babasahin sa Misa sa lahat ng Parokya ng Diyosesis.

Inilathala sa Website ng Diyosesis nitong Oktubre 4, 2019, ang nasabing Pagpapamalas o “Manifestation of Support and Declaration of Faith and Confidence” sa Ingles ay ipinangalap naman sa mga Parokya ng Diyosesis kasama ng Panalangin Para Sa Paghilom At Panalangin—pati ang Ingles nito na Prayers of Healing and Unity—at Special Intentions In the Prayers Of The Faithful sa isang email blast at pinamahagi din sa Facebook Page ng Diyosesis.

Ayon kay Vicar for Administration Msgr. Jesus Romula Ranada sa Ingles sa email na naglalaman ng instructions ukol dito, “ang Manifesto sa Ingles at Filipino versions nito ay nararapat na ipangalap sa lahat ng parokya para basahin sa lahat ng mga parokyano.”

“Ang ‘Special Prayer For Healing And Unity’ ay nararapat bigkasin matapos magrosaryo para sa buong buwan ng Oktubre,” dagdag niya.

Pinagdiinan ng nasabing Manifesto na ang Obispo Bacani at ang mga kasamahan nito ay inosente at pawang napagbintangan lamang. Sa katunayan sila ay nagpahayag lamang ng nararapat para sa ikabubuti ng nakakarami alinsunod na rin sa kanilang tungkulin bilang mga pari at alinsunod sa paggamit sa kanilang karapatan bilang mamamayan ng Pilipinas ma makapagsalita ng sariling opinyon. (~Minnie Agdeppa)

Narito po ang links sa mga nabanggit na dokumento sa itaas:

Manifestation of Support and Declaration of Faith and Confidence
Pagpapamalas ng Suporta at Pagpapahayag ng Tiwala’t Paniniwala
Special Prayer For Healing And Unity
Panalangin Para Sa Paghilom At Panalangin
Special Intentions In the Prayers Of The Faithful

Posted In

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s