Mga BECs Pinaalalahanan Na Kanlungan Ng Kabataang Lingkod

FrHarvey_MinnieAgdeppa.png
Si COY Nova Director Reb. Pad. John Harvey Bagos nang nakaraang BEC Big Day Quirino Tandang Sora na ginanap noong Setyembre 28, 2019 sa Rockville Subdivision Covered Court, San Bartolome, Q.C. (Larawan ni Minnie Agdeppa)

Pinaalala ni Commission on Youth Director ng Diyosesis ng Novaliches (COY Nova), Reb. Pad. John Harvey David Bagos sa nakaraang BEC Big Day Quirino Tandang Sora District na ginanap sa Rockville Subdivision Covered Court noong Setyembre 28, 2019 ang malaking tungkulin ng mga BEC sa pagkakaroon ng mga Kabataang Lingkod sa Simbahan.

“Nais ko lang po ipaalala sa inyong lahat na kayo po ang kanlungan at pinagmumulan ng mga Kabataang Lingkod ng ating Simbahan,” ani ng pari sa kanyang Mensahe sa harap ng may pinakamalaking pagtitipon ng BEC Big Day na naganap sa Diyosesis.

“Mula sa ating maliliit na komunidad sa ating area umuusbong ang mga Kabataan na nakikiisa sa atin ngayon,” dagdag niya sa mga nakikinig na mula sa apat na Bikaryato ng Distrito: Ascension of Our Lord, Our Lady of Mercy, San Bartolome, at San Isidro Labrador.

Dahil dito, hiniling ng bagong-ordinang pari at bagong-luklok na direktor sa mga BECs “na nananatiling aktibo sa ating Parokya at pamayanan” na huwag panghihinaan ng loob sa kanilang gawain bilang BEC lalung-lalo na sa pagiging mabuting ehemplo sa Kabataan na siya namang nagkakayag sa mga ito na maglingkod sa Simbahan.

“Huwag po kayong magtamlay sa pagpapalago, sa pagpapanibago, at sa paghuhubog at pagsuporta sa ating mga Kabataan,” udyok niya, “tungo sa kanilang tungkulin at bahagi sa pagpapanibago na ito ng Simbahan.”

“Kailangan po natin ang mga leaders at BEC members na kaisa ang Kabataan na tutulong sa amin araw-araw na kung papaanong ang Salitang ito ay isinasagawa araw-araw sa mga gawain na pamparokya o pangkomunidad,” pagbibigay niya ng diin.

Pinaalalahan din ng pari ang mga Kabataan na huwag matakot lumapit sa mga BECs at sa mga “elders” ng kanilang mga parokya’t pamayanan lalo pa’t ang mga ito ay may karunungang makakatulong sa kanila sa buhay at sa kanilang paglilingkod sa Simbahan.

Si Pad. Bagos ang ikalawa sa nagbigay ng mensahe noong BEC Big Day Quirino-Tandang Sora District bago nagkaroon ng Banal na Misa na pinangunahan ng Mahal na Obispo Roberto Gaa, D.D. Naunang nagbigay ng mensahe si Reb. Pad. Rudy Tulibas na siyang tumatayo na BEC Quirino Tandang Sora District Priest Coordinator.

Ang BEC Big Day ay isang pagdiriwang ng Taon ng Kabataan sa pakikipagtulungan ng BEC Nova at COY Nova. Sa taong ito unang ginanap ang pagdiriwang sa kada-Distrito ng Diyosesis—naunang ipinagdiwang ang sa Commonwealth District noong Setyembre 14, 2019 at sa Caloocan District noong Setyembre 21, 2019.

Ayon kay BEC Nova Animator Benjamin Custodio, ang pagganap ng BEC Big Day sa mga Distrito ay alinsunod sa ideya ng dating Obispo na si Lubos na Kagalang-galang Antonio R. Tobias, D.D. upang masmaraming tao ang makilahok at upang makita ang pagkakaiba-iba ng bawat Distrito. (~Minnie Agdeppa)

Posted In

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s