BEC: Bagong Tagapahayag Ng Pagiging Simbahan

frRudy_MinnieAgdeppa.JPG
Si Reb. Pad. Rudy Tulibas, isa sa Exorcists ng Diyosesis at Priest Coordinator ng BEC Quirino-Tandang Sora District, noong nakaraang BEC Big Day na ginanap sa Rockville Subdivision Covered Court, Bgy. San Bartolome, Q.C. (Larawan ni Minnie Agdeppa)

Ayon sa isang pari sa naganap na BEC Big Day Quirino-Tandang Sora District sa Rockville Subdivision Covered Court noong Setyembre 28, 2019 ang Basic Ecclesial Communities (BEC) ay isang bagong pamamaraan ng pagpapahayag ng pagiging Simbahan.

“Tayo ay nagdiriwang ng BEC Big Day dahil ito po ang bagong tagapahayag ng ating pagiging Simbahan,” wika ni Reb. Pad. Rudy Tulibas, ang BEC Quirino-Tandang Sora District Priest Coordinator, sa kanyang Pambungad na Mensahe sa naganap na pagtitipon.

“Kaya napakaganda na isabuhay natin lagi ito,” dagdag pa niya, “Pasayahin, ating palaguin ang ating mga Basic Ecclesial Communities kasi ito po ang nagbibigay ng buhay sa ating Simbahan–itong mga bukluran, mga kawan, ang mga pamayanan, mga mumunting Simbahan.”

Ipinaliwanag ni Pad. Tulibas ang kahalagahan ng mga BEC lalo na ang mga Bukluran sa pagbibigay pahalaga at pagkakakilanlan sa bawat isa.

“Kasi ang ating Parokya napakaraming tao pero hindi tayo magkakakilala. Pero doon sa mga Bukluran nating lahat tayo magkakakilala, nagkakalapit sa isa’t-isa, at nagkakaisa sa mga gawain at panalangin–sa mga gawain at higit sa lahat sa ating pong mga pagpupulong,” pagbibigay niya ng diin sa may higit-kumulang tatlong libong katao na pumuno sa lugar ng pagtitipon.

Sa pagtatapos ng Kura Paroko ng Jesus Lord of the Divine Mercy Parish ng Hobart Village, hikayat niya, “Kaya napakagandang pagpapahayag yan ng ating Simbahan–ating isabuhay ang ating Pananampalataya!”

Ang BEC Big Day Quirino-Tandang Sora District ang panghuli sa tatlong Big Days na ginanap sa Diyosesis ng Novaliches. Nauna nang ginanap ang sa Commonwealth District noong Setyembre 14 sa New Capitol Estates Covered Court at ang sa Caloocan District noong Setyembre 21 sa Congress Elementary School. Ito ang unang pagkakataon na ginanap ang Big Day sa bawat Distrito ng Diyosesis na siya namang nagsimulang magkaroon noong 2018.

Nilalayon ng BEC Big Day na mapahalagahan ang bawat isang miyembro na bumubuo ng Simbahan o “sense of community”. Kung kaya’t sa Taon ng Kabataan ay nakipagtulungan ang BEC Novaliches sa Commission on Youth ng Diyosesis (COY Nova) para isakatuparan ang BEC District Big Days at ang naging tema nito ay, “Kabataan sa Nagpapanibagong Simbahan”. (~Minnie Agdeppa)

Posted In

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s