Kwentong BEC Naging Isa Sa Tampok Ng BEC Big Day 2019

Pocketfilms_ArmanDelMundo.JPG
Ang “Sugat”, isa sa mga pocketfilms na pinalabas noong BEC District Big Days.
(Larawan nina Arman Del Mundo at Michelle Bartolo)

Isa sa naging tampok na palabas sa naganap na BEC District Big Days ay ang mga Kwentong BEC na nakatuon sa mga kwento ng tagumpay ng mga miyembro ng Basic Ecclesial Communities (BEC) ng Diyosesis ng Novaliches.

“Nais sana ni Kuya Joe Mar (Maulion, Diocesan BEC Lay Coordinator) na magkaroon muli ng mga Kwentong BEC gaya ng naganap noong 2017,” ani ni Fidela Almaro, BEC Caloocan District Coordinator, noong naghahanda para sa nasabing pagtitipon.

Bagamat ang unang planong inilatag ng COY Nova–na siyang katuwang ng BEC Nova sa pagsasakatuparan ng BEC Big Days—sa pamamagitan ng Caloocan District Coordinator nito na si Maine Del Moro ay mga videos na magpapakilala sa Kabataan ng iba’t-ibang aspeto lamang ng BEC, naisaayos sa tulong ng Social Communications and Media Ministry ng Novaliches (SocComm Nova) ang aktwal na paggawa ng mga Kwentong BEC 2019.

Namili ang BEC Caloocan District ng magbabahagi mula sa isang parokya sa bawat bikaryatong sumasailalim sa nasabing distrito para gawan ng Kwentong BEC 2019 pocketfilms. Ang mga parokyang unang napili ay ang Sacred Heart Parish para sa Bikaryato ng Christ The King, ang Holy Spirit Parish para sa Bikaryato ng Holy Cross, ang Our Lady of Lourdes Parish para sa Bikaryato ng Our Lady of Lourdes, at ang San Jose Amang Mapagkalinga Parish para sa Bikaryato ng Sto. Nino. Subalit sa apat, ang San Jose lamang ang hindi nakapagpadala ng narrative para isapelikula.

Nilalayon ng Kwentong BEC 2019 na masmaging maskmakabuluhan ang mga kaganapan sa BEC District Big Days para sa mga dadalong Kabataan na siyang binibigyan pukaw dahil sa Taon ng Kabataan. Kung kaya’t ang mga napapanahong isyu ang mga tinalakay nito para kapulutan ng aral ng mga Kabataan lalo na sa kanilang buhay Pananampalataya at paglilingkod sa Simbahan.

Ang tatlong Kwentong BEC 2019 ay mapapanood na nang buo sa YouTube Channel ng Diyosesis. Ito ay ang “Lupa” na nakatuon sa usapin sa pabahay sa Pangarap Village, Caloocan; ang “Sugat” na nakatuon sa buhay mag-asawa; at ang “Pagsubok” na nakatuon sa pagkakaroon ng tiwala sa Diyos sa harap ng mga pagsubok sa buhay.

Samantala, isang masmaikling version ng Kwentong BEC 2019 ang ipapalabas sa FB Page ng Diyosesis para maging madali ang pagpapalaganap nito sa mga Kabataan sa Social Media.

Ang mga nasabing pelikula ay ipinalabas sa tatlong BEC Big Days na kapwa ginanap sa Commonwealth District noong Setyembre 14 sa New Capitol Estates Covered Court, sa Caloocan District noong Setyembre 21 sa Congress Elementary School, at sa Rockville Subdivision Covered Court noong Setyembre 28 matapos mapagpasyahan ng BEC Pastoral Team na maging bahagi ito ng mga programa sa bawat distrito. (~Minnie Agdeppa)

Posted In

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s