Pari Sa Kabataan At Mga BEC: ‘Facebook Is People’

71771187_2519693371477917_3994323729923440640_o
Si Fr. Luciano Felloni, Kura Paroko ng Kristong Hari Parish Shrine of The Youth at Direktor ng Social Communications and Media Ministry ng Diyosesis ng Novaliches, nang nakaraang BEC Big Day Commonwealth District sa New Capitol Estates Covered Court noong Setyembre 14, 2019. (Larawan ni Minnie Agdeppa)

Binasag ng isang pari ang kaisipan na ang Facebook ay isang masama at kunwaring mundo lamang sa pagbabahagi nito sa naganap na Basic Ecclesial Communities (BEC) Big Day Commonwealth District sa New Capitol Estate Covered Court noong Setyembre 14, 2019.

“Ang Social Media ay hindi isang pampalipas oras na gawain o pangpasaya lamang,” pagbunyag ng Direktor ng Social Communications and Media Ministry ng Diyosesis ng Novaliches (SocComm Nova) na si Reb. Pad. Luciano Felloni, “Facebook is people.”

Pinaliwanag niya na dahil sa likod ng bawat Facebook account ay isang tao—maging totoong account ito ng isang tao man ito o hindi, ay tao pa rin dahil marami naman nang kumakalat na “plastic” na tao sa mundo ngayon.

Aniya bilang isang uri ng Social Media, ang Facebook ay isang bagong platform para sa evangelization at nagbigay pa siya ng mga paraan para maging makabuluhan at maka-Diyos at paggamit nito.

“Sabi ni Pope Francis, ang Facebook ay biyaya ng Diyos,” sabi ng kura paroko ng Kristong Hari Dambana ng mga Kabataan at ang personalidad sa likod ng Almusalita, ang daily Gospel reflection sa Facebook. “Ang Internet at ang Social Media ay malaking regalo.”

Inihalintulad niya ito sa isang lambat na nagdudugtong at nagpapalakas.

“Ngunit dahil parang lambat, ito ay nakaka-trap din at ang resulta ay addiction, negative, nagiging kanya-kanya ang mga tao, nakakapag-isolate,” dagdag niya.

Hinikayat niya ang mga nagtipon sa nasabing lugar, na matatagpuan sa likod ng St. Peter Parish Shrine of Leaders, na gamitin ang Social Media ng tama. Sinabi niya na para maging isang mabuting cybermissionary ay nangangahulugang tanggalin ang “cyber” at maging isang missionary.

“Bilang BEC na nagkakaisa para sa Panginoon, lalo tayong magkaisa through Facebook,” paanyaya niya sa mahigit na 1000 kataong dumalo.

Bukod sa mga tip na ito, tinuruan din ni Reb. Pad. Luciano ang BEC community kung paano mag-share, mag-tag sa Facebook at lumikha ng isang cybercommunity.

Ang BEC Big Day Commonwealth District ang una sa tatlong Big Days na sunod-sunod gaganapin kada Sabado ng Setyembre sa tatlong Distrito ng Diyosesis ng Novaliches. Ito ay sinundan ng Caloocan District noong Setyembre 21, 2019 sa Congress Elementary School, Bagumbong, Caloocan City at susundan ng Quirino-Tandang Sora District sa Setyembre 28, 2019 sa Rockville Subdivision Covered Court, Holy Cross, Quezon City. (~Lulu Reclusado-Nario)

Posted In

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s