Pari Pinabulaanan Na Walang Ginagawa Ang Simbahan

70539226_2519688768145044_6754849066766565376_o
Si Cathedral Shrine and Parish of the Good Shepherd Rector at Vicar General for Pastoral Affairs ng Diyosesis ng Novaliches Reb. Pad. Antonio E. Labiao, Jr. na nagbabahagi ukol  sa AKAP, ang Community-Based Drug Rehabilitation Program ng Diyosesis ng Novaliches na nangangahulugang Abot Kamay Alang-alang sa Pagbabago, sa naganap na BEC Big Day Commonwealth District sa New Capitol Estates Covered Court noong Setyembre 14, 2019.  (Larawan ni Minnie Agdeppa)

Mariing ibinalita ni Reb. Pad. Antonio Labiao, Vicar General for Pastoral Affairs ng Diyosesis ng Novaliches, sa mga miyembro ng Basic Ecclesial Communities (BEC) na nagtipon para sa BEC Big Day Commonwealth District noong Setyembre 14, 2019 na hindi totoo ang sinasabi ng mga nasa Pamahalaan na walang ginagawa ang Simbahang Katolika para sa bansa lalo na sa kumpanya laban sa iligal na droga.

“Hindi katulad ng sinasabi nila, tayo ay may ginagawa at nagpundar ng programa: ang AKAP o Abot Kamay Alang-Alang sa Pagbabago,” saad niya sa may mahigit isang libong kataong nagtipon sa New Capitol Estates Covered Court sa likod ng St. Peter Parish Shrine of Leaders ng Commonwealth Avenue, Q.C.

“Ang Simbahan natin sa Diocese of Novaliches may ginagawa para tulungan yung mga Kabataan—Taon ng mga Kabataan ngayon—at mga batang isip na nabiktima sa iligal na droga. Ang tawag sa programa natin ay AKAP,” pagtukoy niya.

Sa pagpapatuloy ng kanyang pahayag na pinamagatang Buhay AKAP–Tungo sa Pagbabago, pinaliwanag niya na ang AKAP o Abot Kamay Alang-alang sa Pagbabago ay isang community-based drug rehabilitation program ng Diyosesis ng Novaliches na 21 barangay na sa Quezon City ang nagsasagawa kasama ng barangay, kapulisan, parokya, at iba pang sangay ng lokal na pamahalaan.

Aniya nagtalaga ng mga center sa Diyosesis base sa kung saan meroon nang Memorandum of Agreement ang barangay at parokya. Ang mga centers na ito ay matatagpuan sa anim na prokya sa Diyosesis ng Novaliches, ang San Antonio de Padua, San Jose Tagapagtanggol, St. Francis Xavier, Shrine of Our Lady of Mercy, Ina ng Lupang Pangako, at San Isidro Labrador-Bagong Silangan.

Nagbigay din siya ng isang pangkalahatang ideya sa mga epekto ng pagkalulong sa droga hindi lamang sa biktima kundi pati sa kanyang pamilya at komunidad. Pagbunyag niya na maraming mga gumagamit ng iligal na droga ang karaniwang nagmula sa mga dysfunctional families o kaya nalululong sila dahil sa kahirapan at karahasan.

Kanyang hinikayat ang mga nakikinig na maging mapagmasid at kilalanin ang kanilang mga miyembro at alamin ang kanilang kalagayan at kung sino ang nawawala o nangangailangan ng tulong. Pinaalalahanan niya ang lahat na maging mabuting pastol gaya ni Kristo na hinahanap at ibinabalik ang nawawalang tupa.

Inilahad niya ang mga plano upang lalong masmaraming matulungan ang programa. Ito ay mga sumusunod: palakasin pa ang kuponan ng Akap Pamilya-Sibol Center Management, lumikha ng isang safe place sa bawat AKAP Pamilya Sibol Center, magpatuloy sa pag-profile ng mga biyuda at ulila, pakilusin ang marami pang partners sa iba’t ibang mga programa at serbisyo, at palakasin pa lalo ang Diocesan Coordinating Team.

“Sabihin niyo sa mga kasama niyo—sabihin niyo sa lahat ng inyong mga miyembro—na meron tayong ginagawang mahalaga para sa mga nabiktima ng iligal na droga,” utos niya, “merong tayong ginagawa para sa mga orphans at widows.”

Winika niya na sa buong Pilipinas ang Diyosesis ng Novaliches ang natatanging may programa para sa biktima ng iligal na droga, sa pamilya nito, sa mga naulila ng Extra Judicial Killings (EJKs) at mga nakulong dahil sa iligal na droga kung kaya’t ito “ang tinitignan ng ibang mga Dioceses at kahit ang mga government agencies”.

Ang BEC Big Day 2019 ay, sa unang pagkakataon, nakalatag idaos sa tatlong okasyon at sa tatlong Distrito ng Diyosesis: Commonwealth, Caloocan, at Quirino-Tandang Sora. Noong Setyembre 21, 2019 ginanap ang Caloocan District at sa Setyembre 28, 2019 naman ang Quirino-Tandang Sora District. (~Lulu Reclusado-Nario)

Posted In

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s