Kabataan Kasama Sa BEC, Sa Pagpapasya

FrTonyDelaCruz
Paanyaya sa Kabataan na makiisa at sa BEC na palaganapin at isakatuparan ang Salita ng Diyos ang buod ng Homiliya nd Direktor ng Basic Ecclesial Communities ng Diyosesis ng Novaliches (BEC Nova) na si Reb. Pad. Antonio Dela Cruz noong Setyembre 14, 2019 sa BEC Big Day Commonwealth District. (Larawan ni Minnie Agdeppa)

Sa kanyang Homilya sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya noong BEC Big Day sa Commonwealth District noong Setyembre 14, 2019 sa New Capitol Estate Covered Court, iminungkahi ni Diocesan BEC Priest Coordinator Reb. Pad. Antonio Dela Cruz na sana madama ng Kabataan na sila ay kabahagi ng mga komunidad at kaisa sa pagdedesisyon para sa ikabubuti nito.

“Kasama sila sa BEC, kasama sila hindi lamang sa pagpapatupad ng mga proyekto kundi bahagi sila sa mga deliberasyon at pagpapasiya,” wika niya sa mga dumalo, “Kayo ay napakalaking puwersa ng pagbabago sa Simbahan at ngayong taon na ito ay ating tinutukan ang mga Kabataan.”

Binanggit niya na “akma ang mga” naging talks sa araw na iyon sa “pastoral priorities ng” Diyosesis ng Novaliches na nakatuon sa “empowerment of the Laity at ang pagsanay ng mga servant leaders.”

Kung kaya’t hinikayat niya ang mga miyembro ng BEC na tulungan ang mga Kabataan para “maging empowered servant leaders din sila”. Bukod dito, hinikayat din niya na magnilay kung ano na ba ang kungkretong nagawa ng bawat isa para maiangat sa miserableng sitwasyon ang mahihirap sa lipunan at para maipalaganap ang Salita ng Diyos.

“Sana itong selebrasyon natin ng BEC Big Day ay magkaroon ng inspirasyon, ng momentum para sa atin na pag-igihan pa ang ating mga gawain sa BEC,” pagpapatuloy niya.

Patungkol sa kabataan, iminungkahi niya na sana ang BEC ay magkaroon ng isang programa at mabigyan ng pansin ang mga out of school youth. “Sa pamamagitan nito ay magiging bahagi sila at madama na buhay ng Simbahan dito sa Diocese of Novaliches.”

Ang pagdiriwang ng BEC Big Day ay naglalayong palakasin ang BEC ng Diyosesis ng Novaliches. Ngayong taon, ang selebrasyon ay sumentro sa pakikiisa sa Taon ng Kabataan. (~Lulu Reclusado-Nario)

Posted In

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s