Hikayat Sa Kabataan: Tuklasin Ang Tunay Na Layunin Sa Buhay

70921037_2519693111477943_8598112961350860800_o
Ang Kura Paroko ng St. Peter Parish Shrine of Leaders at Direktor ng Commission on Family and Life ng Diyosesis ng Novaliches na si Reb. Pad. Daniel Allan Samonte na nagpaalala sa kahalagaan na malaman ang misyon sa buhay at ang pagiging matatag sa mga pagsubok noong BEC Big Day Commonwealth District na ginanap sa New Capitol Estates Covered Court noong Setyembre 14, 2019. (Larawan ni Minnie Agdeppa)

Hinikayat ni Reb. Pad. Daniel Allan Samonte ang mga Kabataan na dumalo sa BEC Big Day Commonwealth District na ginanap sa New Capitol Estates Covered Court noong Setyembre 14, 2019 na gamitin ang likas na talino at tuklasin ang kanilang tunay na layunin sa buhay.

“Marami ang namamatay na hindi alam paano at bakit nabuhay,” aniya bago idinagdag na mahalagang matuklasan at dapat malinaw na merong dahilan ang buhay ng isang tao.

Hinimok din ng Kura Paroko at Shrine Rector ng St. Peter Parish Shrine of Leaders, na nasa likod lamang ang New Capitol Estates Covered Court, ang lahat na hanapin ang kanilang misyon sa buhay.

Sinabi niya sa mga Kabataan na marami silang panahon para makita itang kanilang layunin sa buhay at pinaalalahanan na “kung may gagawin” sila ay gawin ito “ng may mabuting epekto sa buhay ng ibang tao”.

“Madalas kaya hindi natin nagagawa ang misyon ay dahil nasasapawan ng ambisyon,” pagdiin niya sa mga nakikinig.

Binalaan niya din ang mga Kabataan na ang buhay ay may mga hamon, ngunit ang mga ito ay andyan upang mabago at palaguin sila.

“Pag may challenge, may paglago and all trials unite us with Jesus who directs our life,” ani ni Pad. Samonte na nagbahagi ng sariling karanasan sa bagay na ito nang namatay ng sunod-sunod ang kanyang mga mahal sa buhay.

“Madalas pinagpipilitan natin ang ating gusto pero mas kilala tayo ng Diyos, yung mga pagsubok ibigsabihin He is correcting us, inspecting us, so we better listen,” pagbibigay niya ng diin.

Panghuli, ibinahagi niya ang kwento ng karot, itlog at kape at ang reaksiyon ng mga ito kapag inilagay sa tubig na kumukulo. Ang karot ay naging malambot habang tumigas naman ang itlog; ngunit ang kape ang bumago sa tubig na naging mabango.

Lubos niyang inirekomenda na silang lahat ay maging katulad ng kape sa harap ng mga pagsubok sa buhay.

Ang pagdiriwang ng Big Day ay isang aktibidad na naglalayong palakasin ang BEC ng Diyosesis ng Novaliches. Ngayong taon, ang selebrasyon ay isa ring pakikiisa sa pagdiriwang ng Taon ng Kabataan at ginanap sa tatlong distrito ng Diyosesis ng Novaliches ng magkakasunod na Sabado. Una sa selebrasyon ang BEC Big Day Commonwealth District. (~Lulu Reclusado-Nario)

Posted In

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s