Commission Video Teasers Pinalabas Sa BEC Big Day 2019

Sa unang pagkakataon, inalabas sa isang pangDiyosesis na kaganapan ang mga animated video clips ukol sa iba’t-ibang Commissions at Ministries ng Novaliches sa naganap na BEC Big Day Commonwealth at Caloocan Districts noong nakaraang Setyembre 14 at 21, 2019.

Pagpapakilala sa iba’t-ibang Commissions at Ministries ng Simbahan at ang kani-kaniyang mga serbisyo sa Publiko ang pangunahing adhikain ng nasabing mga videos ayon sa Diocesan Basic Ecclesial Communities (BEC) Animator na si Benjamin Custodio.

“Para sa advocacy tapos social awareness especially yung mga services ng mga Ministries at para din sa parish application nito,” ani ni Custodio sa isang maikling panayam matapos tanunging kung para saan ang mga nasabing videos.

“May mga Ministries kasi na may advocacy tayo—yung AKAP, C5 NLEX,” dagdag pa niya bilang pagpapaliwanag sa nasabi niya na upang masmapaalam sa maraming tao ang mga ginagawa ng Simbahang Katolika lalo na sa Novaliches.

Iniatang sa Diocese of Novaliches Social Communications and Media Ministry (SocComm Nova), may 16 na videos ang ginawa para sa mga Commissions at Ministries na nakasumite ng mga larawan at “writeups” sa deadline na binigay para dito.

Ang mga nasabing writeups ay isinalin sa Filipino ng SocComm Nova at ginawan ng animated videos upang maskaaya-aya ito sa mga Kabataan na siyang binibigyan ng pukaw ng BEC District Big Days at lalo pa’t ang mga videos ay iupload sa YouTube Channel ng Diyosesis para ipakalat sa Social Media matapos ipalabas sa Big Day.

Ang BEC District Big Days ay unang beses isinagawa ngayong taon mula sa ideya ng Mahal na Obispo Antonio R. Tobias, D.D. upang masmarami pa ang makadalo dito. Noong 2017 nagkaroon ng BEC Big Day na ginanap sa isang lugar lamang ng Diyosesis—sa MRB Compound Covered Court ng Barangay Commonwealth, Q.C.–at siya namang dinaluhan ng 5,000 katao.

“Naggaling ito sa idea ni Bishop Tobias na magkaroon ng BEC District Big Day during the last Budget Hearing,” pagbunyag ni Custodio, “Ang aim niya ay makita ang uniqueness ng bawat District.”

Matatandaang nagkaroon ng panukala na ipangkat sa tatlong Distrito ang Diyosesis para masmaging maganda ang pagpapatakbo nito at maialis ang kasanayan na ang pagdedesisyon sa mga gawain ay parating inaasa sa sentro o sa Diyosesis.

Kung kaya’t ipinangkat ang mga parokyang dinadaanan ng Commonwealth Avenue sa Commonwealth District, ang mga parokyang dinadaanan ng Quirino Avenue na pumapaloob sa boundary ng Diyosesis—mula Lagro hanggang Tandang Sora—sa Quirino-Tandang Sora District, ang ang lahat ng parokya sa Caloocan City North o District 1 sa Caloocan City District.

Ang nasabing pagpapangkat na ito ay sinimulang gamitin ng BEC Nova sa Diyosesis sa kanilang mga miyembro noong 2018 at naging maganda naman ang kinalabasan nito.

“(Ang) BEC Big Day is a good (way) para makaattend ang mas maraming tao. Though may limitations pa rin sa venue, very encouraging (ito) na magpunta ang lahat,” pagtatapos ni Custodio.

Ang BEC Big Day Commonwealth District ay ginanap sa New Capitol Estates Covered Court noong Setyembre 14 at sinundan naman ng BEC Big Day Caloocan District na ginanap sa Congress Elementary School noong Setyembre 21, 2019. Ang BEC Big Day Quirino-Tandang Sora District naman ay gaganapin sa Setyembre 28, 2019 sa Rockville Subdivision Covered Court. (~Minnie Agdeppa)

 

Posted In

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s