DNFC Nangako Ng Suporta Sa Bagong Obispo

Nangako ng suporta ang mga miyembro ng Diocese of Novaliches Finance Council (DNFC) sa harap ng bagong Obispo ng Novaliches na si Lubos na Kagalang-galang Roberto Gaa, D. D. kahapon, Agosto 31, 2019, sa Obispado de Novaliches, Fairview, Q.C.

Ipinaloob sa naganap na buwanang pagpupulong ng mga miyembro ng DNFC, ang payak na ritwal ng panunumpa ay pinangunahan ng Presidente nito na si Gng. Estelita Macalaguim.

“Hindi naman sa sumisipsip tayo,” pabirong wika ni Macalaguim bago simulan ang pagbasa ng panunumpa o Pledge Of Support, “ngunit nararapat lamang na gawin natin ito.”

Nakapaloob sa nasabing Panunumpa ang pangakong sundin ang mga direktibang ilalatag ng bagong Obispo alinsunod sa mga adhikain o Vision-Mission ng DNFC para sa kanilang mga pinaglilingkuran na walang iba kundi ang mga Mananampalataya ng Novaliches.

Hinikayat naman ng Obispo, bilang bahagi ng kanyang Response, ang mga miyembro ng DNFC na magkaisa at maikiisa para sa pagpapatuloy at pagpapatapos ng proyekto ng Diyosesis: ang Kristong Hari Parish Shrine of the Youth.

Ani niya, ito ay dapat angkinin ng lahat para maging magaan ang pagpapatapos nito at para pagdating ng araw ay maipagmamalaki at masasabing, “kasama ako sa pagpapagawa niyan!”

Bago sa Pledge of Support at Response of the Bishop, pinakilala ni Macalaguim sa Obispo ang DNFC sa pamamagitan ng isang paglalahad ng mga bagay ukol dito gaya ng kasaysayan, katungkulan, at kasapi nito.

Ayon kay Macalaguim, na isa sa Papal Awardees ng Diyosesis ng Novaliches, na ang DNFC ay hindi kagaya ng nasasaad sa Canon Law na kung saan ito ay binubuo lamang ng pari, madre, at accountant.

Ang DNFC, pagpapaliwanag niya, ay ang asosasyon ng mga laiko sa Diyosesis na katapat ng Council of the Laity of Novaliches ngunit ang tanging tungkulin nito ay ang pangangalaga at pangangalap ng salapi para sa pangangailan ng Diyosesis at ang mga parokya nito. (~Minnie Agdeppa)

Posted In

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s