Mga Obispo ng CBCP ECSC Humarap Sa Mga Kinatawan Ng Catholic Media Organizations

BishopsOfCBCPECSC
Ang Lubos na Kagalang-galang Mylo Hubert Vergara ng Pasig at ang Lubos na Kagalang-galang Marcelino Maralit ng Boac noong 5th National Media Convention na dinaos sa Arkidiyosesis ng Lipa nitong Agosto 6-9, 2019. (Larawan ni Angelino Chan, Jr.)

 

Ipinakilala ng Lubos Kagalang-galang Mylo Hubert Vergara ang papalit sa kanya bilang pinuno ng CBCP Episcopal Commission on Social Communications (CBCP ECSC) na walang iba kundi ang Lubos Kagalang-galang Marcelino Antonio Maralit sa isang simple at maikling pagpupulong sa pangalawang araw ng 5th National Catholic Media Convention sa Batangas nitong Agosto 7, 2019.

Sa nasabing pagpupulong isa-isang nagpakilala kay Bishop Marcelino Antonio Maralit ang mga Catholic Media organizations na mga katuwang na ahensiya ng CBCP ECSC.

Ipinangako ng bagong Chairman na itutuloy ang mga sinimulan ni Vergara. Pananatilihin din niya umano ang magandang ugnayan ng Komisyon sa mga katuwang na organizations.

Nagpasalamat sa lahat si Vergara at hiningi ang ibayo pang suporta para kay Maralit na magsisimula na sa bagong pwesto sa Nobyembre.

Dumalo sa nasabing pagpupulong ang mga kinatawan ng Catholic Media Network, Radio Veritas Asia, Veritas846, EWTN, TV Maria, Communication Foundation for Asia, St Paul Fathers, Daughters of St Paul. Archdiocese of Manila, Archdiocese of Cebu at Diocese of Davao.

Inanunsyo rin ang pagtatalaga kay Fr Ildefonso Dimaano bilang Executive Secretary ng Komisyon na kapalit ni Fr Joselito Jopson.

(~Maria Mercedes Robles)

Posted In

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s