Categories
News

Bishop Emeritus Pinakabilinan Ang Kaparian: Alagaan Ang Bagong Obispo

AiHEARTRCBN_BpToby
Si Bishop Emeritus Antonio Tobias, D.D. noong Ai HEART RCBN Concert sa Smart Araneta Coliseum. (Larawan ni: Christopher Sitson)

Sa naganap na AI HEART RCBN Concert sa Smart Araneta Coliseum noong Hunyo 24, 2019, pinagbilinan ng Lubos na Kagalang-galang Antonio Tobias, D.D. ang Kaparian ng Novaliches na paka-alagaan ang bagong Obispo na si Lubos Kagalang-galang Roberto Gaa, D.D.

“My dear Clergy, alagaan ninyo ang bagong Obispo. Pagka hindi siya masaya lagot kayo sa akin,” wika niya sa kanyang mensahe para sa bagong Obispo na ginanap bago magtapos ang nasabing concert. Bago nito, pinagpayuhan ni Bishop Tobias si Bishop Gaa na hindi siya nagiisa.

“Bishop Robbie, ‘wag kang matakot,” sabi niya, “We have a Clergy that is pliant, so nice to work with. Just consult them and explain. Listen to them and then adjust.”

Sa simula ng kanyang mensahe, ibinahagi ni Bishop Tobias na sa nakaraang kaarawan ng kanyang ama, noong Hunyo 6, inanunsyo ng Santo Papa na mayroon na siyang kahalili at dahil dito ay nakahinga siya ng maluwag.

“I realized at this stage of my life I have gone full circle. I am ending where I begun,” sabi niya bago ikininuwento kung paano siya nagsimula bilang isang paring kasamang nagpapatayo ng simbahan ng Christ the King sa Green Meadows at sa kanyang pagreretiro ay ang pagpapatayo naman ng Kristong Hari Shrine for the Youth sa Commonwealth Avenue. Binalikan din ng Mahal na Obispo ang mga naging karanasan niya bilang pari.

“I end in Novaliches after 16 years with the same number of years as a priest serving Manila,” dagdag niya. “I end where I began as a priest being sent to various missions to Mindanao and Northern Luzon like a missionary. The Lord makes clear why He sends you there. One must go and leave one’s comfort zone in order to know.”

Bilang pagtatapos, pinasalamatan ni Bishop Tobias ang higit sa sampung libong dumalo sa nasabing benefit concert. Pinasalamatan niya rin si Ms. Ai-ai Delas Alas na nanguna sa pagtatanghal at siya namang nagdiriwang ng kanyang ika-tatlumpong taong anibersayo sa industriya. (~Marianne Tenorio)

By soccommnova

The Diocese of Novaliches Social Communications and Media Ministry (SocComm Nova)