Paalala Sa Kabataan: ‘Isipin Palagi Ang Kabutihan Ng Kapwa’

Caritas-COYNOVA-CSTSeminar
Ang Formation Team ng Caritas Nova (mga nakapula) at ang mga dumalong Kabataan mula sa COY Nova sa Catholic Social Teachings for the Youth noong Pebrero 9-10, 2019 sa Caritas Novaliches Office. (Larawan ng Caritas Nova)

Pinaalalahan ng isang madre ang mga kabataan na isipin ang kabutihan ng kanilang kapwa sa tuwina alinsunod sa pagtalakay sa paksang “Solidarity” na isa sa mga mahahalagang katuruan ng Inang Simbahan pagdating sa mga isyung panlipunan at pantao sa naganap na “Catholic Social Teachings for the Youth” ng Social Action Commission sa Caritas Novaliches Office noong Pebrero 9-10, 2019.

“Para sa kabataan: Isipin palagi ang ikakabuti ng bawat isa hindi lamang ang sarili kundi ang tungkol sa ating pakikipamuhay at sa kapakanan ng komunidad,” ani ni Sr. Zeny Cabrera, SHE na namumuno ng Association of Consecrated Life in Novaliches Diocese (ACLIND).

Binigyan diin niya ang pakikipagkapwa para sa mga Kabataan sa nasabing bahagi ng Seminar—na ika-limang talakayan–sa kadahilanang ang mga dumalo ay mga miyembro ng Commission On Youth of Novaliches (COY NOVA).

Nauna nang nagsalita kay Sr. Cabrera, na siya ring Provincial Superior ng mga Servants of the Holy Eucharist (SHE) at inter-diocesan head ng Restorative Justice (RJ) Ministry, sina Gng. Dolores Salvador na nagbigay ng panimula ukol sa Catholic Social Teaching at ang mga prinsipyong napapaloob dito bukod sa pagtalakay sa paksang, “Call to Family, Community and Participation”; Gng. Mely Gubat para sa paksang, “Dignity of Work”; at Atty. Ira Agustin para sa mga paksang, “The Dignity of the Human Person” at “Rights and Responsibilities”.

“Ang pinahihiwatig ng ating pagkatao ay ang pagpapahalaga at pagpamabuti ng pagkatao ng ating kapwa,” pagdiin ni Atty. Agustin na tumatayong Overall Coordinator ng Social Action Commission o maskilala sa tawag na Caritas Novaliches.

Bukod kay Gng. Salvador, Gng. Gubat, at Atty. Agustin na bahagi ng Caritas Novaliches Formation Team, nagsalita din matabos ng paksa ni Sr. Cabrera ang iba pang miyembro ng nasabing grupo na sina Gng. Rose Enriquez para sa paksang, “Preferential Option for the Poor” at si G. Carlos Gubat para sa paksang, “Care for God’s Creation”.

Samantala, nagbigay naman ng mahalagang pagtalakay ukol sa mga hinaharap na paghamon sa kasalukuyan ng mga Kabataan si Rev. Fr. Christian Bullozo na siyang Priest Director ng Apostolic Vicariate of Tabuk, Kalinga Province para sa Commission for Family & Life.

“Ang pagiging disipulo ni Kristo ay nagsisimula sa pagiging Youth minister,” winika ni Fr. Bullozo.

Ang “Catholic Social Teachings for the Youth” ay inilunsad sa pakikipagugnayan ng Caritas Nova at ng iVote Program ng COY Nova na pinamumunuan ni Eunice Ellarma bilang pagdiriwang sa Taon ng mga Kabataan.

Inaasam ng nasabing ugnayan na sa pamamagitan ng CST ay magabayan ang mga Kabataan—lalo na ang 40 dumalo dito—sa pagtugon sa mga usaping panlipunan mula sa katuruan ng Bibliya at ng mga kasulatan at pagmumuni ng mga Papa. (~Minnie Agdeppa; Data mula kay Eunice Ellarma at Atty. Ira Agustin)

Posted In

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s