Paalala Ng BEC Nova Sa Apektado Ng C5 NLEX Project: Makilahok At Maging Mapagmasid

C5NLEXProject_Nov232018_ByMinnieAgdeppa
Si Diocesan BEC Animator Benjamin Custodio noong Nobyembre 23, 2018 para sa interview niya para sa Nova Lucci, ang pocketreport na inilabas ng Social Communications and Media Ministry ng Novaliches nitong Enero 7, 2019. (Larawan ni: Minnie Agdeppa)

Sa napipintong magiging demolisyon ng mga kabahayan sa mga lugar na tatahakin ng C5 NLEX Segment 8.2 Project ng pamahalaan, nagpaalala si Diocesan Basic Ecclesial Communities (BEC) Animator Benjamin Custodio na maging mapagmasid ang mga maapektuhan nito para ang napagkasunduan sa pamahalaan alinsunod sa nasabing proyekto ay maisakatuparan.

“Bagaman ang pinanghahawakan ng Diocese ay ang ‘no demolition unless may lilipatan’ na kasunduan sa pamahalaan, minumungkahi pa rin ng BEC Nova ang pakikiisa ng mga residente ng apektadong barangay na makilahok sa mga pa-meeting ng barangay tungkol sa C5 NLEX Project,” ani ni Custodio sa isang panayam na ginanap noong Enero 25, 2019.

Isiniwalat niya na nakahanda na ang pamahalaan sa pagsakatuparan ng demolisyon sa mga apektadong barangay ng C5 NLEX Project ngayong taon.

Ani niya, “sa July 2019 na” nakatakdang simulan ang demolisyon na “magsisimula sa Banal Na Sakramento Parish o Barangay Talipapa” at tutuloy na sa iba pang maapektuhan nito patungong Fairview. Nakatakda sanang umpisahan ang demolisyon ng masmaaga ngunit, “inusog lang ito sa July” para magbigay daan “sa elections” na gaganapin sa Mayo 2019.

Ang C5 NLEX Project ay isang National Project at bahagi ng Build Build Scheme ng Pamahalaan. Ito ay tinututukan ng BEC Nova sa taong kasalukuyan dahil sa inaasahang magiging epekto nito sa mga komunidad na sasagasaan ng higanteng proyekto.

Napunta sa pangangasiwa ng BEC Nova ang nasabing proyekto simula noong Hulyo 2018 nang lapitan sila ng Labor Ministry mula sa pakiusap ng Quezon City Urban Poor Network ng tulong para sa mga maapektuhan nito na sakop ng Diyosesis ng Novaliches. May walong barangay ng Quezon City at siyam na parokya ng Diyosesis ang apektado nito.

Bagaman nagkaroon ng paguusapan na buhay ang Land and Housing Ministry ng Diyosesis dahil sa usaping ito, napagdesisyunang pagpatuloy na lamang ng BEC Nova ang pagsasaayos ng mga pangangailangan nito at pagtulong sa ga parokya para dito dahil ang kanilang mga miyembro naman ang direktadong apektado nito. Bukod pa dito, ayon kay Custodio ang pakikilahok ng BEC Nova dito ay alinsunod sa mandato nito na maging instrumento ng pagbabago sa lipunan at sa kabuuang pagunlad ng kanilang mga kasapi.

“Ang isyu ng NLEX C5 Segment 8.2 ay matibay na pagsasabuhay ng BEC Novaliches ng kanyang tungkulin bilang propeta sa pagpapangalap ng tamang kaalaman ukol sa mga apektadong pamilya,” paglinaw ni Custodio, “Dagdag pa rito na ang Diocesan BEC Pastoral Team, isang sangay ng Diyosesis sa paghubog ng mga tao sa laylayan, ay kumikilala sa pangangailangang mamagitan sa paguusap sa pagitan ng pamahalaan at ang mga apektadong parokyano natin.”

Matatandaan na nagkaroon ng serye ng paguusap sa pagitan ng Diyosesis sa pamamagitan ng BEC Nova at ng iba’t-ibang sangay ng pamahalaan noong nakaraang taon kasama na ang Manila North Tollways Corporation sa pamamagitan ni G. Viktor Rey Apuzen na nagpakita ng mga dokumento at video ukol sa buong sakop ng nasabing proyekto.

Para sa karagdagang kaalaman sa usaping ito, mapapanood sa Facebook Page ng Diyosesis ng Novaliches ang buod ng report ukol dito. Para naman sa detalye ukol sa nasabing usapin, maaring idownload ang presentation na inihanda ng BEC Nova ukol dito.  (~Minnie Agdeppa)

Posted In

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s