Hiling Ng Obispo: Ipanalangin Niyo Kami

49202832_2071779019602690_5410084318078828544_n

Panalangin ang hiniling ng Mahal na Obispo Antonio R. Tobias, D.D. sa mga dumalo ng Misa para sa pagalis ng mga deligato ng Diyosesis ng Novaliches sa Pandaigdigang Araw ng Mga Kabataan na gaganapin sa Panama nitong Enero 23-28, 2019.

“Ipanalangin niyo kami,” ani niya sa Ingles sa nasabing Misa na ginanap sa Cathedral Shrine and Parish of the Good Shepherd sa Regalado Avenue, Fairview, Q.C. nitong ika-6 ng Enero.

Kasama ang Obispo sa nasabang delegasyon na aalis patungong Panama sa Lunes, Enero 12. Nakagawian na ng Obispo na samahan ang delegasyon ng Novaliches sa kada Pandaigdigang Araw ng Mga Kabataan o World Youth Day.

Bukod sa Obispo, kasama sa nasabing delegasyon na binubuo ng may 29 na kabataan mula sa iba’t-ibang parokya ng Diyosesis ang Kura Paroko ng Immaculate Conception Parish ng San Agustin, Q.C. na si Reb. Pad. Joel Saballa, CFIC at ang Direktor ng Commission on Youth ng Diyosesis ng Novaliches (COY Nova) na si Reb. Pad. Alvin Balean.

Sa nasabing Misa na kasabay ng Kapistahan ng Pagpapakita Ng Panginoong Hesus o Epiphany, pinagdiinan ng Obispo sa kanyang homiliya ang kahalagahan ng paghahanap kay Kristo katulad ng mga Mago na naghanap sa Mesias nang makita nila ang palatandaan sa langit: ang tala. Aniya sa kanilang paghahanap ay nagpakita nga sa kanila ang Panginoon bilang isang musmos sa sabsaban.

“May dalawang klase ng mga naghahanap sa Panginoon,” pagbunyag niya, “Ang isa ay ang alam na alam ang lahat ngunit walang ginawa…sa kanilang kaalaman sa Panginoon.”

Dagdag niya, “Ang pangalawa ay ang mga Pantas, na nangangatawan sa mga Gentil–kayo yun!…ang karamihan ng mga taong naghaharap sa Panginoon para meron silang gawin–sila ay may balak gawin sa kanilang hinahanap.”

“Kami ay tutungo sa World Youth Day para hanapin si Kristo. Dun makikita namin ang iba’t-ibang delegato mula sa iba’t-ibang diyosesis sa mundo. Makikita namin ang iba’t-ibang tao na may iba’t-ibang kasaysayan,” pahayag niya. “Kay gandang makita na ang mga Kabataan doon ay magbabahagingan sa isa’t-isa–mga kapwa naghahanap at makakakita kay Kristo.”

“Kayo na naghahanap kay Kristo tulad ng mga Pantas, nawa ay mahanap niyo rin Siya,” pagtatapos niya.

Bago natapos ang nasabing Misa, binasbasan ng Obispo ang mga delegato ng Diyosesis na sinamahan ng kani-kaniyang pamilya para magsimba at ipagdiwang ang pagkakasama ng mga ito sa delegasyon. Umabot sa may Php150,000 ang kinailangang likuming pondo ng bawat delegato para makasama sa WYD 2019 matapos sila mapili ng COY Nova mula sa mga miyembro nito batay sa kanilang pakikilahok sa nasabing Komisyon. (~Minnie Agdeppa)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s