Salita Ng Diyos Tumatawag Sa Kabataan Maglingkod

TinawagMaglingkod
Ang grupo ng Kabataan na nagtanghal ng nilalaman ng Bibliya noong Oktubre 6, 2018 sa 7th Biblical Apostolate Assembly ng National Capital Region na ginanap sa St. Peter Parish Shrine of Leaders (Larawan ni Daniel Abiad)

Sa nakaraang 7th Biblical Apostolate Assembly ng National Capital Region na ginanap sa St. Peter Parish Shrine of Leaders noong Oktubre 6, 2018, pinagdiinan na tanging ang Salita Ng Diyos ang makakatugon sa pagiging makasarili ng mga Kabataan na siyang hadlang sa kanilang interes sa Diyos at sa paglilingkod sa Simbahan.

Ani ni Msgr. Jesus Romula Ranada, Direktor ng Commission on Faith In Formation ng Diyosesis ng Novaliches, hati ngayon ang kalooban ng Kabataan sa pagiging makasarili at maka-Diyos bagaman nakikita ang kanilang interes sa Bibliya.

“Ang mga Kabataan ngayon ay nahahati between yung kanilang personal na interes–yung interes na kung minsan masasabi natin ganun din tayo, may pagkaself-centered, may pagkaselfish ang interes–at yung interes na binubuhay sa atin ng Biblical Apostolate: at yan ang interes sa Panginoong Diyos,” ani niya sa kaniyang Homiliya sa Misa na nagtapos sa nasabing pagtitipon.

“Ang Salita ng Diyos ang makakapanghikayat sa atin na lumabas sa ating mga sarili, ipukaw ang ating atensyon labas sa ating sarili, at dalhin tayong lahat sa Kanya,” pagbibigay niya ng diin sa Ingles, “Ang Salita ng Diyos ang tumatawag sa inyo para maglingkod.”

Pinaalalahanan niya ang mga dumalo sa pagtitipon na sila rin ay tinawag maglingkod sa paggamit ng Salita ng Diyos “sa mga Kabataan na nais” nila “abutin at nais” na “mapaglingkuran sa pamamagitan ng Salita ng Diyos na” ito din ang “ihain sa kanila”.

Hango mula sa Tema ng pagtitipon, ayon kay Msgr. Ranada ang hamon na maglingkod ay dapat laging pahalagahan at tugunan ng may katapatan kahit pa sa mga panahon ng hindi pagkakaunawaan at pagkakasundo sa mga ugnayan sa Simbahan, komunidad, at tahanan dahil ang Kalooban ng Diyos ay pagkakaisa.

“Ang kalooban ng Diyos, ang Kanyang original will: unity–pagkakaisa, pagtutulungan, pagdadamayan. Ito ang kalooban din ng Diyos para sa atin–whether you are married or not, whether you are priest or lay,” pagsiwalat niya.

Nilinaw niya na, “Pag tayo ay nagiisip humiwalay, ‘pag tayo ay nagiisip na hiwalayan ang sino mang dapat nating kasama, katulong, kadamay, hindi yon nanggagaling sa Diyos. Ang nais ng Diyos ay magkaisa, na tayo ay magkasama, nagtutulungan.”

“Siyempre minsan ang damdamin natin kapag hindi tayo natutuwa, gusto na nating umalis, kumalas, humiwalay! Tulad ng damdamin ng isang asawang naaapi!” Dagdag niya, “Huwag naman! Huwag naman. Magandang tayo ay magdasal. At nawa’y maging mapagnilay tayo sa ating mga sarili.”

Payo niya na magnilay sa mga sandaling ganito ang nararanasan–ang magnilay kung sa sarili nagmula ang hindi pagkakaunawaan o hindi pagkakasunduan at magnilay kung ang kalooban nga ba ng Diyos ang ating nais na itugon sa mga sandaling iyon.

“Nawa tayo ay magsilbing halimbawa ng Kalooban ng Diyos na nagkakaisa at laging tapat,” pagwawakas niya.

May halos 400 kataong kasapi ng Biblical Apostolate Ministry ang dumalo sa nasabing pagtitipon mula sa Diyosesis ng Cubao, Kalookan, Manila, Paranaque, Pasig, at Novaliches. “Kabataang Tinawag ng Word of God Tungo Sa Paglilingkod” ang tema ng 7th Biblical Apostolate Assembly ng National Capital Region na taunang pagtitipon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Biblical Apostolate (CBCP ECBA). (~Minnie Agdeppa)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: