Big Dome Dumagundong Sa Tinig Ng Kabataan

This slideshow requires JavaScript.

(Mga eksena habang Praise Fest ng Relentless 2 sa Araneta Coliseum noong Hunyo 30, 2018. Larawan ni Daniel Abiad.)

Dumagundong sa nakabibinging tili at sigaw ng may halos 15,000 kabataang ang Araneta Coliseum dahil sa naganap na Relentless 2 nitong Hunyo 30, 2018.

Hindi magkandakumahog ang mga kabataang sabay-sabay sa pagtalon at pagtili nang Praise Fest na ng nasabing pagtitipon kung kaya naman literal na dumagundong ang The Big Dome sa nakabibingi ngunit masayang ingay.

Pinangunahan ng The Lord’s Flock ang pagtitipon na dinaluhan ng mga delegato mula sa iba’t-ibang diyosesis, komunidad, at paaralan sa bansa. Isa sa may malaking delegato ang Diyosesis ng Novaliches na kasama din ang mga miyembro ng Seminarians of Novaliches Diocese (SEND).

Bukod sa praise and worship, naunang nagbigay ng mensahe ang Obispo ng Cubao, si Pinaka Reb. Honesto Ongtiongco, D. D., sapagkat sa kanyang Diyosesis idinaos ang nasabing kaganapan.

Sinundan naman ito ng talakayan at pagpapatotoo na pinangalanang, “Living Room”, na kung saan pinagusapan ang mga isyung kinakaharap ng Kabataan gaya ng depression at pre-marital sex.

Ani ng isang nagpatotoo, “kahit active na ako sa Community, nagawa namin ng boyfriend ko ang hindi dapat naming gawin dahil lihim sa aming magulang ang aming relasyon kung kaya hindi kami nagabayan.”

“Wala sa ayos ang buhay ko kasi nauna ang anak kesa sa kasal dahil ginawa namin ang dapat ay mag-asawa lamang,” dagdag pa ng nagpatotoo.

Pinagdiinan ng nagpadaloy sa Living Room na si Reb. Pad. Jade Licuanan, Punong Ministro ng Archdiocese of Manila Commission on Youth, na lahat naman ay nagkakamali at ang mahalaga ay ang iayos ang maling nagawa at ang manumbalik sa ating relasyon sa Diyos. (~Minnie Agdeppa)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: