DYD Pilgrims: Pinili Para Umakay Ng Ibang Kabataan

26166790_1576232475824016_2642329551752559840_n
Si Reb. Pad. Jansen Ronquillo, MS nung nakaraang unang araw ng ika-6 na Diocesan Youth Day sa Sto. Nino De Congreso Parish noong Enero 5, 2018. (Larawan ni Mariel Rubrico)

Sa pagbubukas ng ika-6 na Diocesan Youth Day (DYD2018) na dinaos sa Bikaryato ng Christ The King nitong Enero 5, 2018, pinagdiinan ng Vicar Forane nito ang malaking katungkulan ng mga kabataang manlalakbay o “pilgrims” sa pag-akay ng iba patungo kay Kristo.

“Mga Kabataan…sa tuwina sana’y isipin kayo ay pinili ng Panginoon para akayin ang mga kabataang iba na naliligaw ng landas at puntahan ang kabataang iba na hindi nakikilala si Kristo…para akayin sila,” ani ni Reb. Pad. Jansen Ronquillo, MS sa naganap sa Misa sa Pagbubukas ng DYD2018 sa kanyang parokya, ang Sto. Nino De Congreso Parish sa Bagumbong, C.C.

Kasabay na ginanap kasama ng mga pamilyang umampon sa 180 Kabataan mula sa 32 Parokya ng Diyosesis ng Novaliches para sa DYD2018, pinalawig ng Vicar Forane sa nasabing Misa ang kahalagahan ng pagpunta ng mga Kabataang “pilgrim” sa tatlong-araw na kaganapan.

“Maraming mga kabataan diyan pero kayo ang pinili. Maraming magagaling diyan pero kayo ang pinili. Maraming magaganda at mga pogi diyan, pero kayo rin ang pinili,” wika niya, “Kayo ang pinili ng Panginoon na maglingkod sa Simbahan na mga Kabataan, kaya you make the best effort to serve the Lord.”

Pinaalalahanan niya ang pilgrims na huwag magpadala sa kapusukan ng kanilang mga damdamin na kadalasang dala ng pagiging isang Kabataan. Binilin niya sa kanila na maging maingat sa kanilang mga gagawin at maging huwaran sa pamamagitan ng pagkakaroon ng oras sa Panginoon at pagiging Kristo para sa iba.

“So marami kayong gagawin mga Kabataan,” diin niya, “Maraming kabataan ang pumupunta lamang sa Simbahan para magsimbang gabi. Maraming kabataan ang gumagawa ng iba’t-ibang dahilan at hindi pumapasok…Give example to your fellow group to have time with the Lord.”

Pagtatapos ni Pad. Ronquillo, “Kaya nga we have (to) exert best effort. Don’t be contented with your group, but look for other Youths who need Christ and show to them Christ, only Christ, and with Christ.”

Kasama niyang nagMisa ang Direktor ng Commission on Youth ng Diyosesis ng Novaliches (COY Nova) na si Reb. Pad Alvin Balean; ang Kura Paroko ng Christ The King Parish-BF na si Reb. Pad. Yohannes Tuan, MSF; ang Kura Paroko ng Our Lady of Peace and Good Voyage Parish na si Reb. Pad. Eugene Flores; at ang Parochial Vicar ng Sto. Nino De Congreso Parish na si Reb. Pad. Christopher Navarro.

Ayon kay Ralph Ponce, punong abala para sa DYD2018 ng COY Nova, sa isang maikling panayam na ginanap bago nagsimula ang Misa, na may 90 pamilya mula sa mga parokya ng Bikaryato ng Christ The King ang nag-aasikaso at nagpapatira sa mga pilgrim na nagmula sa 12 Bikaryato ng Diyosesis. Inaasahan namang 1,200 na “celebrators” o mga Kabataang makikidalo lamang ang dadagsa sa Enero 7, ang huling araw ng DYD2018. Kasama sa mga kabataang sumali sa nasabing kaganapan ay ang transparochial group na Youth For Christ (YFC).

Nilalayon ng Diocesan Youth Day na pag-alabin ang damdamin ng mga Kabataan ng Novaliches para sa paglilingkod kay Kristo at upang makaakit sa kanila sa bokasyon ng pagpapari o pagmamadre na siya namang tema ng kabubukas lamang na Year of the Clergy and Consecrated Persons para sa 2018. Kung kaya’t ang tema naman ng DYD 2018 ay ALIVE o “Allowing the Lord to Ignite our Vocation through Evangelization”. (~Minnie Agdeppa)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: