Obispo Sa Mga Nakatapos ng AKAP: ‘Simula Pa Lang Ng Inyong Paglalakbay’

25552162_1560107707436493_7474353071002224230_n

Sa harap ng tagumpay na tinamo ng mga dating lulong sa pinagbabawal na gamot ang matapos ang Abot Kamay Alang-alang sa Pagbabago (AKAP) na Community Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) ng Diyosesis ng Novaliches, pinaalala ng Mahal na Obispo, Pinaka Reb. Antonio R. Tobias, D.D., ang katotohan na hindi dito nagtatapos ang kanilang pakikibaka para sa pagbabago.

“Kaya sa mga graduates, hindi po ito katapusan kung ‘di umpisa ng inyong paglalakbay sa tamang daan kung saan gusto ng Panginoon yun ang inyong tahakin,” ani ng Obispo sa kanyang homiliya nung Misa para sa Graduation ng Quezon City CBDRP na ginanap sa Shrine of Our Lady of Mercy Parish sa Novaliches Bayan noong Disyembre 20, 2017.

Pinagdiinan niya na patuloy dapat makipagugnayan ang mga nakatapos ng AKAP sa mga kasapi nito upang masiguro ang kanilang tuloy-tuloy na pagbabago.

“At ang inyong mga kapatid na lingkod bayan–ang ating mga kapulisan, mga doktor, mga professional, mga psychologists–ay andyan handa para kayo’y tuloy-tuloy na mag-ayos ng buhay pagkat ‘yan ang plano ng Diyos sa inyo,” sabi niya.

Pinabulaanan ng Obispo ang paniniwala sa karma buhat ng mga ginawang kasalanan ng isang tao na hindi ayon sa katuruan ng Simbahang Katoloka.

“Tandaan ninyo may mukha, merong kasaysayan ang bawat isa sa atin,” wika niya. “At kahit na anong mukha natin–kasaysayan–ang plano ng Diyos ay napakaganda para sa atin.”

“Kaya walang ‘karma’. Sa ating Pananampalataya, ang Panginoon ay hindi nagkakarma,” dagdag niya. “Kung ano ang pinagdaanan ninyo, hindi iyon karma kundi parang pagsubok para makita natin ang tamang daan.”

Pinahalagahan ni Obispo Tobias ang bunga ng AKAP na sadyang, “napakaganda” na pangyayari. Binati niya ang lahat ng mga nakatapos sa programa pati na ang mga tumlong dito.

“Napakaganda ng nangyayari! Miske sa bayan natin kahit na anong balitang iyong sabihin, kapag may magandang nangyayari, at isa ito,” sambit niya bago nagtapos sa kanyang homiliya.

Ang Quezon City Community Based Drug Rehabilitation Program Graduation Mass ay agarang sinundan ng Graduation Rites na kung saan nagsalita ang iba’t-ibang pinuno ng mga sangay ng gobyerno na nanguna sa programa ng pagbabago kasama ng Diyosesis ng Novaliches at Diyosesis ng Cubao para sa mga drug surrenderees sa pamamagitan ng Ugnayan ng mga Barangay at Simbahan (UBAS).

Ang mga sangay ng gobyerno na kasapi nito ay ang Department of Interior and Local Government (DILG) na , ang Philippine National Police (PNP) at ang Local Government Units (LGUs) bukod sa Quezon City Government. Kung kayat sina Liga Ng Mga Barangay President Hon. Ricardo Corpuz, PNP QC District Director PCSupt Guillermo Eleazar, QC District 3 Councilor Hon. Gian Sotto, DILG Assistant Regional Director Juan Ingeniero, at QC Vice Mayor Joy Belmonte ang mga nagsidalo at nagsalita ng pagbati para sa pagtitipon.

Mayroong 697 drug surrenderees ang nakatapos sa ilalim ng QC CBDRP na kung saan 15 modules ang kanilang pinagdaanan sa loob halos ng isang taon. Sa mga nasabing nakatapos, mahigit sa kalahati ng mga nakatapos ay nagmula sa Diyosesis ng Novaliches na nasasakop ng Districts 2, 4, 5, at 6 ng Lungsod ng Quezon. (~Minnie Agdeppa)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: