Bahay Pari Magbubukas Sa Pebrero 2018

IMG_5445
Isang sulyap sa loob ng Bahay Pari ng Diyosesis ng Novaliches.
(Photo credit: Minnie Agdeppa)

Magbubukas na sa darating na Pebrero 2018 ang isa sa primerong proyekto ng Diyosesis ng Novaliches: ang Bahay Pari o ang Tahanang Pari Retirement and Renewal Center sa Lagro, Q.C. Ito ay ayon sa opisyal ng Diyosesis noong nakaraang 52nd Sacerdotal Anniversary Celebration ni Pinaka Reb. Antonio R. Tobias, D.D. na ginanap sa nasabing lugar noong Disyembre 21, 2017.

“Sa Pebrero 2018 ito magbubukas ng husto,” ani ni Msgr. Jesus Romulo Ranada, Vicar General for Administration ng Diyosesis, sa isang maikling panayam matapos ng nasabing pagtitipon.

“Halos tapos naman na ang ginagawa dito pwera na lang sa mga finishings, elevators, at CRs (Comfort Rooms),” dagdag niya.

Samantala, ipinaalam niya sa mga bisita ng Obispo na puros mga kaparian ng Diyosesis noong umpisa ng pagtitipon ang iba’t-ibang bahagi at katangian ng Bahay Pari. Ang limang palapag na gusali ay may chapel, spa, kitchen, laundry area, videoke room, at conference rooms bukod sa mga kwartong gagamitin ng mga nagretiro nang pari gaya ng ward at intensive care room.

Ibinida niya ang magagandang tanawin at kabundukang tanaw mula sa mga bintana ng Bahay Pari dahil sa mataas na kinatitirikan nito at siya namang nababagay sa mga pupunta dito para mamahinga at magnilay. Ang pagiging tago sa loob ng isang subdivision na malaki, mapuno, at tahimik ay mga karagdagang katangian na ikinagaganda ng Bahay Pari ani niya.

Ayon naman kay Reb. Pad. Rudy Tulibas, Kura Paroko ng Banal na Sakramento Parish na kasama ni Msgr. Ranada sa pagasikaso sa paggawa ng Bahay Pari, bukas sa publiko ang paggamit ng Bahay Pari lalo na para sa mga mahahalagang okasyon gaya ng Binyag at Kasal. Maari din namang arkilahan ng mga parokya at mga taga-ibang diyosesis ang mga Conference Rooms para sa mga recollection at formations.

“Oo pwede ito na venue para sa mga events,” wika ni Pad. Tulibas sa panayam matapos ng kay Msgr. Ranada, sabay dagdag ng, “May 38 rooms dito na kaya ang 30-40 persons in total para naman sa retreat.”

Nagpaumanhin naman sa mga kaparian si Msgr. Ranada dahil sa lumampas sa naaprubahang budget ang naging gastos para sa pagpapagawa ng Bahay Pari. Inanyayahan naman niya ang mga bisita na lumibot sa lugar ng makita ang mga natapos nang bahagi nito at kung saan napunta ang ginastos na pera.

Ang 52nd Sacerdotal Anniversary Celebration ng mahal na Obispo Tobias ay kinapalooban lamang ng simpleng salu-salo ng mga paring Diyosesano at Relihiyoso ng Diyosesis ng Novaliches kasama ang mga madre, piling miyembro ng mga laiko mula sa Council of the Laity of Novaliches (CLaN), mga empleyado ng Diyosesis, at pamilya ng Obispo. Nagpasalamat naman ang Obispo sa mga dumalo bago nagsimula ang pagbabahagi ng pagkain para sa tanghalian. (~Minnie Agdeppa)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: