Mga Pari Itinuwid Ang Kaalaman Sa Simbang Gabi At Pasko

Dalawang pari ng Diyosesis ng Novaliches ang nagtama sa kinagawian ng mga Maninimbang Pilipino pagdating sa Simbang Gabi at Pasko sa inilabas na serye ng videos para sa Katesismo ukol dito.

Ani ng dalawang pari na mula sa dalawang magkaibang Christ The King Parish sa Diyosesis na ang pag-awit ng mga kantang para sa Pasko ay hindi dapat ginagawa sa Simbang Gabi o ang Misa Nobenaryo para sa paghahanda Para Sa Pasko. Ang dahilan, ani nila, ay ang Simbang Gabi ay napapaloob pa rin sa panahon ng Adbyento.

“Dito sa atin ay mahigpit na ipinagbabawal pa rin ang pagkanta ng mga Christmas songs during the Simbang Gabi Masses dahil Advent Season pa rin yan,” wika ni Reb. Pad. Ambrosio Nonato Legaspi, Kura Paroko ng Christ The King Parish, Filinvest 2, Q.C. sa nasabing video.

“Ito po yung isang dahilan na kinansel ng Vaticano dati sa panahon ni Obispo Felipe Fernandez de Pardo…ang Simbang Gabi dito sa Pilipinas kasi…ipinasok nila ang kanta ng Pasko sa loob ng Simbang Gabi,” bunyag naman ni Reb. Pad. Yohannes Tuan, MSF, Kura Paroko ng Christ The King Parish, BF Homes, C.C.

25591674_1564257470354850_1836887241207261452_n

“Ibigsabihin ipinasok nila ang kanta ng Pasko sa loob ng Adbyento,” pagbigay diin niya. Idinagdag pa niya na ang nararapat lamang na dapat gawin ng mga Mananampalataya ay ang sundin ang Liturhiya sa Simbang Gabi bilang paghahanda ng sarili sa pagdating ni Kristo.

Samantala, nilinaw ni Pad. Legaspi na ang Nobenaryo ay hindi lang basta paghahanda para sa Pasko sapagkat ito ay, sa katunayan, alay sa Inang Maria upang tulungan niya tayo sa paghahanda. Itinama din niya na ang tawag sa siyam na Misa ng Nobenaryo ay “Misa De Aguinaldo” at ang katawagang “Misa De Gallo” ay nararapat lamang gamitin sa Misa ng Disyembre 24 o ang gabi bago magPasko. Paliwanag niya ang salitang “Gallo” ay nangangahulugang “Tilaok ng Manok” na ginamit sa Liturhiya upang magpahiwatig ng pagsalubong sa mismong araw ng Kapanakan ni Kristo Hesus.

Walo ang video na inilabas ng Social Communications and Media Ministry ng Diyosesis ng Novaliches (SocComm Nova) para magbigay ng katekesis ukol sa Simbang Gabi. Bukod dito may lima pang video na inilabas naman ukol sa dahilan ng mga Maninimba ng Novaliches sa pagpupuyat para makadalo sa Simbang Gabi. Ang mga nasabing video ay matatagpuan sa Facebook Page at YouTube Channel ng Diyosesis. (~Minnie Agdeppa)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: