Obispo Nagalak Sa Resulta Ng Diocesan Search-In

DiocesanSearchIn_Poster2

Isa sa mga poster na ginawa ng Diocesan Vocation Ministry na pinangalap sa Social Media para sa Diocesan  Search-In na ginanap noong Nobyembre 3, 2017. (Larawan mula sa Novaliches Vocations FB Page)

Ayon sa isang panayam kay Sem. John Harvey Bagos, isang seminarista ng Diyosesis ng Novaliches, na sadyang nagalak ang Mahal na Obispo Antonio R. Tobias, D.D. sa resulta ng Diocesan Search-In na ginanap ng Diocesan Vocations Ministry sa St. Peter Parish Shrine of Leaders noong Nobyembre 3, 2017.

“Masayang-masaya siya na makita ang kabataan na nagtry to search-in,” ani ni Bagos, na kabahagi ng kumiteng umasikaso sa pagsasatupad ng Diocesan Search-In, ukol sa Obispo na dumalo sa nabanggit na kaganapan.

Sa katunayan, sabi niya na sa sobrang galak ng Obispo ay naingganyo itong ibahagi ng kusa ang kanyang sariling kwento sa pagpapari. Ngunit umabot lamang sa ikalawang bahagi ng yugto ng kanyang buhay ang naikwento ng Obispo sa takdang oras na inilaan para sa kanya sa programa.

Bukod sa Obispo, dumalo rin sa nasabing Search-In na pinamagatang “Gusto Mo Bang Maging Paring Diyosesano?” ang ibang kura paroko gaya ni Reb. Pad. Marlou Lemaire ng St. Peter Parish, ni Reb. Pad. Antonio Labiao, Jr. ng Shrine of Our Lady of Mercy, at ni Reb. Pad. Daniel Allan Samonte ng Our Lady of Fatima Parish na dati namang Direktor ng Vocations Ministry ng Diyosesis. Siyempre andoon si Vocations Ministry Director Reb. Pad. Marvin Riquez na nanguna at nagpadaloy ng pagtitipon.

This slideshow requires JavaScript.

Sina Pinaka Reb. Antonio R. Tobias,D.D., Obispo ng Novaliches; Reb. Pad. Marlou Lemaire, Kura Paroko ng St. Peter Parish Shrine of Leaders at Ekonomo ng Diyosesis ng Novaliches; at Reb. Pad. Allan Samonte, Kura Paroko ng Our Lady of Fatima Parish at dating direktor ng Vocations Ministry ng Novaliches noong Nobyembre 13, 2017
(Mga larawan ni Sem. John Harvey Bagos)

Kumurot naman sa puso ni Bagos ang kinalabasan ng Diocesan Search-In dahil aniya, “Sa nakaraang siyam na taon (ng aking paghahanda para sa maging isang pari), ito ang unang pagkakataon na nakaranas ako ng ganito kalaki (na pagtitipon) at makahulugang araw ng pananalingin at pagninilay (para sa pagpapari) bilang isang komunidad.”

“Bumalik lang sa akin yung alaala ng pangarap ni Fr. Joel na umani ng maraming bokasyon (sa Diyosesis) gaya ng nangyari sa Search-In,” maramdaming pagbahagi niya. “Nang makita ko yung mga batang seminarista bago sila nagbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan sa sarili nilang bokasyon, na sabi ko sa aking sarili na, ‘Wow, inaaani na namin ngayon ang mga pinunla ni Kuya Joel noon.'”

Ang halos mag-iisang taon nang pumanaw na si Reb. Pad. Jose Eliseo “Joel” Buenviaje ay naging Vocations Ministry ng Diyosesis noong 2012–mga ilang buwan matapos nito maging pari noong Setyembre 23, 2011–hanggang Hunyo 2014 at muli noong Agosto 2016 matapos ng matagal na panahong namahinga sa kahit anong posisyon sa Diyosesis dahil sa pagkakaroon ng angioplasty. Cardiac Arrest ang ikinamatay ni Pad. Buenviaje noong Disyembre 13, 2016 sa batang edad na 43 anyos.

DiocesanSearchIn_Pic4SanPabloDelegation

Ang naging delegasyon ng Novaliches sa Ecclesiastical Vocations Jamboree na ginanap sa San Pablo, Laguna noong Nobyembre 4, 2017 (Larawan mula sa FB Page ni Sem. John Harvey Bagos)

Halong lungkot at saya, sinabi ni Bagos na nagdulot ang Diocesan Search-In ng panibagong pagasa para sa Diyosesanong Parpapari sa Novaliches.

“Bagaman pakiramdam ko na kulang pa rin naman ang pagpapakita ng Kaparian ng kanilang presensya sa seryosong pangangailangan ng (pagpapalaganap ng) bokasyon, napuno na ng pagasa ngayon batay sa mga naibahagi ng mga bagong seminarista ng (mula sa Search-in),” diin niya.

Ang naging suporta ng mga dumalong kaparian bukod sa malaking tulong ng Social Media sa pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa Search-In ang pinasasalamatang dahilan ni Bagos sa magandang kinalabasan nito sa dami ng dumalo.

Sa nasabing Search-In, naigrupo ang mga dumalo sa iba’t-ibang antas: “mga college grad, under-grad, senior high” at “undergrad level” (ng senior high). Matapos ng nasabing Search-In, ang mga dumalo ay sasailalim sa isang “screening” sa pamamagitan ng isang panayam kay Fr. Riquez bago sila papayagan na makapag-apply sa mga seminaryo. Samantala, ang iba naman ay isinama nila Bagos sa Ecclesiastical Vocation Jamboree na ginanap kinabukasan, Nobyembre 4, 2017, sa San Pablo Laguna. (~Minnie Agdeppa)

DiocesanSearchIn_PicFromMarcBenjaminMartin

Ang Mahal na Obispo Tobias (Gitna) kasama ang mga seminarista ng Novaliches at ang kumite ng naganap na Diocesan Search-in na pinangungunahan ng Direktor ng Vocations Ministry na si Reb. Pad. Marvin Riquez noong Nobyembre 3, 2017. (Larawan ni Sem. Marc Benjamin Martin)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s