Obispo: Mga Layko “Angel” ng BEC

22197682_10210204976427270_363191898_o
Ang Obispo ng Novaliches, Pinaka Reb. Antonio R. Tobias, DD, sa Misa para sa  Closing Ceremony ng National Laity Week para sa Diyosesis na ginanap sa Sto. Nino Parish, Bagong Silang, CC noong Setyembre 30, 2017. (Larawan ni: Dianne Tam)

Binansagan ng Pinaka Reb. Antonio R. Tobias, DD, Obispo ng Novaliches, na “anghel” ang mga layko sa naganap na National Laity Week Closing Ceremony ng Diyosesis sa Sto. Niño Parish, Bagong Silang, Caloocan City kahapon, Setyembre 30, 2017.

Ani ng Obispo sa kanyang homiliya, ang mga lider layko ay mga katuwang ng Basic Ecclesial Communities (BECs) alinsunod sa tema ng nasabing okasyon na, “Forming BECs as Agents of Communion, Participation, and Mission”, na binatay naman sa pagdiriwang ng Taon ng mga Parokya Bilang Ugnayan ng mga Sambayanan.

“Ang mga layko ay mga ‘angel’ ng BEC,” ani niya sa kanyang homiliya sa Misa ng Closing Ceremony.

Ibinahagi niya na, gaya noong nagkaroon ng “retreat” ang mga kaparian kamakailan na ang mga layko ang mga “facilitators”, natulungan nila ang mga pari na magkaroon ng katatagan sa kanilang mga pinagdadaanan sa buhay lalo na sa buhay pagpapari.

Bukod dito, ipinunto rin niya sa mga Mananampalataya na ang mga lider layko ay mga dalubhasa sa pamilya na nagpapakita ng “sense of belongingness”. Sila ang unang humuhubog sa mga tao. Sa kanila nagkakaroon ng “pag-asang maging responsable ang mga tao sa sambayanan”. Ang kanilang misyon ay ang pagtugon sa tao. Ang galing ng BEC ay kitang-kita dahil sa mga pamilya. Dahil sa mga lider layko ay malakas ang BEC.

Ipinaalala ng Obispo sa lahat na sa paglilingkod sa parokya, huwag dapat panghinaan ng loob at ipagpatuloy ang misyon. Ang buong kaparian ay ipinagmamalaki ang mga layko dahil sa kanilang mga nagawa sa kanilang mga misyon.

Bago pa man ang Misa ay nagbigay ng pagbabahagi ang Kura Paroko ng Our Lady of Lourdes Parish na si Reb. Pad. Luciano Ariel Felloni patungkol sa pagbubuo ng BEC. Nagbigay siya ng mga paraan upang maging banal na makatutulong sa paghuhubog ng BEC. Pinaalalahanan niya na ang mga lider layko at mga Mananampalataya na magpatuloy na magdasal, magsimba, gumawa ng kongkretong mga aksyon bilang mga propeta, pumalaot hindi lamang sa pampang, maging bukas sa lahat, at magpatuloy na maglingkod sa Diyos.

Sa pagtatapos ng pagbabahagi ni Pad. Felloni ay pinagdiinan niya na maglingkod sa Diyos hindi lang dahil may titulo, “Palakihin ang puso at hindi ang ulo.”

Sinimulan ang napakagandang programa sa pamamagitan ng isang “Animation” ng Sto. Niño Vicariate Youth Ministry at nagtapos sa isang pagsasalo-salo at “Raffle Draw”. Naitalang 1,215 na mga layko mula sa 39 parokya ng Diyoseses ng Novaliches ang dumalo sa okasyon. (~Dianne Vacunawa-Tam)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: