Parish-Based Rehab Inaasam Ng Obispo Para Sa Bansa

21754696_1396187877162748_345393310_o

Ang Pinaka Reb. Antonio R. Tobias, D.D. noong anibersaryo ng Our Lady of Lourdes Parish’s Parish-Based Rehabilitation Program nitong Setyembre 1, 2017. (Larawan ni: Jaybee Penafiel)

Ipinahiwatig ng Pinaka Reb. Antonio R. Tobias, DD, Obispo ng Novaliches, ang pagkakaroon ng programa para sa mga naging biktima ng ipinagbabawal na gamot na gustong magbagong-buhay sa naganap na unang anibersaryo ng Parish-Based Rehabilitation Program (PBRB) ng Our Lady of Lourdes Parish (OLLP) noong Setyembre 1, 2017.

“Yung ginagawa natin rito (parish based rehab program) ay dapat maging larawan sa buong bansa,” ani ng Obispo sa kanyang homiliya sa Banal na Misa na siyang nagbukas sa pagdiriwang ng nasabing anibersaryo. Kasama niyang nagdiwang ng Misa ang Kura Paroko ng OLLP na si Reb. Pad. Luciano Ariel Felloni.

Ang PBRB ng OLLP ay sinumulan ni Reb. Pad. Luciano Ariel Felloni sa tulong ng Punong Barangay ng Brgy. 174 na si Eric Bunag. Ang programa ay natatangi sa buong bansa noong ito ay nailunsad noong 2016 kaya ito ang nagsilbing tulay para sundan ng ibang parokya. Naimbitahan na din sa iba’t-ibang palabas sa TV si Pad. Luciano ukol dito.

Sinundan ang Banal Na Misa ng isang maikling programa na dinaluhan ng iba’t-ibang mga tao at organisasyon na kasama sa PBRB ng OLLP gaya nina Atty. Bok Labastilla ng Caloocan City Anti Drug Abuse Council (CCADAC) at Gng. Etta Rosales na dating Chairperson ng Commission on Human Rights (CHR).

Dumalo rin ang mga “Recoveries” o mga taong sumailalim sa programa ng PBRB. Ginunita sa nasabing pagdiriwang ang mga pagbabagong naganap sa kanila at ang kabutihang idinulot nito sa kanilang buhay.

Isa sa mga nagbahagi ng istorya ng pagbabago ay si G. Paul Infante na umamin na maraming panahon siyang nakulong sa sistema ng droga pati na ang naramdaman niyang galit at paglimot sa pagsimba. Sabi niya, isang araw naisip niya na magsimba at nang marinig niya sa homiliya ni Pad. Luciano ang tungkol sa PBRB ay walang-atubiling nagpakupkop siya rito.

Simula noon, unti-unting nagkaron ng halaga ang buhay niya at ngayon ay namumuhay ng mapayapa sa kabila ng kaniyang pinagdaanan. Gaya ni Infante, ngayon ay marami nang dating “Adik” ang tinatawag na sa kanilang pangalan ng may respeto. Higit sa lahat, sila ay naglilingkod na ngayon sa Panginoon sa paraang kaya nila.

Natapos ang pagdiriwang sa isang Boodle Fight na pinangunahan ni Pad. Luciano. (~Jaybee Santos Penafiel)

 

 

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s