Kaso Ng Human Trafficking Matindi Na Sa Novaliches

21106864_1442233649223900_8233283221098279134_n

(L-R) CBCP-ECMI Luzon Coordinator Edmond Ruga, PaMINova member Ruby Ramores, at PaMINova Director Reb. Pad. Leonides Laguilles noong nakaraang Lunes, Agosto 28, 2017, sa Special Ministries Episode ng Radio Veritas Hello Father 911 Diocese of Novaliches Segment. (Larawan ni: Annaliza Bruce)

Ibinahagi ni Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission for Pastoral Care for Migrant and Itinerant People (CBCP-ECMI) Coordinator for Luzon Edmond Ruga na nakakaalarma na ang bilang ng kaso ng Human Trafficking sa Novaliches.

“Ang Novaliches ay isa sa mga very alarming ang situation diyan lalo na along Commonwealth at Bagong Silang,” ani ni Ruga bilang patungkol sa isyu ng Human Trafficking na napagusapan sa nakaraang episode ng Radio Veritas Hello Father 911 nitong Agosto 28, 2017.

Ayon sa kanya ang Human Trafficking ay isa sa tatlong malalaking isyung tinututukan ng Pastoral Care for Migrants and Itinerant People of Novaliches (PaMINova)–maskilala sa tawag na Migrant Ministry–kung kaya’t ginawa ito bilang ikatlo sa apat na “Clusters” na tinutugunan nito.

Dagdag pa niya na, “Nakita na dito sa Metro Manila, ang Diocese of Novaliches sa bahagi ng Commonwealth, marami ang biktima ng accident ng mga bumabiyahe.”

Kung kaya naman ang ika-apat na Cluster ay ang “itinerant people na kasama diyan yung people on the road”. Ito rin ay bunga ng pagsunod sa direktiba ng Papa Francisco na “tugunan ang pangangailangan ng” mga ito. Samantalang ang Migrant Families ang Pinakaunang Cluster at ang Anak OFW ang Ikalawang Cluster.

Dahil dito nanawagan siya na sana ang bawat parokya sa Diyosesis ng Novaliches ay talagang magkaroon ng Migrant Ministry dahil sa dami ng mga “tinututukan nito” at laki ng pangangailangang matugunan.

377526_10150453897758042_817618120_n

Ang mga bata ang kadalasang nangungunang biktima ng dysfunctional families at human trafficking. (Larawan ni: Julius Panday)

Kasama ni Ruga bilang panauhin sa nasabing programa ng radyo sina PaMINova Director Reb. Pad. Leonides Laguilles at ang miyembrong si Ruby Ramores para sa episode nito na “Special Ministries” kung saan tampok ang PaMINova.

Inilahad nila ang mga serbisyo at programa ng nasabing Ministry para tugunan ang mga kinahaharap na problema ng mga OFWs, kung saan pinakamalaki ay ang pagkakaroon ng “dysfunctional families” dahil sa kawalan ng isa o parehong magulang sa pagpapalaki ng mga anak habang nagtratrabaho sa ibang bansa.

“Sa family dysfunction, yung talagang naapektuhan dun yung mga bata eh,” giit ni Ruga. “Sa bilang natin ng mga OFW, 68% ang isang magulang ay nasa ibang bansa at 32% ay both parents ay absent. So if meron tayong 18.4M Filipino families, 40% ay OFW Families.”

Sa datos na ito makikita kung gaano kadaming kabataan ngayon ang talagang namumuhay na may dysfunctional families na siya namang nagdudulot ng masmarami pang problema gaya ng pagkalulong sa droga at sexual abuses bukod sa pagkasira mismo ng pamilya.

Bunga nito, pagpapalakas ng pamilya, ani ni Ruga, ang pinakasentro ng gawain ngayon ng PaMINova para sa mga pamilya ng OFWs. Kasama din ang pagbigay ng kaalaman sa mga OFWs at mga pamilya nila kung anong maaaring maitulong ng gobyerno sa kanila. Bukod doon ay ang pagprotekta sa mga migrants mula sa human trafficking at sa iba pang mga pangaabuso sa kanila sa kanilang pagtratrabaho sa ibang bansa.

Ipinaliwanag din nila na ang Anti-Human Trafficking Act o RA 9208 ngayon ay sumasaklaw na sa “recruitment, obtaining, hiring, providing, offering, transporting, transfer, mainstreaming, harboring, or receipt of persons, with or without the victim’s consent or knowledge within or across national borders” na ang mithiin ay ang pagabuso sa isang tao. (~Minnie Agdeppa)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s