SocComm Ng Mga Parokya Sasabak Sa Radio Reporting Training

SocCommNova_FieldTrip_Tarp_4SocialMediaSasailalim sa isang libreng Radio Reporting Training mula sa Radio Veritas ang mga miyembro ng Social Communications and Media Ministry ng Diyosesis ng Novaliches (SocComm Nova) sa darating na Sabado, Hulyo 15, 2017.

Ninanais ng nasabing training na maging ganap at opisyal na mga tagapamalita ng Radio Veritas ang mga nasabing miyembro ng SocComm Nova mula sa mga parokya. Nanawagan noong nakaraang Mayo 30, 2017 ang Radio Veritas sa naganap na meeting ng Social Communications Ecclesial Province of Manila sa Diyosesis ng Paranaque na nangangailangan sila ng mga reporter na diretso nang magbibigay ng balita ukol sa mga kaganapan ng kanilang parokya na i-eere sa kanilang mga programa.

Bilang pagtugon, isinama ang nasabing Radio Reporting Training sa gaganaping Field Trip ng SocComm Nova sa Sabado. Bukod sa nasabing Training, magbibigay din ng Public Assistants o PA Training ang Radio Veritas sa mga sasama sa Field Trip upang sila ay maupo bilang on-the-job-trainee na PA ng Hello Father 911 sa mga darating na mga buwan.

Nilalayon ng SocComm Nova na patalasin ang kaalaman ng kanyang mga miyembro mula sa mga parokya upang masmaging kapaki-pakinabang ang mga ito hindi lamang sa kanilang mga parokya kundi pati na rin sa buong Simbahang Katolika sa pamamagitan ng pagtupad ng kanilang mga tungkulin bilang tagapamahayag ng Mabuting Balita sa iba’t-ibang sangay ng Media.

Bahagi sa nasabing Field Trip ang pagdalaw sa Radio Veritas Station at TV Maria Studio ng Arkidiyosesis ng Maynila at sa Studio C ng Diyosesis ng Cubao. Ang pagbisita sa TV Maria at Studio C naman ay inaasahang magbibigay kaalaman sa larangan ng pamamahayag sa Telebisyon, paggawa ng mga film o video, at pati na ng pagedit sa mga ito.

Kung kaya’t may mga kasapi sa nasabing Field Trip ang naghanda para sumali sa TV Maria Sessions: ang bagong programa ng nasabing Katolikong Istasyon sa Cable na kung saan Music Videos ng kilalang mga kanta ang pinapalabas at pinapakalat sa kanilang Facebook account.

May halos 50-katao ang sasama sa Field Trip mula sa mga parokya ng Diyosesis na may naitayo nang SocComm at siyang nagpahayag na sasama sa binigay na huling araw ng pagtala noong Hunyo 15, 2017. Kasama dito ang mga Parokya ng Christ The King-BF, Sto. Nino De Congreso, Sto. Kristo Mission Area, Our Lady of Lourdes, Christ The King-Filinvest 2, St. Joseph-Tandang Sora, Shrine of Our Lady of Mercy, Immaculate Concepcion, at St. Maximilian Mary Kolbe. (~Minnie Agdeppa)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s