Paalala Ng Mga Pari: Debosyon Sa Sacred Heart Tunay Na Isabuhay

19369204_10211251873345921_203904040_o

Ang anchors ng Diyosesis ng Novaliches sa Monday Edition ng Radio Veritas 846AM Hello Father 911 (Kaliwa pa kanan): Reb. Pad. Aristeo De Leon, Reb. Pad. Reynaldo Percival Flores, at Reb. Pad. James Nitollama noong Hunyo 19, 2017.

Sa nakaraang episode ng Radio Veritas 846AM Hello Father 911 nung Hunyo 19, 2017, pinaalala ng mga anchors nito mula sa Diyosesis ng Novaliches ang pangangailangang isabuhay ang debosyon para sa Kabanal-banalang Puso Ni Hesus.

“Mahalaga na kapag may Sacred Heart tayo doon sa bahay natin, ay magbibigay sa atin ng inspirasyon. Tapos ay nagdadasal tayo. Hindi pwede yung naandoon lang tapos display lang,” ani ng batikang anchor na si Reb. Pad. James Nitollama na Parish Priest ng Epiphany of Our Lord Parish sa Camarin, Caloocan City.

Tinalakay sa programa nina Pad. Nitollama at ang mga co-anchors niyang sina Reb. Pad. Aristeo De Leon at Reb. Pad. Reynaldo Percival Flores ang “Devotion To The Sacred Heart Of Jesus” dahil sa nalalapit na kapistahan nito sa Biyernes, Hunyo 23, 2017.

Kung kaya naman nagpaalala sila sa kahalagahan ng pagsasabuhay ng debosyon nito na nagpapaala sa pagmamahal ng Diyos sa Sanlibutan at ang panawagan nitong mabuhay ayon sa pinakita niyang pagmamahal.

“Maganda sa pagdiriwang natin ngayon, maalala natin kung bakit meron tayong mga Sacred Heart image sa mga bahay-bahay at hindi lang sa mga bahay, pati sa mga jeepney, sa mga kotse, sa mga sasakyan nandyan ang image ng Sacred Heart of Jesus,” ani ni Pad. De Leon, na siyang Parish Priest ng St. Joseph The Worker Parish sa Tala, Camarin.

Pagdidiin niya, “Ito’y isang paalala para sa atin ng Pagibig Ng Diyos–sa kabila ng mga kakulangan natin, sa kabila ng ating pagiging makasalanan–ang Pag-ibig Ng Diyos ay hindi magmamaliw, hindi magbabago, hindi mababawasan.”

Idiniin din ni Pad. Nitollama na ang debosyon na ito’y may malaking itutulong sa mga Kabataan upang matuklasan ang tunay na kahulugan ng “pag-ibig” na dapat ay agape na nangangahulugang pagmamahal na may pagsasakripisyo at puspos na pagbibigay ng sarili gaya ng pagmamahal na ipinaranas at ipinakita ng Poong Hesu Kristo.

“Ang Sacred Heart of Jesus ay napakahalagang image para macapture ng Kabataan ang religious meaning ng pag-ibig,” sabi niya.

Samantala, ipinaalala din ni Pad. Flores ang pangangailangan nilang mga pari na maging kawangis sa Puso Ni Hesus.

“Patterned after the Heart of Jesus. Every priest should be molded according to the Heart of Jesus,” wika niya sa Ingles biglang pagtatapos.

Sa nasabing episode, ibinahagi ni Pad. Flores ang kasaysayan ng Debosyon sa Kabanal-banalang Puso Ni Hesus at ni Pad. De Leon ang kahulugan ng pusong may koronang tinik at may sinding apoy na makikita sa mga imahe o istatwa ng Sacred Heart.

Tinalakay din ng mga anchor ang mga Pangakong binigay ng Panginoong Hesu Kristo kay Sta. Mary Margaret Alcoque ng France sa mga magdedebsyon sa Kanyang Kabanal-banalang Puso bago nagtapos ang episode. (~Minnie Agdeppa)

HF911_061917

Sina Reb. Pad. Aris De Leon (Kaliwa) at Reb. Pad. Rei Flores (Kanan) na masigasig na tinalakay ang Debosyon sa Kabanal-banalang Puso Ni Hesus noong nakaraang Lunes, Hunyo 19, 2017, sa Radio Veritas 846AM Hello Father 911.

 

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s