Misa Para Sa Mga Na-EJK Pinangunahan Ng Obispo Tobias

17554584_1283493841764549_5503372142879111390_n

Isang Misa para sa mga nabiktima ng Extra Judicial Killings (EJK) at ang pamilyang kanilang naiwan ay idinaos kahapon, Abril 2, 2017, sa Sto. Nino Parish, Bagong Silang, C.C. sa pangunguna ng Pinaka Reb. Antonio R. Tobias, D.D., Obispo ng Novaliches.

Sa nasabing Misa, na tinatawag na “Holy Eucharist Mass Action” (HEMA 3), pinakadiinan ng Mahal na Obispo ang paninindigan ng Simbahang Katolika laban sa EJK at Death Penalty na dulot ng “War Against Drugs Campaign” ng Pamahalaan, partikular ni Pangulong Duterte.

Ani ng Obispo, ang bawat isa sa atin ay patay dahil sa kasalanan at sa iba’t-ibang adiksyon. Ngunit, sinasabi sa Ebanghelo para sa Ika-Limang Linggo ng Kuwaresma sa pamamagitan ng mga salitang binitawan ni Hesus sa pagbuhay ng kanyang matalik na kaibigang si Lazaro na, “Kesihodang anong klase nagawa niyo, kaya ko siyang buhayin!”

“Ang mga taong katulad niyo, katulad ko, na maraming nagawang kabalbalan sa buhay ay binuhay ni Hesus,” ika ni Obispo Tobias. Kung kaya naman, idinagdag niya, “Mga pamamaraan ng pagpapatay, ayaw Niya (Hesu Kristo), kasi gusto niya, ‘Lumabas ka, Lazaro! Kalagan mo siya nang makalaya!’ ”

Ipinaliwanag niya na ang pagbigay ng Diyos ng pagkakataong magbago at ng mabuhay ng panibago sa mga makasalanan ang dahilan ng paninindigan ng Simbahan laban sa EJK at Dealth Penalty.

“Mga kapatid sa Pananampalataya, napakalaki at parang napapanahon ang paalalang ito sa ating bansa ngayon nang marinig natin ang Death Penalty sa mga taong nasentensyahan na, mga taong iba’t-ibang kriminal…hindi lang drug adik, iba’t-ibang adiksyon,” sabi niya.

17757186_1283493111764622_557464768362445998_n

Itinaas ng mga pamilya ng mga larawan ng kanilang minamahal na na-EJK matapos ito bendisyunan ng Obispo Tobias sa HEMA 3 noong Abril 2, 2017

Kaya itinatwa din ng Obispo ang maling pag-iisip na mga walang kwenta at walang pag-asa ang mga nalulong sa iligal na droga kung kaya’t sila’y nararapat mamatay na lamang. Ayon sa Obispo, ang lahat ng Pilipino ay may pananagutan sa pagkakaroon ng mga adik na kinulang ng pagmamahal at pangunawa at nakaranas ng pagbuklod mula sa lipunan.

“Mr. President, yung Simbahan at yung mga Obispo minumura mo kasama ng mga pari–silang nag-aayos at inaayos nila ang mga biktima ng inyong laban kontra droga,” pagpuna niya sa Pangulo. “Hindi pa namin natatapos ayusin ang mga adiks–iba’t-ibang klaseng adik…ay meron nang nadagdag. Kumakatok sa aming mga pintuan ang mga naiwan na mga pamilya na…At…nadagdagan ang trabaho at bigat na nararamdaman ng Simbahan na iyong minumura ng madalas.”

Samantala, ilang beses nagiyakan ang naiwang pamilya ng mga na-EJK sa nasabing Misa lalo na nang pagdiinan ng Obispo na ang unang naghihinagpis kasama nila ay si Hesu Kristo at nang sila ay binigyan ng mga dumalo sa Misa ng puting bulaklak bilang pagbigay-kapayapaan.

May mahigit sa benteng kapamilya ng mga na-EJK ang dumalo sa Misa na nagmula sa iba’t-ibang mga parokya ng Diyosesis ng Novaliches. Ayon kay Fr. Joselito Sarabia, CM, isang Vincentian na pari na nanguna sa pagorganisa ng nasabing Misa, na tinatayang 400 sa natalang 7,000 namatay sa Pilipinas ay mula sa Sto. Nino Parish. Sa katunayan, sa umaga ng nasabing Misa ay may apat na kataong pinatay muli sa isang lugar na hindi kaluyuan sa Sto Nino Parish ayon sa dalawang seminaristang Vincentians.

Ang HEMA 3 ay ang pangatlong Misang idinaos para sa mga na-EJK at ang kanilang mga naulila. Naguna na ang ginanap noong Pebrero 2, 2017 ng sabay-sabay sa iba’t-ibang diyosesis sa Pilipinas at ibang bansa na sinundan noong Marso 2, 2017 sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Help na mas kilala sa tawag na Baclaran Church.

Kasama sa pagorganisa nito ang mga Relihiyoso ng Augustinian Recoletos, Passionists, at ang ekuminikal na grupong Rise Up Philippines Movement para sa mga nabalo at naulila ng EJK. (~Minnie Agdeppa)

17522946_1283496451764288_5704096025725683567_n

Ang mga naiwang pamilya ng mga biktima ng EJK at ang Mahal na Obispo ng Novaliches, Pinaka Reb. Antonio R. Tobias, D.D., kasama ang CBCP BEC Priest Director Reb. Pad. Armando Picardal, at iba pang kaparian na nagdaos ng Holy Eucharist Mass Action sa Sto. Nino Parish, Bagong Silang, C.C. noong Abril 2, 2017

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s