Ihatid Ang Programa Ng Buhay Sa Bilangguan, Hindi Kamatayan

Si Sr. Zenaida Cabrera, SHE (Gitna) at ang kanyang mga kasamahang madre sa Restorative Justice Ministry ng Diyosesis ng Novaliches na naging kapanayam sa Radio Veritas Hello Father 911 noong nakaraang Lunes, Marso 13, 2017

Sa nakaraang episode ng Hello Father 911 ng Diyosesis ng Novaliches sa Radio Veritas noong Marso 13, 2017, binagyan diin ng kilalang speaker ukol sa Restorative Justice na si Sr. Zenaida Cabrera, SHE ang kahalagahan ng pagdala ng programa ng buhay sa mga bilango sa pamamagitan ng Restorative Justice Ministry.

“Ang atin pong pakikipagtulungan sa ilang ahensya ng gobyerno katulad ng…Bureau of Corrections, Bureau of Jail Management…PNP…ay pagdadala ng programa ng buhay sa mga bilanggo. Sa pamamagitan po ng iba’t-ibang kurso o activity, nakakapanumbalik po at nakakatulong sa kanilang pagpapanibagong-buhay,” ani ni Sr. Cabrera na kasalukuyan ding tumatayo na Religious Coordinator ng Restorative Justice Ministry sa Diyosesis.

Ang sinasabing programa ng buhay ay tinatawag na PAREALEASE ME o pinaikling tawag para sa Para legal, Religion, Advocacy, Livelihood, Education, Advocacy, Services for Social Action, at Medical Dental.

Dagdag naman niya bilang pagpapaliwanag kung ano ang Restorative Justice na, “Naniniwala po tayo na hindi lamang sila (mga bilanggo) basta nakaconfine pero meron ding pagbabagong nangyayari sa kanilang buhay sa pamamagitan ng pag-aaral na dinadala ng ating Simbahan…at dahan-dahan naiireintegrate sila mula sa lipunan sa pamamagitan ng mga gawaing ito.”

“Bagamat ngayon napaguusapan ang Death Penalty, na nakapasa na sa Kongreso at isa na lang ang hinihintay. Pero sa kabila po niyan, hindi po tayo nawawalan ng pag-asa na sa pamamagitan ng mga programang ito…at ang kanilang relasyon sa Diyos, sa kapwa at yung pagtingin nila sa sarili ay mababago din,” ani niya.

Bilang katunayan, binanggit ang isang bilanggo na nakalinya na sana dati para sa Death Penalty noong ito ay pinapayagan sa bansa. Ang nasabing bilanggo ay Parish Pastoral Council (PPC) Chairperson na ng parokya na nasa loob ng New Bilibid Prison matapos nitong dumaan sa programa ng Restorative Justice Ministry. Isang taong nabigyan ng pagkakataong magbago at mabuhay ay siya ngayon tumutulong sa Simbahang Katolika sa kanyang gawain.

Binanggit din ni Sr. Cabrera at ang mga kasamahan nitong madre at layko na panauhin sa nasabing March 13 episode na malaki ang itinaas ng populasyon ng mga bilanggo sa mga police stations simula ng Oplan Tokhang ng Pamahalaan. Masasabing 20-30 detainees lang dati ang laman ng detention cells ng isang police station. Ngunit ngayon, naging hanggang 250 na ang laman ng mga ito dahil sa inilagay dito ang mga drug surrenderees dahil walang pasilidad ang gobyerno para sa mga ito.

Ang Servants of the Holy Eucharist (SHE) ang nangungunang Kongregasyon mula sa 67 na Kongregasyon ng mga Babae sa Diyosesis ng Novaliches para sa prison ministry. Mayroong 60 volunteers ang Restorative Justice Ministry na nangangalaga sa mga bilanggo mula sa siyam na police stations sa lugar na napapaloob sa Diyosesis ng Novaliches dahil walang panglungsod na kulungan dito. Bukod dito, tinutulungan din nila ang mga bilanggo sa New Bilibid Prison na karamihan ay mula sa Diyosesis ng Novaliches.

Ang Diyosesis ng Novaliches ay mapapakinggan kada Lunes, 9N.G.-11N.G., sa Hello Father 911 ng Radio Veritas 846AM. Para sa segment na ito na binigay sa Diyosesis, sina Reb. Pad. James Nitollama, Reb. Pad. Reynaldo Percival Flores, at Reb. Aristeo De Leon ang lagiang anchors ng programa. Kasama naman nila kada unang Lunes ng buwan si Reb. Pad. Ambrosio Nonato Legaspi para sa Spiritual Warfare Monday. Samantala, Moral Principles Monday naman ang kada ikalawang Lunes ng buwan, Community Issues kada ikatlo, at Special Ministries kada ikapat. (~Minnie Agdeppa)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s