Novaliches Nagsimula Na Ng General Evaluation

Ang Focus Group Discussion ((FGD) na naganap sa St. Peter Parish Shrine of Leaders kaugnay ng malawakang General Evaluation Project ng Diyosesis ng Novaliches (DEP 2017) noong nakaraang Marso 4, 2017. (Larawan ni: Lourence Roy Lopez Olayres)

Nagsimula na ang malawakang pagsasagawa ng mga Focus Group Discussions (FGD) sa mga parokya ng Diyosesis ng Novaliches kaugnay ng Diocesan General Evaluation Project 2017 (DEP 2017) nito noong Marso 4, 2017.

Ang mga Parokya ng Mary The Queen, San Bartolome, St. Peter, at Mabuting Pastol ang nanguna sa mga FGD na ito noong Marso 4 na kinalalahokan ng tatlong grupo ng taong mananampalataya o mga kapanayam: ang mga lider ng simbahan, ang mga taong aktibo sa simbahan, at ang mga kabataan. Ito ay sinundan naman kinabukasan ng FGD sa mga Parokya ng Sta. Krus at Ascension of Our Lord.

Sa panimula ng Diocesan Pastoral Office na pinamumunuan ni Reb. Pad. Antonio E. Labiao, Jr., ang nasabing DEP 2017 ay naglalayong makalikom ng datos ukol sa pananaw ng mga Mananampalataya ng Novaliches sa pamamalakad nito sa pamamagitan ng kanyang kinatawan: ang parokya.

Unang nilayon ng DEP 2017 ang magkaroon ng Strategic Pastoral Goals–gaya ng ginawa ng Diyosesis nung ito ay nagsisimula pa lamang–bilang paghahanda sa bagong obispo na ipapalit sa Pinaka Reb. Antonio R. Tobias, D.D. gayong ito ay nagretiro na at naghahantay na lamang ng desisyon ng Papa Francisco ukol dito.

Ngunit, pinagdesisyunan ng mahal na Obispo Tobias na ito ay marapat gawin pagdating na lamang ng bagong obispo. Ang Strategic Pastoral Goals ay ang mga layuning nais makamit ng Diyosesis sa pamamagitan ng kanyang mga programang pastoral na ipinapaloob sa mga plano ng iba’t-ibang Commission at Ministry nito at sa mga magiging kabuuang desisyon sa pagpapalakad nito. Kung kaya’t nilayon na lamang sa ngayon ng DEP 2017 ang makatulong sa paggawa ng Terminal Report ng kasalukuyang obispo na ipapasa sa Roma kaugnay ng kanyang pagretiro sa darating na Abril.

Matatandaang nagkaroon ng Facilitators Training ang Diocesan Pastoral Office para sa mga Vicariate Evaluation Teams noong Pebrero 18-19, 2017 sa Caritas Novaliches Office bilang paghahanda sa gaganaping FGD sa buong buwan ng Marso. Ang mga pinadala ng mga Vicars Forane sa nasabing Facilitators Training ang siyang magsasagawa ng FGD sa parokya. Dalawa hanggang tatlong facilitators ang magpapadaloy ng usapan sa bawat grupo ng kapanayam. Kung kaya’t tatlong grupo ng facilitators o hindi lalampas sa siyam na katao ang magpupunta sa parokya para sa FGD.

Ang mga katanungang napapaloob sa FGD ay ukol sa karanasan ng bawat Mananampalataya sa Buhay Pagpupuri (Worship), Paghuhubog (Formation/Education), at Paglilingkod (Service) sa kanyang parokya, pati na sa Pamamalakad (Leadership) nito.

Sa kasalukuyan, masasabing walongpung porsyento (80%) na ng mga paroya ng Diyosesis ang nakapagpatala ng araw at oras ng kanilang FGD sa Diocesan Pastoral Office. Ang Southeast Asian Inter Disciplinary Institute (SAIDI) sa pamamagitan ni Dean Rose Fuentes ay tutulong sa ginawang Evaluation and Data Gathering Committee ng Diyosesis na pamumunuan ni Reb. Pad. Jaime Lara at ni John Paul Dalupang sa pagsasaayos ng malilikom na datos. (~Minnie Agdeppa)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: