Dio Nova, Isa Sa May Pinakamalaking Delegasyon Sa WACOM4

Mga kinatawan ng Diyosesis ng Novaliches sa 4th World Apostolic Congress On Mercy (WACOM4)

Isa sa may pinakamalaking delegasyon sa ika-4 na World Apostolic Congress On Mercy (WACOM 4) ang Diyosesis ng Novaliches, ayon sa kanyang Divine Mercy Apostolate (DMA) Lay Coordinator Linda Villamor sa isang panayam sa telepono noong nakaraang Sabado, January 13, 2017.

“Pagdating sa attendance, maganda ang attendance ng ating Diyosesis,” winika ni Villamor, “isa tayo sa may pinakamalaking delegasyon sa WACOM 4 when compared sa national level.”

Ayon sa kanya, may dalawang klase ng kinatawan ang Diyosesis sa nasabing pagpupulong–gaya sa ibang mga diyosesis. Ito ang “Official Delegate” at ang “Fraternal Delegate”. Ang una ay ang piniling sumama sa buong Congress mula January 16-20, 2017. Samantala, ang pangalawang uri ng kinatawan ay pumili lamang ng araw or mga araw ng pupuntahan sa nasabing Congreso. Kung kaya naman, iba-iba rin ang dami ng bilang ng pupunta mula sa Diyosesis ng Novaliches para sa nasabing Congreso.

Sa katunayan, nahirapan silang kuhain ang eksaktong bilang ng mga pupunta para sa Diyosesis noong una dahil may mga hindi sumunod sa pamamaraang ibinigay ng WACOM 4 para sa mga gustong sumali.

Bagamat malinaw na nakalagay sa WACOM4 website at sa mga pinamahagi nilang kaalaman sa pagsali sa pamamagitan ng DMA Parish Coordinators na matapos magbayad sa bangko ng Registration Fee ay ipadala ang scanned copy ng deposit slip sa email address ng kani-kanilang Parish DMA Lay Coordinators, may mga umasa na lamang na ipaalam ng bangko sa WACOM4 ang kanilang pagrehistro. Meron namang dumiretso na lang sa National Shrine and Parish of the Divine Mercy sa Bulacan sa kanilang pagrehistro.

Gayun pa man, nakuha pa rin nila ang dami ng mga nagrehistro mula sa Diyosesis ng Novaliches pwera na lang para sa mga pupunta sa Day 1 ng WACOM na gaganapin sa Manila Cathedral. May 71 Official Delegates at 43 Fraternal Delegates o may kabuuang bilang na 114 Delegates para sa Day 2 na gananapin sa University of Santo Tomas (UST); 71 Official Delegates at 9 Fraternal Delegates o kabuuang bilang na 80 Delegates para sa Day 3 na gaganapin sa National Shrine and Parish of Padre Pio, Batangas; 71 Official Delegates at 13 Fraternal Delegates o kabuuang bilang na 84 Delegates para sa Day 4 na gaganapin sa National Shrine and Parish of the Divine Mercy, Bulacan; at 71 Official Delegates at 45 Fraternal Delegates o kabuuang bilang na 116 sa Day 5 na gaganapin sa Las Casas Filipinas De Azucar, Bataan.

Kung kaya naman, ani niya, “Sa Bataan ang pinakamarami nating delegates…dumami dahil sa extension na binigay…dahil sa Fraternal Delegates.”

Nagkaroon ng palugit sa pagrerehistro para sa WACOM 4 hanggang December 16, 2016 at gumawa din ang WACOM 4 Committee ng “special registration” para sa mga taong hindi kakayaning sumali sa 5-araw ng Congress dahil may mga pasok sa trabaho o iskwela o dahil hindi kakayanin ang kabuuang halaga ng Registration Fee–at ito ay ang mga Fraternal Delegates.

Bukod sa naging pagsubok nila sa pagbilang ng kabuuang dami ng sumali sa WACOM 4 mula sa Diyosesis ay ang meeting place ng mga kinatawan ng WACOM 4 para sa mga sasakyang inihanda para sa kanila.

“Eh alam naman natin na karamihan ng kasapi namin ay matatanda na talaga, magiging mahirap yung pupunta pa kami sa Luneta ng napakaagang oras para makasabay sa mga bus na inilaan para sa ating delegasyon. Kaya nag-arkila na lang ng sariling bus ang ating Diyosesis para sa ating mga kinatawan,” ani niya. (~Minnie Agdeppa)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s