Beatong Prances, Nagsulong Na Magkaroon Ng Katekistang Pinoy

Si Reb. Pad. Aldrin Lopez (pinaka-kaliwa) kasama ang Pinaka Reb. Antonio R. Tobias, D.D. at iba pang mga paring nagmisa nung Enero 2, 2017 bilang pasasalamat sa pagiging Beato ni Reb. Pad. Marie-Eugene ng Nino Hesus sa Notre Dame De Vie Retreat House

Ayon kay Reb. Pad. Aldrin Lopez, Catechetical Ministry Director ng Diyosesis ng Novaliches, ang bagong Beatong Prances na si Blessed Marie-Eugene of the Child Jesus, O.C.D. ay may napakalaking papel sa pagkakaroon ng mga Pilipinong Katekista.

“Unang-una, siyempre yung Mother of Life Center (MLC), yan yung isa sa mga huling sinabi niya bago siya namatay–ang magtayo ng catechetical center,” patungkol ni Pad. Lopez sa Beato noong interview nito matapos ng Misa Pasasalamat para sa Beatification ni Bl. Marie-Eugene sa Notre Dame De Vie Retreat House (NDV RH) sa Bgy. San Agustin, Q.C. noong Enero 2, 2017.

Dagdag pa ng pari na siya ring gumaganap na Priest Coordinator ng NDV RH, “Kaya nga pinadala niya dito si Ms. Matilde Beckers na galing pa ng Germany. At ang funding na iyan (para sa pagtatayo ng MLC) ay galing sa Missio through Ms. Beckers. Talagang napakalaki ng contribution (niya).”

So ito ay kanyang pinatayo hindi lang para sa isang diocese kundi sa buong Pilipinas,” winika niya, “So itong center na ito, more than 1,000 catechists na ang naform sa iba’t-ibang dioceses sa Pilipinas…So karamihan ng mga katekista na iyan ay nasa iba’t-ibang dioceses. Sila din yung tumutulong sa mga dioceses sa mga parokya, maging sa mga Catholic Schools.”

Ang first class relic ni Beato Marie-Eugene ng Nino Hesus na nakalagay sa isang maliit na “bahay”.

Kaka-beatify pa lamang noong Nobyembre 19, 2016 ni Blessed Marie-Eugene of the Child Jesus, O.C.D. o ni Henri Grialou bago ito maging isang Karmelitang pari sa Pransya noong 1922. Ipinanganak noong 1894, unang nakilala ni Henri ang mga Karmelita sa pamamagitan ni Sta. Teresita ng Lisieux na mas kilala sa pangalang St. Therese of the Child Jesus (Sta. Teresita ng Nino Hesus), kung kaya naman pareho sila ng naging pangalan.

Ayon sa pinamigay na prayer leaflets sa nasabing Misa Pasasalamat, itinatag ni Bl. Marie-Eugene ang Notre-Dame de Vie Institute (NDV) noong 1932 sa Pransya para sa mga seculars–mga mananampalatayang lalake o babae na hindi inialay sa Diyos gaya ng pari o madre–upang matutuhan ang Teresian Carmelite Spirituality–ang mga turo ni Sta. Teresa de Jesus at San Juan dela Cruz na kapwa nagtatag ng Order of Discalced Carmelites (O.C.D.)–at isabuhay ito sa kanilang pagtratrabaho at pangaraw-araw na buhay.

Itinatag naman ni Bl. Marie-Eugene sa Pilipinas noong 1954 ang sangay ng NDV bago sinundan ng MLC matapos ng 13 taon. Ayon kay Pad. Lopez, magdiriwang ng ika-50 taon ang MLC ngayong 2017.

Ang NDV RH at ang MLC ay nasa iisang compound na sakop ng Diyosesis ng Novaliches. Kung kaya naman ang Misa Pasasalamat ay pinangunahan ng Obispo ng Novaliches na si Pinaka Reb. Antonio R. Tobias, D.D. Kasabay na nag-Misa ang pinakaunang pari ng NDV sa Pilipinas na si Pinaka Reb. Benjamin Almoneda, na Bishop Emeritus ng Diyosesis ng Daet; at mga pari ng Novaliches, kasama na si Fr. Lopez.

May mahigit sa 200 katao ang dumalo sa Misa Pasasalamat na nagmula sa mga parokya ng Diyosesis, kabahagi ng NDV, at mga katekista ng Diyosesis. Pinasiyahan at lalong pinabanal naman ng Our Lady of Fatima Parish Choir (Urduja) dahil sa kanilang mala-anghel na mga boses ang pagdiriwang ng Misa hanggang sa matapos ito na kung saan inilabas para i-venerate ng mga tao ang first class relic ni Bl. Marie-Eugene. (~Minnie Agdeppa)

(Photo credit: Salt + Light Media)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s