Message of Bishop Tobias, Surrendering Day & Launching of Community Based Drug Rehabilitation Program – Sept 1, 2016

Ang Mahal na Obispo Antonio Tobias, D.D.

Mayor Oca, Vice Mayor Asistio, Mga minamahal kong kapatid, kung mapapansin natin sa buong kapulungan, mayroong peace talks sa Oslow, Norway. Ang mga magkakalabang punto at grupo ay naguusap. Ganyan din palagay ko sa maliit ngayon ang nangyayari sa atin.

Ang ating ginagawa ngayon ay pangkapayapaan na pagsasama-sama para makamit natin ang kapayapaan ng bawat isa, sa buong kapulungan, miske na sa ating lungsod.

Kaya sa kapayapaan po, hindi po komo ang mga pasyente at mga maayos, pagkat ang Simbahan ay nagiisip. Tayong lahat, ngayong Jubilee ng Awa, ang kunsepto ng Simbahan tayong lahat ay may sakit. Lahat po tayo ay may sakit.

Ang bawat isa sa ating ay dapat humarap–harapin ang kanyang sarili, ang Panginoon, “Ano ang pwede ko pang maayos sa sarili ko para mahinto ang mga bumabagabag sa aking pagkatao?” Yan po!

Ngayon, dito sa ating lungsod–o sa Quezon City at sa Caloocan–nagsasama ang Simbahan at ang lipunan, ang local government para tumulong tayo.

Oo meron din tayong sakit at aayusin din natin ang ating sarili, pero hindi sapagkat ikaw ay may sakit, ikaw ay exempted para gumawa ng tama. Kami din gumagawa ng tama para sa aming sarili. Lahat ay hinihimok po sa ganyan.

At ang ating mga kapatid na parang nalunod sa droga, naguumpisa–tulungan natin sila! At yan ang kahulugan ngayon.

Palagay ko ang tulong natin ay ito: ayusin at pagalingin. Kaya may istep-istep. Ang ganda kasi 6 months to 18 months. Basta’t nakipag-isa ka sa programa, may pag-asa. May pag-asa! Walang taong walang pag-asa sa mundong ito!

At yan ang sinasabi namin sa ating mga kapatid ngayon, “May pag-asa pa kayo!”

Ngayon, pagalingin, aayusin po kayo. Pero gusto kong dagdagan na kami rin, Mayor, ang Simbahan, tutulong po sa pagpapagaling pagkat yan ang ginawa ni Hesus nung Siya ay nabubuhay. Lahat ng makasalanan pumunta sa kanya at pinapagaling, inaayos.

Pero sa kasaysayan ng Simbahan meron po ring additional kontribusyon ang Simbahan at ito ang “protect”–proteksiyunan ang mga mahihina at may sakit. Kaya’t alam niyo sa Kasaysayan ng Simbahan, miske na sa ating mga kapatid na Muslim, sino mang may sakit, sino mang salarin, basta’t nakapasok sa Simbahan, hindi mo pwedeng barilin o patayin ito. Basta’t nakapasok sa Simbahan.

Dapat yun ang Simbahan ay lugar ng anak ng Diyos at kapwa tayo magkakapatid hindi natin pwede sila kitlin sa Bahay Ng Diyos. At ito ang parang nakakalimutan natin.

Palagay ko, sa ating mga kapatid na inaayos at pinapagaling, huwag kayo matakot kasi ang Simbahan handa kayong proteksiyunan.

Yun po ang ganang amin. Okay meron akong gustong sabihin pero dun lang sa mga kapulisan, pero hindi ko sasabihin muna ngayon dito, para magkaroon lang ng maayos. Yun po ang aming gusto.

Ang unang posisyon ng Simbahan ay kayo ay pagalingin at aayusin. Pangalawa, hindi pwepwedeng talikuran ng Inang Simbahan na proteksiyunan ang sino mang gustong magbago. Kaya po, sa akin, sa kasaysayan ng aking buhay, may mga sundalong nagpunta sa akin noon, tinago ko sila muna…

Huwag tayo magduda na ang ating Simbahan at ang ating lokal na gobyerno ay ipagkakanulo kayo. Okay yan po, salamat at ating tandaan ang “pagalingin at proteksiyunan”…Ang Simbahan ay andyan para tumulong sa pagpapagaling at proteksiyunan.

Kayo rin ay mayroong tungkulin na proteksiyunan ang bawat mamamayan. Kaya somewhere sa isang punto magkakatugma tayo. Salamat po.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: