Pagtatalaga Ng Bible Coordinators Susi Sa Pagdiriwang Ng Ika-Limang Sentenaryo Ng Kristiyanismo Sa Bansa

Rev. Fr. Hernan Batomalaque
Rev. Fr. Hernan Batomalaque, Bible Apostolate Director ng Diyosesis Ng Novaliches (Photo grab from his FB Account.)

“Sa Bibliya nakasalalay ang lahat ng ministry ng ating Simbahan. Kung kaya ang lahat ng ministry ay nararapat magkaroon ng Bible Coordinator para sa paghahanda ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Bansa,” ika ni Reb. Padre Hernando Batomalaque na Bible Apostolate Director ng Diyosesis Ng Novaliches matapos nitong dumalo sa katatapos lamang na 21st National Bible Workshop ng Catholic Bishops Conference of the Philippines’ Episcopal Commission on the Biblical Apostolate (CBCP-ECBA) na ginanap sa Villa Amor Hotel ng Koronodal City, South Cotabato na sakop ng Diyosesis ng Marbel noong Pebrero 23-27, 2016.

Ipinaliwanag ni Padre Hernan na ang mga nabanggit na itatalagang Bible Coordinators ng bawat ministry ay magiging bahagi ng Biblical Apostolate ng Diyosesis at siyang magiging gabay ng bawat ministry na ilapat ang kanilang programa para sa paghahanda ng pagdiriwang ng ika-500 Taon ng Pagkakatatag ng Kristiyanismo sa bansa.

Dahil doon, bibigyan ng Biblical Apostolate ang mga Bible Coordinators ng nararapat na paghuhubog at pagsasanay na aayon sa adhikaing ito. Sa katunayan, sa Abril 2, 2016 sa Cathedral Shrine and Parish of the Good Shepherd na gaganapin ang unang pantas-aral para sa mga Bible Coordinators ukol dito.

Bukod sa pagtatalaga ng Bible Coordinators sa bawat ministry ng Diyosesis, magkakaroon din ng pagsasanay at programa ukol sa Bibliya para sa mga hindi pa mga Kristiyano sa tulong ng Basic Ecclesial Communities (BEC) at ibang ministry ng Diyosesis. Ipamamahagi din ang Bibliyang “May They Be One” sa lahat ng taong sumasailalim sa Diyosesis ng Novaliches upang makamit ang 3M kopyang inaasam na maipamahagi ng CBCP-ECBA sa bansa.

Ang mga pagbabago at mga gawaing ito ay inaasahang ilabas sa isang Circular ng ating mahal na obispong si Pinaka-Reb. Padre Antonio R. Tobias, D.D. ayon kay Padre Hernan.

Nilayon ng 21st National Bible Workshop na mapalakas ang adhikain na nilalaman ng kanyang tema na “God’s Word: Hope For The Family, Strength Of The Nation,” para sa taong 2016 na ayon sa pagdiriwang ng “Year of the Eucharist and the Family” at bilang pagbaba sa mga katuruan mula sa katatapos lamang na 51st International Eucharistic Congress.

Naging tampok sa nasabing Workshop ang pagbabahagi ni Pinaka-Reb. Padre Pablo David, D.D., bagong obispo ng Diyosesis ng Kalookan at kasapi ng mga opisyal ng Philippine Bible Society. Samantala, isang video message ang pinadala ng Kagalang-galang Luis Antonio Kardinal Tagle, D.D., Arsobispo ng Arsodiyosesis Ng Maynila, sa mga dumalo sa nasabing Workshop.

Tinatayang na may humigit-kumulang na 100 katao ang dumalo sa nasabing pagtitipon, kasama na ang delegato ng Diyosesis ng Novaliches na binubuo nina Padre Hernan at ang Biblical Apostolate Lay Coordinators na sina Atty. Marilyn Santos at Celsa Uy.

Idaraos din ng Biblical Apostolate ang isang Easter Bible Recollection sa Abril 23, 2016 ika-7:30NU sa St. Peter Parish Shrine of Leaders, Commonwealth Avenue, Q.C. (~Minnie De Luna)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: