Bisikleta Parokya Inilunsad ng Nova PAM

12783745_1221176867961994_100845426792984531_oKamakailan, inilunsad ng Public Affairs Ministry (PAM) ng Diyosesis ng Novaliches ang Bisikleta Parokya “Huwag Magnakaw” sa mga parokya na sumasailalim sa Bikaryato ng Ascension at ng Sto Nino noong Pebrero 27, 2016 sa pangunguna ni PAM Priest Director Rev. Rr. Ralph Mestosamente.

Mga 100 bikers ang nag-suot ng t-shirt na may tatak na “Huwag Kang Magnakaw” (HKM) upang maipakita at maituro ang kahalagahan ng ika-pitong utos ng Diyos na masama ang pagnanakaw at ang pagkuha ng hindi para sa iyo. Nagsimula ang pagbibisikleta ng nasabing mga bikers mula 6:00 n.u. sa Holy Rosary Parish at nagtapos sa Tala Glorieta Covered Court sa Bikaryato ng Sto. Nino na kung saan isang programa ang ginanap, matapos itong umikot sa lugar na sakop ng Bikaryato ng Ascension at ng Sto. Nino.

Ito ay nilahukan ng iba’t- ibang mga bikers group at ng mga volunteers mula sa 15 parokya: Sto. Nino Parish, Ang Muling Pagkabuhay Ng Ating Panginoon Parish, San Roque Parish, St. Paul of the Cross Parish, Ina Ng Laging Saklolo Parish, San Jose Amang Mapagkalinga Parish, Holy Rosary Parish, St. Joseph the Worker Parish, Holy Spirit, Holy Cross Parish, Visitation of Our Lady Parish, Ascencion of Our Lord Parish, Mary The Queen Parish, Jesus of the Divine Mercy Parish, at St. Francis Xavier Parish.

Nilahukan din ito ng mga kapatid nating -mga pipi o Persons With Disabilities (PWD) na masayang-masayang nakabahagi at nakiisa sa nasabing event. Nagbigay ng inspirational message ang kinatwan ni Fr. Nonong Fajardo na Lead Convenor ng HKM Movement.  (~Rhod Santos)

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: